Kabanata 21 “Damn you, hard headed girl!” Iyon agad ang bungad ni Ali sa akin nang makababa ako ng hagdan. Napangisi ako sa loob-loob ko. Sino ba kasing nagsabi sa kanya na susundin ko ang gusto niya? Hindi ba niya alam na nandito ako para akitin siya? Kung tutuusin, muntik pa nga akong magkamali ng aakitin, mabuti na lang at siya na mismo ang kusang lumalapit. Pinadali pa niya ang ginagawa ko dahil siya mismo ang nag-offer ng lahat. Si Ali ay nakasuot lang ng puting polo shirt at khaki na shorts. Pareho kaming naka-itim na tsinelas. Simple ang suot niya, pero hindi nawawala ang dating. May mga taong kahit anong isuot ay mukhang mayabang sa ganda ng tindig, at isa siya roon. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit habol nang habol si Bria sa kanya. “Sino ba nagsabi sa ’yo na susundin ko

