Kabanata 18 Natigilan ako sa sinabi ni Haven. Parang may biglang humigpit sa dibdib ko, at sa ingay ng party ay tila ako lang ang biglang nawalan ng hangin. Alam ko kaagad kung ano ang ibig niyang ipahiwatig, at mas kinabahan ako roon kaysa sa kahit anong tsismis o eskandalong puwedeng ikabit sa pangalan ko. May nakaabot na ba ng tauhan nila Tatay dito? Ang tanong na iyon ay paulit-ulit na umuukit sa isip ko.Paano kung hindi lang si Ali ang minamanmanan? Paano kung pati ako ay sinusundan na rin? Paano kung malaman nila na hindi si Ate ang nandito, na ako ang pinalit? Isang maling hakbang lang, isang maling ulat, at siguradong hindi lang si Ate ang magwawala. Mas kilala ko si Tatay, kapag nalaman niya ang totoo, hindi lang galit ang aabutin ko. “Ayos ka lang ba, Lily?” Napabalik ako

