Kabanata 26 Ngumuso ako habang tahimik na pinagmamasdan si Ali sa kusina. Nakasandal ako sa malamig na sementong dingding, suot ang isa sa mga oversized na shirt niya na halos umabot na sa hita ko. Kita ang hubad niyang likuran habang abala siya sa pagluluto, malapad, matikas, at punô ng lakas. Doon palang, sapat na para mag-init ang pisngi ko. Sa lahat ng parte ng katawan niya, ang likuran niya talaga ang pinaka-inaasam ko. Idagdag pa ang malaking ahas na tattoo na gumagapang mula balikat pababa, parang paalala ng kung gaano siya kadelikado… at kung gaano ako kaakit sa kanya. Nauna siyang nagising kanina. Sabi niya, gusto niyang maghanda mismo ng lulutuin para sa sarili niyang selebrasyon. Gusto raw niya ng simpleng house party, walang engrande, walang drama. Mga kaibigan lang niyang n

