CHAPTER 12

2186 Words

NAGTAKA si Lexi nang magising siya na nasa sarili na siyang kama. Ang maalala niya ay nakatulog siya kagabi sa sofa ng living room. Kumunot ang nuo niya.     Sino ang nagdala sa akin dito? Tanong niya sa kaniyang sarili.     Isang tao lang ang pumasok sa kaniyang isipan.     Kuya Davin.     Pero paano naman kaya ito nakapasok sa apartment niya. Nanlaki ang mata niya nang maalala niyang hindi pala niya na-i-lock ang pinto kagabi. Natampal niya ang kaniyang nuo. Mabuti na lang at mabait ang Kuya Davin niya dahil kapag ibang tao lang ‘yon baka may nangyari na sa kaniyang hindi maganda.     Napabuntong hininga si Lexi at bumaba sa kama. Inayos niya ang kaniyang kama saka siya lumabas ng kaniyang kwarto. Natigilan siya nang makita si Davin na nakahiga sa mahabang sofa at tulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD