Chapter 1

2017 Words
Astrid 5 year's later... "Mama,gising na" may munting boses na gumigising sa aking magandang pagtulog. "Hmmhh"ungot ko. "Mama,gising na kakain na po nagluto po si mama la ng food"sabay alog sa akin. "Maaga pa" inaantok na sabi ko. "6:00 am na po mama,sige po tampo na po ang baby niyo" Napadilat naman kaagad ako. Nakita ko siyang nakatingin sa akin ng seryoso.Napatawa na lang ako. Kapag sinabi niya kasing tampo na siya ibig-sabihin non hindi niya ako papansinin. Naalala ko nga noong busy ako kasi may ginagawa akong mga files hindi ko siya gaanong pinapansin kasi busy nga ako at kailangan ko iyon tapusin dahil kinabukasan ay kailangan na iyon para sa meeting kaya ayun sinabihan niya ako tampo siya sa akin, hindi niya ako pinansin ng buong araw. Sinusuyo ko na laha't lahat ayaw parin akong pansinin. "Good Morning baby ni mama"masayang bati ko sa kaniya. Pero hindi parin siya nag-sasalita nakatingin lang ito sa akin. Nakikita ko na naman sa kaniya si Chase. Napailing na lang ako. Kaya naman ay hinila ko ito at pinugpog ko ng halik. Tumawa naman siya ng malakas. "Ma,stop hindi ka pa po nagwash ng teeth mo bad breath ka pa po"aniya. Napahinto naman ako sa paghahalik sa kaniya. Inamoy ko naman ang hininga ko wala namang amoy. "So ayaw mona magpakiss sa akin eh dati nung baby ka gustong-gusto mo ikikiss kita,ngayon ayaw mo na"madamdaming sabi ko kunwaring nagtatampo. Ngumuso naman siya saka ako niyakap."Sorry na po mama pero po totoo po yun promise"sabay taas ng kanang kamay niya. Tumawa naman ako. Kinurot ko naman ang kaniyang pisngi."Ang sarap talagang kurutin ng pisngi mo" "Sige na mag-wawash na po ako ng face ko baba kana doon,susunod ako"sabi ko sa kaniya. Tinignan ko ang orasan 6:30 a.m na. Maaga nagigising ang anak ko kaysa sa akin siyempre pagod sa trabaho staka late narin ako nakauwi kagabi. Caleb Jace Santiago ang ipinangalan ko sa kaniya 4 year's old but turning 5 this month. Nakuha niya kay Chase ang hugis ng mukha at ang abo na mata, nakuha niya naman sa akin ay ang kulay ng buhok na brown, ilong at labi. Makulit at bibong bata pag nandito sa bahay at pag kilala niya ang tao, pero pag sa iba ay mahiyain siya o di kaya tahimik at seryoso. Hobby niyang mag-basa kaya binibilhan ko siya ng isang libro pag suma-sahod ako kaya marami narin siyang libro sa bahay ayaw niya nga sa mga pambatang libro gusto niya daw yung interested at yung may kaalaman. Well, alam ko na kung saan niya namana ang katalinuhan niya kundi sa tatay niya. Tumango lang siya at lumabas na ng kwarto. Ako naman ay dumiretso na sa banyo para maghilamos at nag-toothbrush. Pagkatapos kong mag hilamos at magtoothbrush ay bumaba na ako para makapag-almusal na kami. Pagbaba ko naabutan ko si mama na nag-hahain ng almusal namin. "Good Morning, Ma" sabay halik sa pisngi. "Morning" Tinignan ko naman ang anak kong nauna nang kumain. Ang agahan namin ngayon ay hotdog, itlog,tuyo at nagsangag na rin si mama may ginawa rin siyang suka sawsawan ng tuyo. Yummy Si Caleb naman ang kinain ay ang paburitong hotdog at sinangag. Kumuha ako ng pinggan at sinimulan ng sumandok ng pagkain. Siyempre,ang paburito kong hotdog, itlog at tuyo siyempre sinangag rin. Marunong naman na kumain si Caleb yun nga lang makalat siya. Ayaw na niyang nagpapasubo kase daw big boy na daw siya. "Anong oras nga pala ang pasok mo?" "Nine pa ma,mag-aayos pa ng kompanya dahil ngayong araw ang dating ng bagong boss namin" sabi ko. Tumango naman siya bilang sagot. Pagkatapos namin kumain ay niligpit na ni mama ang pinagkainan namin siyempre tinulungan ko siya at siya na rin ang mag-huhugas non. Ako naman at si Caleb ay umakyat na sa kwarto para paliguan. Alas otso kasi ang pasok niya sa school. Wala naman daw problema sa kaniya sa school dahil mabait daw na bata si Caleb at Matalino pa, first honor siya sa kanilang klase kaya proud kami ni mama sa kaniya. Wala narin akong balita kay Chase dahil noong lumuwas ako dito sa amin ay tinanggal ko na ang komunikasyon ko sa kaniya. Pati ang cellphone ko dati ay hindi kona rin ginagamit nakatago lang ito. Pero bumili ako ng bago kong phone. Nang matapos ko na siyang paliguan ay inayusan ko na rin siya para makaalis na siya ng maaga. Meron siyang service papuntang school libre iyon dahil school ang may-ari non. "Ang pogi pogi talaga ng baby ni mama", sabay kurot sa pisngi niya. Humagikgik lang siya. Masasabi ko na mama's boy talaga siya. Simula noong ipinanganak ko siya never niyang tinanong sa akin kung nasan ang tatay niya. Kaya minsan tinitignan ko yung expression ng mukha niya pag may nakikita kaming mag kasamang pamilya na kompleto pag namamasyal kami. Pinapasyal namin siya ni mama pag wala lang akong pasok. After ko siyang ayusan narinig na namin ang busina sa baba at alam ko na yun na ang service niya. 7:30 a.m kasi siya sinusundo ng service. "Astrid andyan na ang sundo ni Caleb" sigaw ni mama mula sa baba. "Pababa na ma" Kaya naman ay tinignan ko si Caleb at hinalikan sa pisngi,"Tara na baba at baka naiinip na don yung schoolmate mo at driver," ani ko. Tumango lang siya. Sabay kaming bumaba ni Caleb. Inihatid ko siya hanggang sa gate. "Yung bilin ko sayo bago pumasok sa school ay-" "Huwag magpasaway at huwag mangaway ng kaklase" "Very good ang baby boy ko ah,"hinakan ko siya sa pisngi niya."Sige na, baka malate ka pa, kiss mo muna si mama," sabi ko. hinalikan niya naman ako sa pisngi. "bye,ingat ka ah" tango at wave lang ang sagot niya sa akin. Nang makaalis na ang service ni Caleb, ay ako naman ang mag aayos sa sarili ko dahil may pasok pa ako. Sa JRH Company (Jerald Ranier Harris) ako nag tatrabaho pangalan iyon ng boss ko iyon ang kompanyang pinag-tatrabahuhan ko, pero maiiba na yun since iba narin ang magmamay-ari non. Aalis na kasi ito ng bansa. Hindi pa namin alam kung ano ang bagong pangalan ng kompanya at ang bagong boss namin pero nagpapasalamat kami dahil hindi kami matatanggal o maiiba ng pwesto. Apat na taon na rin ako doon pumapasok. Simula nung nag isang taon si Caleb ay nag hanap na ako ng trabaho para may pambili ng gatas at diaper niya. Kay mama ko siya iniiwan pag may pasok ako. Noong nalaman ni mama na buntis ako siyempre pinag sabihan niya ako at tinanong kung sino ang ama ng dinadala ko ayaw niya daw na matulad ako sa kaniya ang sabi ko na lang yung boyfriend ko na niloko ako pero hindi niya kilala kung sino ito. Wala rin naman trabaho si mama kaya siya ang nagpresinta na magbantay kay Caleb. Ayaw ko rin naman kumuha ng babysitter o yaya dahil wala rin kaming pambayad. Nagpapadala dito ang tita ko na kapatid ni mama na nasa ibang bansa pero sapat na iyon sa pang araw-araw namin. Naalala ko nga noon na muntik na akong makunan dahil sa pag-iyak ko dahil ibinalita noon na engage na sila Chase at Jane. Nagkulong lang ako noon sa kwarto ko at napapabayan ko na rin ang sarili ko hindi ako non kumakain ng maayos pati yung baby na nasa tiyan ko napabayaan ko na. Buti na lang nandoon pa si mama noong dinugo ako,aalis kasi sana siya noon para pumuntang palengke para sa tanghalian namin. Buti na lang may tricycle-an malapit sa amin kaya agad akong nadala sa ospital. Ang sabi nang doktor ay maselan ang pagbubuntis ko at buti na lang daw kaagad akong dinala sa ospital at kung hindi posibilidad daw na malaglag ang bata. Kaya laking pasasalamat namin nang ligtas ang anak ko. Noong makalabas ako nang ospital inalagaan at inigatan ko ang sarili ko para hindi na maulit ang nangyari. Sinubukan kong kalimutan si Chase noon. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro tungkol sa pag bubuntis at paggawa ng gawaing bahay na madali lang. Lumipat kami ng bahay, pero dito parin sa Laguna. May nakabili na kasi ng lupa doon sa dati naming tirahan. Papatayuan daw iyon ng pabrika. Pagkatapos kong mag-gayak ay bumaba na ako. Naabutan ko si mama na naglilinis ng sala. Hobby niya gawin ang mga gawaing bahay. Pag wala naman na siyang gagawin sa bahay ay pupunta naman siya sa kapit-bahay para makipagkwentuhan o di kaya manood ng t.v yun ang sabi niya sa akin. Kapag daw uwiaan na ni Caleb ay sila naman daw ang nagbobonding mag lola naglalaro, nagbabasa at nasusulat yun daw ang bonding nila pag wala ako. "Ma, aalis na po ako baka malate na ako at baka traffic na rin po". sabi ko sa kaniya sabay halik sa pisngi. "Sige, mag-ingat ka" Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng jeep na masasakyan medyo malayo ang trabaho ko dito sa amin kaya minsan ay inaagahan ko ang pag pasok ko dahil baka malate o ma traffic. Pumara na ako ng jeep ng may nakita akong papadaan kaya sumakay nako. "Bayad po sa JRH po" sabay abot ng bayad. Nakatingin lang ako sa bintana habang umaandar ang jeep. Bumaba na ako sa jeep ng nasa tapat na ako ng building namin. Hindi naman gaanong katraffic. Naglakad na ako papasok pinakita ko muna sa guard ang i.d ko staka ako pinapasok. Nakita ko naman ang aking mga katrabaho na aligaga sa paglilinis ng kanilang mga area. "Hoy, ba't ngayon ka lang kanina pa ako dito naghihintay sayo kanina pa din kami naglilinis dito ikaw ngayon ka lang dumating tignan mo nga yung area mo malinis na nilinis ko na para sayo nakakahiya naman eh" tinuro ni Chole ang pwesto ko kung saan ang work area ko. Nakapamaywang na siya ng humarap ako sa kaniya. Chloe Aisha Ramirez ang kaibigan ko dito sa trabaho ko alam niya na may anak ako siya pa mismo ang nag request na maging ninang siya ng anak ko kaya naman ay pumayag na lang din ako. Ang ganda ng pangalan niya. Pero mas maganda pa rin naman pangalan ko. Joke "Ang alam ko alas nuebe ang pasok natin kaya bago mag nine ay nandito na ako wala naman kasing sinabi na maagang pumasok staka hindi mo naman kasi sa akin tinext" asik ko. "Eto naman hindi ka mabiro joke lang yun" ngiwing sabi niya. "Tss" Linagpasan ko na lang siya at pumunta sa area ko ramdam ko naman na nakasunod siya sa akin. Binaba ko yung bag ko sa table at staka umupo at sumubsob sa lamesa. May kumakalabit naman sa akin at alam kong si Chloe yun. "Uy, Astrid" "Bakit" "Umayos kana dahil mamaya darating na daw yung bagong boss natin". Kaya naman naupo ako ng tuwid sa sinabi niya. "Totoo" pagkukumpirma ko sa kaniya. Tumango lang siya bilang sagot. Kaya naman inayos ko yung itsura ko at yung lamesa ko. "Sabi ni sir kanina nung dumaan siya dito ay maya-maya daw pupunta na daw yung bagong may ari, kasama daw nito yung mga kaibigan niya na may share din daw dito" aniya. Nakita naman namin na nagsi-ayusan at bulungan ang mga co-workers namin. "Andyan na sila" "Shet ang gagwapo nila" "Makalaglag panty dzai" "Akin ka na lang sir" "OMG,Sila ba talaga ang bagong boss natin" "Ang gagwapings" Ayan ang bulungan nila. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Chloe ng malaman namin na nandyan na ang bagong boss namin. Inayos ko ang sarili at umayos ng tayo. "Good morning to all of you, now you will meet the new person who will replace me as your boss and you will also know the new name of this company so before that let's meet first your new boss Mr. Chase Roxx Cameron with his friends" sabi ni Sir Harris. Napako naman ako sa aking kinatatayuan ng malaman ko kung sino ang bagong boss namin. Napaangat naman ako ng ulo para kumpirmahin kung siya ba talaga iyon pero hindi ako nagkakamali siya nga. . . . . . . . . . . . . . . "Chase"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD