Chapter 8: I Can’t Look at You

1006 Words
Hindi ko alam kung malas ba ako o maswerte. After ng nakakahiya at nakakakilig na kwento ni Sean, biglang nagbigay ng maraming trabaho si Xander ngayong hapon. Parang sinasadya ba niyang saktan ang keyboard ko? At syempre, sa dami ng kailangan tapusin, kami lang ni Xander ang naiwan sa opisina. Tahimik sa floor. Walang tao. Walang ingay. Walang distraction… kundi siya. Si Xander na nakaupo sa harap ng malaking salamin, suot pa rin ang necktie na sana ako na lang ang nag-alis—AY MINDY STOP IT! Sinubsob ko ang sarili sa mga papel para mawala kay Xander ang isip ko. Pero sa peripheral vision ko… ewan ko kung bakit ang daming kaartehan na nangyayari sa kanya. Nagtimpla siya ng kape… pero nang makita niya akong tumitingin, bigla siyang nagkunwaring may inaabot sa shelf at doon siya natapunan ng kape sa kamay niya. “A—aw,” mahina niyang reklamo. Napatingin ako. “Sir, okay lang po ba kayo?” “I’m fine.” Pero ramdam mo 'yung hiya niya kasi nag-iwas agad ng tingin. Maya-maya, naglakad siya habang nagbabasa ng file. Kunwari sobrang busy. Pero obvious namang umiilag sa direction ko. Ayun… nabangga niya 'yung indoor plant. “Sir…” Pinigilan kong tumawa. “Are you sure okay lang kayo?” Mabagal niyang tiningnan ako. “Focus on your work, Ramirez.” Cold words… pero namumula ang tenga niya. At doon ko nalaman… hindi lang ako ang nagkakandarapa sa awkwardness namin. Bandang 8PM na nang sabay kaming natapos. Nagligpit ako ng gamit, gusto ko na talagang umuwi at magpahinga. “Mindy.” Napalingon ako. Siya, nakatayo sa harap ng desk ko. Seryoso pero may halong pag-aalinlangan sa mata. “Do you need a ride home?” Huminto ang mundo ko. Bakit ang laki ng epekto ng limang salita niya?! “Ah—hindi na po, sir. May susundo po sa’kin.” Nag-iwas ako ng tingin kasi baka lumabas lahat ng dugo ko sa mukha ko. “Susundo?” Medyo kumunot ang noo niya. As if hindi niya gusto ang salitang ’yon. “Yes po. Sina Jessica at Tuff. Sabay-sabay kaming mag-dinner.” Bahagya akong ngumiti. Para ko siyang na dismaya sa sinabi ko. "Okay," sabi niya lang saka tumalikod na. Sabay kaming sumakay sa elevator. Awkward pa rin pero kahit papano hindi na tulad ng kanina. "Si... Si Sean... 'Wag mo na lang pansinin ang sinabi niya.." Pagbasag niya sa katahimikan na ikinatingala ko sakanya. "Sure. Nagulat lang naman ako kasi kung kilala ko ng kaibigan mo, malamang nagsisinungaling kang hindi mo ko natatandaan." "Kailan ko ba sinabi na hindi kita kilala?" Kumabog ang dibdib ko sa lalim ng boses niya. "Nung interview. Tinanong mo kung sino ko." "Dapat ba kinamusta na lang kita no'n?" Mas lalo siyang lumapit. Kaya nataranta ko. Napaatras ako pero siya patuloy pa rin sa paghakbang hanggang sa nasandal na ko sa hangganan. "Dapat ba, hey you? Babaeng linta," seryoso niyang dagdag saka medyo nangiti sa sinabi. "Joke ba 'yon? Nagjo-joke rin pala ang isang Xander Monteverde." Hindi na ko makatingin sakanya. 'Yung puso ko parang tatalon na papunta sakanya. Bakit ba ganyan siya kung tumingin? Bakit ba sobra siya kung lumapit? "Right, that's a joke." Tumigil siya saka lumayo na. Nagpamulsa siya habang humaharap sa pintuan ng elevator na malapit ng magbukas. "See you tomorrow then." Nauna siyang lumabas. Naiwan akong kumakabog ang dibdib sa sobrang kaba. “Hoy, 'yung ex mong gago nasa harap!” sigaw ni Tuff, buong lobby rinig. Napapikit ako sa kahihiyan. Napatingin ako kay Xander na huminto tsaka humarap sa gawi namin. Nakakunot ang nuo niya. Napansin siya ni Tuff kaya pareho kaming napalunok. "Ang ingay mo kasi," pabulong kong angal. Kasunod noon, “Balik sa kotse mo kung ayaw mong masapak!” Si Jessica naman ito. Ang lakas din ng boses. Mabilis akong lumabas para pigilan na si Jessica. May hawak na bouquet of roses si Steven. Mukha siyang guilty at desperado. “Mindy…” Lumuha ang boses niya. “Let me make it up to you. Kahit isang chance lang…” Napahawak ako sa bag ko. Sana pwedeng itapon sa mukha niya pero madaming tao. “Mindy doesn’t need you,” si Jessica, naka-hair flip pa. “Hindi ka welcome rito,” si Tuff naman, naka-tapang stance na parang kasing laki niya ang muscle ni Xander. “Mindy, I miss you—” Lumapit si Steven. Pero bago pa siya makadikit sa’kin… may humarang. Si Xander. As in, bigla siyang tumayo sa pagitan namin. Parang may biglang pader na tumubo sa harap ko. Cold. Unmoving. Protective. “Step back,” utos niya kay Steven. Hindi malakas pero matalim na tipong pwede pumatay ng ego. “Excuse me?” Tumaas ang boses ni Steven. “Who are you to her?” Xander didn’t answer right away. Tumingin siya sa akin. Parang may hinihintay na sagot. Parang gusto niyang marinig na siya… may lugar sa buhay ko kahit papaano. Pero… hindi ako makasalita. Hindi ko alam kung ano ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano siya sa akin. Kaya bago pa ako tuluyang malunod… “I’m her boss,” sagot ni Xander, calm but proud. Boss. 'Yun lang? Ang sakit. Ngumiti si Steven, medyo mapakla. “Kung boss ka lang… hindi ka pwedeng pumagitna sa amin.” Gusto kong sumigaw na NO. Gusto kong sabihin na tapos na. Pero nanigas ako sa kaba. Xander clenched his jaw. Pero kontrolado niya ang emosyon niya. He slowly turned his head to me. “Mindy, do you want to leave with him?” diretso niyang tanong. At doon ako napatulala. Walang ibang tao ang nagtanong sa’kin ng ganon. Walang nagbigay sa’kin ng option na piliin ang sarili ko. Steven looked hopeful. Jessica and Tuff looked nervous. Xander looked… scared to lose. Huminga ako… malalim… “No,” sagot ko, walang pag-aalinlangan. Tumalikod si Xander kay Steven at nagbigay ng final blow. “She said no.” At doon ko naramdaman… Mas delikado si Xander sa puso ko kaysa kay Steven. Kasi hindi niya ako pinipilit…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD