Hindi ko alam kung gaano kami katagal tumatakbo.
Nang makalampas kami sa madaming tao, hinila niya ako sa isang makipot na alley sa gilid ng building. Medyo madilim at malamig ang hangin. Huminto kami, parehong hingal na hingal.
Ako lang pala ang hingal na hingal.
“Wait…” hingal ko, hawak ang dibdib ko. “Bakit tayo… tumatakbo?”
Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Hindi niya binitawan kahit ilang beses ko nang tinangkang iusad ang kamay ko palayo.
“Sino ba 'yon? Nandiyan pa rin ba sila? Nakasunod pa rin?” tanong ko.
“Probably,” sagot niya, catching his breath pero hindi halata.
Tumingin ako sa kamay naming magkahawak. Sinundan niya ang tingin ko.
Doon niya na-realize na hawak niya pa rin ako.
Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. At parang sumama ang kaluluwa ko nang mawala ang init ng palad niya.
“Sorry,” mahina niyang sabi.
First time ko siyang nakitang parang… tao. Vulnerable. Hindi cold CEO.
“Anong nangyari sa’yo sa loob?” tanong ko habang inaayos ang buhok ko na parang dinaanan ng bagyo.
“I walked out of a family meeting.”
Maikli pero mabigat.
“Family meeting? As in… family family?” Ngayon lang niya ako tinignan nang diretso. Parang pinag-iisipan niya kung pagsasabihan ba ako or pagbubuksan kahit konti.
“My mother was trying to dictate my life again,” pabulong niyang sagot. May pait sa tono.
Before I could say anything—RING! RING! RING!
Napatingin ako sa phone ko. Steven ang pangalan sa screen.
Tumigas agad ang katawan ko. Kumulo ang sikmura ko sa takot at inis at hiya.
Agad ko iyong ni-lock.
Muntik ko ng makalimutan. Ako nga rin pala tumatakas kaya tumakbo ako kanina.
“Your boyfriend?”
Nagulat ako at mabilis na bumalik ng tingin sakanta. “H-Hindi. Ex.”
Saglit akong tumingin sa paligid.
“Ayoko siyang kausapin.”
Sandali siyang tumango, pero yung panga niya… kumuyom.
“Is he the reason you ran like someone’s going to kill you?” diretso niyang tanong.
Napabuntong-hininga ako. “Iniwan niya ko… sa altar.” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ’yon. Nag-open up agad ako sakanya.
Hindi siya nagsalita agad.
Pero isa… dalawa… tatlong hakbang siyang lumapit.
Hanggang sa halos magdikit ang mga mukha namin. Hindi na naman ako makahinga.
"A-ano... Naka-move on naman na ko. Kaya lang kasi ang kulit niya. Ayoko na kasing magpaliwanag siya," tuloy-tuloy at mabilis kong dagdag.
“Mindy…”
Tumigil ang kaba ko kasabay ng pagtitig sa seryoso niyang mukha.
“You deserve someone who won’t run away from you.”
Lalo akong natigilan.
“Someone who will run with you.”
Napalunok na ko. Ano bang sinasabi niya? Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kamay ko. Parang malalaglag ako kung hindi ako hahawak sa kanya.
Bigla siyang umiwas ng konti—pero hindi palayo. Parang… nilalabanan niya sarili niya.
“Next time someone tries to hurt you…” malalim ang boses niya, “…tell me.”
Tumigil ang oras. Hindi ko maitago ang pamumula ng mukha ko.
Seryoso ang titigan namin kaso pareho kami napaalis ng tingin nang mag-ring ulit ang phone ko.
Steven. Again.
Bago ko pa mapindot ang reject,
mabilis na inabot ni Xander ang phone ko.
He stared at Steven’s name.
“You’re done with him, right?” tanong niya sa mababang boses.
Napasinghap ako. “H-Hoy… akin ’yan—”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi kumalabog bigla ang pinto sa kabilang side ng alley.
“Sir Xander!”
“Andito sila!”
Pati ako nagulat. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko ulit at nag-decide. “We’re leaving.”
“Ha? Saan naman tayo—”
“Anywhere,” sabay lingon niya sa direction ng mga humahabol sa'min.
Tumingin din ako at natulala nang makita si Steven na nakatayo. Parang mas una siyang nakarating doon kaysa sa mga humahabol kay Xander.
May galit sa mukha niya na may halong pagtataka.
Tatanggalin ko ba ang kamay kong hawak ni Xander?
Hindi.
Mas lalo kong hinigpitan ang kapit.
This time…
Hindi ako patakbo palayo dahil sa takot.
Tumakbo ako kasama niya.
With Xander.