Chapter 4: His Office, His Rules

1056 Words
Kinain ko ng mabilis ang natira kong burger pero parang wala nang lasa. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa literal na nag-short circuit ang sistema ko kanina. Ang tanging malinaw lang sa utak ko ay ang tunog ng boses ni Xander at ang utos niya na parang tinatadtad ang puso ko. “Bes, kumalma ka lang. Ganyan talaga kapag CEO ang crush,” bulong ni Jessica habang inaayos ang buhok ko gamit ang fingertips na parang hair stylist. “Hindi ko siya crush. Hindi niya ko crush,” mabilis kong sagot. “Talaga? Eh bakit nanginginig ka diyan?” singit naman ni Tuff na may hawak na chicken skin. “Huy, syempre naman. Baka pagalitan ako! Hindi ako crush ng boss ko, okay?” mabilis kong depensa. “Min,” untag ni Jessica, medyo naawa. “’Pag tinititigan ka ng ganon? Girl, that’s attention.” Ayoko nang mag-react. Baka lalo pa nila kong unatin sa tuksuhan. Huminga ako ng malalim at tumayo. Ito na ’to. Laban o resign. Pagdating ko sa top floor, ang tahimik. Parang ako lang ang gumagalaw sa buong uniberso habang naglalakad papunta sa opisina niya. Bawat hakbang, parang naririnig ko ang pintig ng puso ko. Malakas, mabilis, at may halong kabog na hindi ko maintindihan. Hindi pa ako kumakatok nang biglang bumukas ang pinto. Siya. Seryosong tingin. Walang emosyon. Parang director na naghihintay ng artista niyang sablay. “You’re late.” “H-hindi po! Maaga pa po yata ako ng three minutes actually,” mabilis kong sagot habang pinipilit ngumiti. Hindi siya ngumiti pabalik. Kahit konting iglap sa labi… wala. “Come inside.” Pumasok ako at pumikit ng isang segundo para i-compose ang sarili. Pagmulat ko, doon ko lang napansin na sobrang lapit ko na pala sa kanya. Siguro isang hakbang na lang… magdidikit ang dibdib namin. Nagkatinginan kami. Para bang may humila sa oras. Nabingi ako sa mismong presensya niya. Tumikhim siya ng marahan kaya napaatras ako nang konti — konting-konti lang ha, para hindi obvious. “Do you always hold your… partner like that in the cafeteria?” Parang bigla akong nautal. “Ha? A—Ano pong partner?” “Yung kasama mong lalaki.” Nagtagal ang tingin niya sa baba ng labi ko bago bumalik sa mata ko. “Yung humahawak sa braso mo.” “A-ah! Si Tuff po ’yon. Kaibigan ko lang po! Tsaka—” Huminto ako. Paano ko ba sasabihin? “Bakla po siya,” bulong ko na parang confidential information. Naningkit ng konti ang mata niya. Hindi halatang convinced. He stepped closer. “You sure?” Luh, bakit parang nag-iba ang mood niya? Parang siya na ulit 'yung Xander na kasama ko sa loob ng kweba. “Yes sir. Super duper sure po,” sagot ko, halos wala nang hangin ang boses. “Mas malandi pa nga po 'yon sa'kin,” pabulong kong dagdag. Di ko sure kung narinig niya. He nodded slowly then naglakad papunta sa desk niya. Nilingon niya ako sandali. “Sit.” Umupo ako agad. Sumunod naman ang anxiety ko, umupo rin sa dibdib ko. He handed me a thick folder. “That memo you edited earlier? Good job.” Hindi ako nakapagsalita agad. Parang may fireworks sa utak ko na hindi ko maipakita sa mukha. “Thank you po,” bulong ko, na parang baka magbago isip niya kung lalakasan ko. “But.” Ayan na. May kasunod pala. “You forgot to update the CC list. Do it again and triple-check every name.” Tumango ako at kinuha ang folder. Nag-abot ang kamay namin nang konti, tumama ang daliri ko sa daliri niya. Isang segundo lang yun pero… Para akong nakuryente. Napatingin ako sa kaniya, hindi ko mapigilan. At mas lalo pang bumigat ang hininga ko nang tumingin din siya sa akin. Hindi umiwas. Hindi mabilis. Hindi pilit. Parang may binabasa siya sa loob ko. “You’re shaking,” mahina niyang sabi. “H-Hindi po—” Oo. Umaambag ang buong katawan ko sa lindol. “You don’t have to be scared.” Lumambot ang tono niya sandali, halos hindi ko sigurado kung imahinasyon ko lang. “Scared po? Hindi naman po ako—” Nagtaas siya ng isang kilay. Alam niyang nagsisinungaling ako. Umayos siya ng upo, nakatungo sandali para kunin ang isa pang file… pero dahil sobrang kabado ako, hindi ko namalayang napausog ako ng upuan nang sobra. Lumapit kami. Mas lumapit. Mas lumapit pa. Halos magdikit ang mga tuhod namin. At doon, bigla siyang tumigil. He leaned in slightly. Like… waaay too close for comfort. O baka… masyadong comfort para sa’kin. “Ramirez,” mahina niyang tawag. “Ano po?” “You’re breathing too fast.” Gusto ko nang bumagsak sa sahig. Naupo ako ng diretso at napalayo ng maayos. Nag-clearing of throat ako na parang sa pag-ubo ko matatakpan ang kahihiyan ko. “S-Sir… kung wala na po akong gagawin dito… babalik na po ako sa desk ko para ayusin po ulit ’yung memo. Kasi po ayokong ma-fire agad. Konting oras pa lang po ako employed.” Tumigil siya. Hindi sumagot. Parang iniintindi niya muna ang sinabi ko at kung bakit ang dami-dami kong sinabi. Then finally… “You’re not getting fired.” Firm. Direct. Sure. Napatingin ako. Parang may gumuhit na liwanag sa kisame. “Unless,” sabay bigla niyang tango sa rainbow heart mug na dala ko, “you bring that again here tomorrow.” “H-ha? Bakit po—” “I don’t like distractions.” Ay. Rainbow heart ang tawag niya sa distraction? Pero bakit siya na di-distract? “Noted po,” sagot ko sabay tayo. “Thank you po, Sir Xander.” Napatingin ako sa kaniya pero seryoso lang siya. Pero yung mata niya… may kakaiba. Hindi ko ma-explain. Lumabas ako sa office niya nang nakangiti pero nanginginig pa rin. Inabot ko ang pintuan… “Mindy.” Napalingon ako. Tumigil din siya sa pagsulat. His eyes lingered. “Next time… don’t run away at lunch.” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumango na lang ako. “Yes sir.” Paglabas ko, napasandal ako sa dingding. Hindi ko mapigil ang sarili ko. Bakit siya ganun tumingin? Bakit siya nag-aalala kung may jowa ako? Bakit niya ko pinipilit harapin siya? At bakit parang… habang mas lumalapit siya… mas hirap akong huminga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD