Chapter 3: The CEO Who Hates Me? (I Think…?)

981 Words
First day of work. Kinakabahan ako pero excited din. Hindi ko alam kung sasabog ba ang dibdib ko sa nerbiyos o sa hangover ng feelings ko mula kahapon. White blouse, black pencil skirt, at konting lipstick para magmukhang may direksyon ang buhay. Sana tumagal ang heels ko kasi hindi ko sila pwedeng ipahiya sa unang araw ko bilang “professional woman”. Pagpasok namin ng Monteverde Empire Corporation, nagmukha kaming tatlong out-of-place na nilalang. “Bes, bakit parang hindi naman ganito kahapon? Feeling ko today hindi tayo bagay dito,” bulong ni Jessica na nakakapit sa braso ko. “Ako nga parang lalagnatin,” sagot naman ni Tuff, habang hawak ang handbag. Sa HR office, tinawag agad ang pangalan ko. “Ms. Mindy Ramirez, Executive Assistant to the CEO. Please proceed to the top floor.” Nanlamig ako. Executive Assistant. To. The. CEO. Siya. Si Xander. “Girl, kaya mo ’yan. Wag ka lang magpahalata na gusto mong iuwi ang boss mo,” bulong ni Jessica sabay kindat. “Saka wag kang magpahamak agad ha? First day pa lang,” dagdag ni Tuff habang inaayos ang collar ko na parang stage mom. Sumama ako sa HR admin sa elevator paakyat. Habang tumataas kami, parang pabigat nang pabigat ang tiyan ko. Pagbukas ng pinto sa top floor, halos huminto ang paghinga ko. Tahimik ang hallway, malinis, parang museo ng mga elitista. Pinaupo ako sa desk sa harapan ng malaking glass office niya. Inayos ko ang ballpen at files, habang sinusubukang hindi tumingin sa loob. Pero syempre, tumingin ako. Mahirap pigilan ’yon kapag alam mong nasa isang pintuan lang ang taong halos ikamatay mo sa kaba. Si Xander nakaupo sa lamesa niya. Focused, seryoso, mukhang busy sa pag-decide kung paano pababagsakin ang China economy. Mas gwapo pa siya ngayon kaysa noong nasa beach. At mas nakakatakot. Syempre doon bumukas ang pinto. Lumabas siya. At tila sabay kaming nawalan ng hangin. Hahayaan ko sanang wag ako huminga pero baka matanggal ako agad sa trabaho kapag tuluyan akong napatumba. Lumakad siya papunta sa amin. Straight posture, confident stride, parang may sariling background music na violins. “Good morning, Mr. Monteverde,” bati ng HR admin. Halos hindi ko na narinig ang sagot niya. Kasi tumingin siya sa’kin. Hindi sandali. Hindi pahapyaw. Tingin na may laman, parang may sinusuri. Napakapit ako sa mug ko, rainbow heart design na bigay ni Tuff. Sana pala plain mug na lang kinuha ko kasi nung tumingin siya sa mug ko… parang may nabawas na points agad ako. “Ramirez,” tawag niya. Diretso. Walang emosyon. Tumayo agad ako, muntik pang madulas. “Yes sir?” “I expect professionalism and organization.” “O-opo. Professional po ako. Organized po. K-konti lang,” taranta kong sagot. Tumaas ang isa niyang kilay. Syempre sumobra ako sa daldal. “Follow me,” utos niya at pumasok sa office. Sumunod ako at pakiramdam ko nakalutang yung kaluluwa ko. Bago siya pumasok sa desk area niya, napalingon pa ulit siya. “And don’t be late again.” “I wasn’t—” Kasabay nun tumaas ang kilay niya ulit. “Yes sir. Sorry sir.” Kung may award sa mabilisang pagsuko, panalo na ’ko. Maganda ang office niya. Malaki ang bintana at kitang-kita ang city lights kahit umaga. May shelf na punong-puno ng mamahaling books at mga art decor na hindi ko pwedeng hawakan kahit pangarap lang. Umupo siyang maayos sa upuan niya at tinapik ang papel sa harapan ko. “Rewrite this memo and send the updated schedule to all department heads. No spelling errors. No delays. One mistake, you’re fired.” Kasabay ng salita niya, kinalabutan ang buong nervous system ko. “Yes sir,” sagot ko habang maingat na kinukuha ang paper. Wala akong planong ma-fire ng hindi pa umaabot ng lunch break. Sabay kaway ng utak ko. Gaga ka, Mindy. Wag kang papalpak. Pagbalik ko sa desk ko, agad akong nag-text sa dalawa. To: Jessica, Tuff Guys… may chance pa bang magkabalikan kami ni Steven? Balikan ko na lang kaya siya? Kaysa mag-work dito? From: Jessica BRUHA. Wag kang magsalita ng masama. From: Tuff Girl, wag kang magpatalo sa CEO. Charot. Pakisabi, pakilabas abs niya pag may chance. Miss ko na kamo. Napatawa ako kahit nanginginig pa rin ang kamay ko. Lunch time, nagkita kami sa cafeteria. Mabilis akong nagkwento tulad ng isang batang may assignment na hindi maintindihan. “He’s so cold! Pero malay mo type ka kaya gano'n!” biro ni Tuff, not knowing na minsan na talaga kaming nagka-moment ni Xander sa beach. Natigilan ako. Sasagot na sana ko at ikukwento sa kanila 'yung nangyari dati pero biglang tumahimik ang paligid. Nagulat ang lahat sa pagpasok ni Xander sa cafeteria na para bang ngayon lang siya pumasok dito. Seryoso siya kung lumakad, hindi tumitingin sa iba, parang may direksyon na ako lang ang dulo. Nakatitig siya. Diretso sa braso ko na hawak-hawak ni Tuff habang nagpupunas ng ketchup sa kamay ko. Ay putek. Inalis ko agad ang kamay ko pero huli na. Tumigil siya sa harap namin. “When you’re done with lunch…” bumaba ang boses niya, parang may halong inis na hindi ko ma-explain. “…come to my office.” Walang ibang sinabi. Lumakad palayo. Tahimik kami ng ilang segundo bago sumabog ang bibig ng dalawa. “O M Y G O D ! ! !” tili ni Jessica. “Talagang personal siyang pumunta dito para lang sabihin sayo na when you're done with lunch come to my office." Ginaya ni Tuff ang boses ni Xander saka tinawanan ako. “Type ka nga niya,” pabulong niyang dagdag. Hindi ko alam kung bakit ganito reactions niya sa akin… pero isang bagay ang malinaw sa isip ko. Hindi niya ’ko gusto. Talagang gusto niya lang akong pahirapan. Tingin ko nga kilala niya talaga ako at gumaganti siya sa'kin kasi pinaghawak ko siya ng linta dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD