Chapter 10: Somebody’s Getting Jealous

724 Words
Kung akala ko normal lang ang Monday sa Monteverde Empire… MALI AKO. Kasi pagpasok namin, may red carpet vibes ang buong building. May naglalakad na naka-headset. May nag-aayos ng flowers sa hallway. May naglalakad na naka-gown at naka-tux sa liwanag ng araw dahil photoshoot daw. “Girl, anong meron?” usisa ko kay Jessica. “Gala. Annual. Malaki. BONGGA.” Todo big eyes ni Tuff. “Kaya dapat ganda lang tayo lagi, kasi baka makahanap na ko ng future asawa ko dito.” “Hoy Tuff, trabaho muna bago landi—” Tumigil ako kasi may dumaan na sobrang gwapo na employee. “…later.” Simula pa lang ng araw, umiikot na kami sa ibang departments. HR. Marketing. Public Relations. Nagpi-print ng mga documents, kumukuha ng mga signatures, pag-aayos ng guest lists. Masaya naman sana… Kung hindi lang ako palaging sinusundot nina Jessica at Tuff sa tagiliran. “Ayan na naman. Tumititig ka sa pinto ni sir.” Sutsot ni Tuff. “Hindi ako nakatingin! Natapos ko lang kasing tingnan ‘yung wall.” Oo na, defensive ako! "Saka isa pa, bakit ba kasi kayong dalawa pa ang makakasama ko sa pag-aayos? Siguradong wala tayong matatapos niyan eh." Pagdating namin sa events department, may lumapit na lalaki sa’kin. Tall, stylish, mukhang K-Drama supporting character. “Hi Miss,” taas kilay niya with full confidence. “New face? Ngayon lang kita nakita ah.” Tumingin ako sa likod ko, baka si Jessica o si Tuff ang tinutukoy... pero ako pala talaga. “Ako? Ah… Executive Assistant po ako. I mean… assistant ni sir—” “Assistant ng puso ko ba?” Sabay ngisi. Nagliyab ang tenga ko. “H-ha?!” Sumingit agad sina Tuff at Jessica. “Nako sir, wag ka na mangarap. Mapapahamak ka.” Natawa si Jessica sa sinabi ni Tuff. “Taken?” kunot-noong tanong ng lalaki. “Boyfriend ka niya?” “Nope. Taken 'yan by halimaw sa gwapo.” “Tuff!” Pagbawal ko sakanya. “Why? Hindi ko naman sinabi na halimaw siya like you told us before. Ang sabi ko, halimaw sa kagwapuhan.” Jessica crossed her arms, trying to look mysterious. “Taken by a halimaw…” “Oo. 'Yung tipong pag nalaman niyang nilalapitan mo ‘yan, yari ka.” dagdag ni Tuff, sabay RAWR action. Ako naman? Gusto kong malaglag sa sahig. “Wala naman akong kinatatakutan. Kung gusto mo ko. Ako ng bahala sa boyfriend mo.” Mayabang at confident na sabi ng lalaki. Napakamot ako sa ulo. “H-Hindi. Wala akong boyfriend…” Sabay-sabay silang dalawa na, “MERON.” Napatingin ulit 'yung guy sa akin. Mas lalo siyang naging interested. “So… pwede pa pala akong lumaban?” “Lalaban ka?” Tumawa nang malakas si Tuff na para bang nang-aasar. “Kaya mo?” Pero bago pa siya makalapit ulit sa akin— “Is there a problem here?” Nanigas ang lahat. KASI NANDON SI XANDER. Kasunod no’n, parang nag-freeze ang buong department. Walang kumikilos. Walang humihinga. Ni stapler, natahimik. Naglakad siya papunta sa amin. Diretso. Intense. Parang may sariling theme song na orchestra. Tumigil siya sa tabi ko. Masyadong malapit. Masyadong… nakakabaliw. Tiningnan niya yung lalaki. Diretso sa mata. Hindi malakas, pero masakit. “Her time is not for you. Get back to work.” Cold tone, period. Umurong 'yung lalaki ng isa... dalawang hakbang. “A-ah… sorry po, sir…” Saka nag-retreat na parang tinamaan ng repentance beam. Nang nakalayo na 'yung guy, saka ko lang naramdaman ulit ang t***k ng puso ko. Attempts to breathe: FAILED. Siko. Siko. Ayan na naman sina Tuff at Jessica. “NAIHATID NA NAMAN TAYO NI BOSSING SA LANGIT!!!” bulong ni Tuff habang kinikilig. “Kung titigan ka niya bes, parang gusto niyang lamunin labi mo,” pang-aasar pa ni Jessica. “Huy, ano ba kayong dalawa…” Pero namumula ako, halata. Xander looked at me again. “Follow me, Ramirez,” utos niya. Pero may kakaibang lambot 'yung boses niya ngayon. Paglingon niyang paalis, may narinig akong bulong ni Jessica. “AY! AY! AY! BABAENG LINTA!” Sinamaan ko siya ng tingin habang naglalakad pero nahampas niya ‘ko sa balikat. “Bes, wag kang mag-deny. May halimaw na nagmamahal sayo.” “'Wag kang maingay. Maririnig ka. Ako lang daw ang sumunod sakanya. Ba't sumusunod din kayo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD