Chapter 1: Fresh Start… or So I Thought

1365 Words
Umaga na pero tulala pa rin ako sa kama. But this time, hindi dahil kay Steven. Hindi dahil sa kung anong dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa bakasyon na ’to. Kundi dahil… “Sa kanya…” Xander, huh? Habang nakatitig ako sa kisame, hindi ko maiwasang pansinin ang dalawang halimaw sa buhay ko, este mga best friend ko na sina Tuff at Jessica. Kanina pa sila nakatayo sa paanan ng higaan ko. Pailing-iling habang nakahalukipkip na parang baliw na ang iniisip nila sa’kin. “Mindy,” mahinahon pero nakakatakot na simula ni Jessica. “Kamusta tayo ngayon? May kausap ka bang multo diyan? O kailangan ka na naming idala sa mental?” Si Tuff sumali agad. “Girl, yari tayo niyan kay Tita.” Si Mama ang tinutukoy niya. “Hoy! Grabe kayo sa’kin!” Binato ko sila ng unan saka sila tumawa. “May na-meet lang ako kagabi. Gwapo kasi… mabait… matangkad pa at ’yung amoy niya…” Napapikit ako. Hindi ko namalayang ini-imagine ko ulit ’yung mukha niya sa isip ko. “AHHHHH!” Nagtilian sila na nagpadilat sa akin. “May boylet naman palang nakilala!” “Hindi ba ’yan si Calyx?” “Calyx?” Taka akong tumingin sa kanila. “’Yung pinakilala namin sa’yo!” “Ah! Hindi ’yon.” Mabilis akong umiling. “Manyak ’yon, eh. May kasalanan pa kayong dalawa sa’kin!” “Eh, sino? Bakit hindi mo kami pinakilala?” Tumabi agad sila sa’kin. “Tingin mo ba aagawin ko siya sa’yo?” malanding sabi ni Tuff na tinawanan ko. “Gaga. Ako nga hindi ko alam kung magugustuhan niya ko.” Pinalo ko siya. “Saka isa pa, yayamanin ata ’yon. Sigurado hindi niya ko seseryosohin.” “Ayan. Ayan na naman tayo sa pagiging nega mo.” Tinuro ako ni Jessica, nagbabanta. “Paano ka magkaka-boyfriend ulit?” “Eh wala naman akong plano.” Humalukipkip ako. “Minmin namin, need mo ring mag-lovelife. Palitan mo na ’yung Steven na ’yon.” Mas dumikit sa’kin si Tuff. “Saka paano mo naman masasabing di ka niya magugustuhan nang ganoon-ganoon lang?” Ginaya siya ni Jessica kaya naipit ako sa gitna nilang dalawa. Mabilis ko silang hinawi. “Tigilan niyo na nga ako.” Tumayo ako para makalayo. “Paano ko masasabing di niya ko magugustuhan? Malamang kasi ’yung long time boyfriend ko nga na dapat ikakasal kami, iniwan ako sa harapan ng altar, remember?” “Hindi lahat ng guy Steven,” sarkastikong sabat agad ni Tuff. “Saka kunwari ka pa eh kanina lang mukhang hindi mo makalimutan ’yung sinasabi mong lalaki.” Tumayo rin si Jessica pero parang nabasa niya ’yung malungkot kong mukha. Nagseryoso siya at minostrahan si Tuff. “Hops na nga ’to. Maglibot na lang tayo. Last day na. Uuwi na tayo bukas kaya dapat masulit natin, hane.” Pagkalabas namin ng kwarto, fresh air greeted me. Dagat. Sunlight. New hope? “Babae, enjoy muna natin ’to bago tayo umuwi. Saka ka na mag-drama ha. Malay mo makita mo ulit ’yung guy na sinasabi mo,” biro ni Jessica habang nagsa-sunblock na para bang life mission niya ’yon. “Yes, girls. Let’s enjoy!” tili ni Tuff. We explored the beach. Nag-picture-picture kahit hindi naman candid. Nag-swimming (ako lang, sila hindi marunong lumangoy lol). Tumambay sa sand na nagsisigaw sa alon kasi malamig. And for the first time in months… I felt alive. “Hoy, guys!” Nagulat kami sa sigaw ni Dana, one of our friends na kasabay naming pumunta dito. Marami silang papalapit sa’min ngayon. May kanya-kanyang dala. Beer, foods, mesa at kung ano-ano pa. “Wow, pagkatapos tayong iwan sa pag-yate. Parang wala lang ha?” maldita pero pabulong na sabi ni Tuff habang tumitingin sa ibang direction. “Bakla, ’wag ka na maingay diyan. Mahilig ka sa foods, right?” Kurot naman sa kanya ni Jessica. “Picnic tayo?” aya ni Dana. Sumama kami para hindi nakakahiya kahit nagtatampo si Tuff. Pumili sila ng pwesto, medyo malayo sa karamihan ng tao. Naglatag ng maraming kumot at hinanda sa gilid ang dalawang ihawan. “Min, Jess. Tingnan niyo, dali!” sitsit sa’min ni Tuff, may itinuturo. “Basta lalaki ha,” tawa ni Jessica. Napatingin din ako sa tinuro ni Tuff. Malapit pala ang pwesto namin sa mga kalalakihan na nagvo-volleyball. Mga naka-topless kaya busog na busog ang mata ng gaga. Habang kumakain kami ng BBQ, napatingin din si Dana sa mga nagvo-volleyball nearby. “Uy, may mga hot boys!” turo niya na ikinatingin ng iba pa naming mga kasama. “Sayang hindi sumama si Steven. Magaling pa naman siya diyan,” biglang sabi ni Val, kaibigan din namin. “Ssshhh, Val. Nandiyan lang si Mindy oh,” bawal sa kanya ng ilan. Kunwari ngumiti na lang ako. Dedma, ganoon. Bahala sila sa gusto nilang isipin. “Eh ano naman? Guys, kaibigan pa rin natin si Steven. Besides, he was already part of us before she came, right? So anong mali sa sinabi ko?” Tumawa siya. “Val, ang insensitive ha?” pagpaparinig ni Jessica. “Val was right. Steven is our friend, not her,” sabat ni Kia. Biglang may kumirot sa dibdib ko. For all those years, hindi pala nila ko tinuring na kaibigan. Hindi ko kinaya kaya mapait akong napangiti. Napaatras ang isang paa ko. ’Yung kaninang masarap na barbeque ngayon wala nang lasa. “’Wag mo silang pansinin, Mindy. Nami-miss lang ng mga ’yan si Steven.” Ngiti ni Dana. “Lahat naman nanghihinayang sa inyong dalawa. Hindi lang sila sanay na hiwalay na kayo.” “Naku, Dana, papalabasin mo pa kaming masama. Eh ikaw nga ’tong matagal nang may gusto kay Steven, right?” tawa ni Val. Namula si Dana. “Tumigil na nga kayo. Baka mapaiyak niyo si Mindy!” “Ayos lang, Dana,” sagot ko agad kasi hindi na maganda ang mga itsura nina Jessica at Tuff. Akma nila akong hihilahin paalis pero iniwasan ko sila. Kinuha ko agad ang pamaypay at nagluto kunwari ng mga isda sa ihawan. “Min,” bulong ni Tuff, kinakalabit ako para ayaing umalis. “Ayos lang ako. Ano ka ba.” Pinilit kong ngumiti. “Matagal na ’yon. Move on na ko.” Kaasar talaga ang mga mata ko. Bigla na lang nagpatulo ng luha. I tried to ignore the sting. Smile smile. Deadma deadma. Hanggang sa biglang tumili ang lahat. Nagulat ako. Napataas ako ng noo. Sa buong akala ko, kinakaawaan nila ko at pinag-uusapan nang palihim. Pero mali ako. Dahil ngayon, lahat sila nakatuon sa harapan ng dagat. A man passed by in front of us. May surfboard sa kamay, topless, naka-beach shorts at basang-basa. Paghawi niya ng buhok niya, biglang nag-slow motion ang paligid. Tumigil ’yung luhang tumutulo sa mga mata ko. Natulala rin ako kasabay nila. “Wow.” ’Yan lang ang nasabi ni Tuff habang unti-unting umaabante. “Ang gwapo,” tulala rin si Jessica. “Hindi lang gwapo. Ang yummy din,” maarteng dagdag ni Dana at humawak sa braso ko. “Oh my gulay. Sundan natin, Minmin!” Kunwaring inagaw ako ni Tuff. Alam kong ginawa niya lang ’yon dahil nakahawak sa’kin si Dana. Gusto kong mag-react sa ginawa niya pero nanatili akong nakatitig sa lalaki. Xander… Nagkatinginan kami nang lumingon siya sa gawi namin. Paano siyang hindi lilingon kung ang iingay ng mga taong kasama ko? Tumiklop ang mga labi ko. Nakaramdam ako ng kung anong kuryente na dumaloy sa katawan ko. He looked away and walked toward the waves like a freaking Greek god. Napalunok ako. Sobrang seryoso ng itsura niya. Tumikhim si Dana. Lumunok din. “Nagkatinginan kami!” kinikilig niyang sigaw at yumakap kay Kia. “Nakita niyo ba ’yon?!” “Girl, lapitan mo kaya?” “Maganda kasi si Dana.” Muling bumalik ’yung kirot sa dibdib ko. Muling napuno ng tubig ang mga mata ko kaya mabilis akong tumalikod sa kanila. “Anong kay Dana? Kitang-kita ko kay Minmin namin siya nakatingin,” sabi ni Tuff. Napahinto ako sa paghakbang. “Hala ’yung iniihaw ko!” nagulat kong sigaw. Pinunasan ko agad ang mga mata ko at mabilis na tinanggal ang mga isda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD