Hindi ko alam kung bakit nanatili akong nakatayo sa gilid niya pagkatapos ng gantihan nila ni Steven. Para akong electric fan na malapit nang masunog. Nanginginig pero ayaw umalis.
Tumikhim si Xander at saka tumingin sa’kin. Mabilis pero sapat para mawala ulit ‘yung oxygen sa paligid ko.
“I’ll take you home,” biglang sabi niya.
“A-Ay, hindi na po, sir! Andyan naman sila Jessica—”
Paglingon ko… wala.
As in WALA.
Tumingin ako sa paligid.
Ni takong ni Jessica, wala.
Ni lipstick mark ni Tuff, wala.
Iniwan nila ‘ko. Ang bilis ng mga loko.
“Looks like you’re alone,” calm pero may bahid ng satisfied arrogance ang tono niya.
“Pwede naman akong mag—mag… walking?”
“Walking? Pauwi sa Pasig?”
Isang angat lang ng kilay niya parang gusto ko nang umuwi via teleport.
Hindi ko na napigilan ang mahabang buntong-hininga.
“Okay po…” maiksi kong sagot.
Hindi ko alam kung bakit siya ngumiti ng bahagya. 'Yung tipong one percent curve lang sa labi pero sapat para magwala ang mga paru-paro sa sikmura ko.
Pinagbukas niya ko ng pinto ng kotse niya, hindi niya ako pinaupo sa likod.
Nandito ko sa passenger seat... kasama niya. Doon agad pumintig ang puso ko.
Napatingin ako sa loob, malinis, mabango… parang 'yung may ari.
Tahimik kami for the first 10 seconds.
20 seconds.
30 seconds…
HALA BAKIT ANG TAGAL?!
Nagkumahog ako mag-isip ng sasabihin.
“Sir… salamat ha. Kanina. Sa… sa pagdepensa.”
“Wala 'yon,” sagot niya agad. Diretso. Walang liko.
Napakagat ako sa labi ko. Nag-iisip pa ng idadagdag sa pag-uusap namin.
Narinig ko siyang napasinghap. “Tss.” Sumulyap siya. “Ang lakas ng loob niyang lumapit sa’yo after what he did,” mahina niyang sabi pero puno ng tensyon.
Napatingin ako sa side profile niya. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Naka-deep frown.
Parang may ipo-ipo sa utak niya.
“Hindi ko na siya mahal. And I’m not planning to,” sabi kong diretso.
Konting lingon niya sa akin.
Hindi siya nagsalita.
Pero gumaan ang mukha niya.
Na parang may nanalo sa loob niya.
Pagdating namin sa condo ko, bumaba ako agad para hindi na tumagal ang awkwardness. Kaso bumaba rin siya.
“Sir?!” Nagulat ako nang hawakan niya ang pinto ko para isara.
“I need to make sure you’re safe,”
sabi niya.
Simple words… pero grabe ang dating. Para akong napaso sa kamay niya kahit hindi niya ako hinawakan.
Naglakad kami papasok. Malapit pa lang kami sa entrance—“MINDY!!!”
Sumulpot si Tuff mula sa labas ng pinto na parang nabuhay mula sa sahig.
“Oh my ghad! Naiwan ka naming mag-isa! Sorry!” sabay yakap na parang nawawala ako sa mall na may sale.
Si Jessica sumunod — may hawak na milk tea. “Girl, si CEO 'yung nag-drive sayo? Sa sobrang kaba namin di namin namalayang umalis kami ng lobby! Ewan ko ba basta BIGLA kami nawala—”
Nagkatitigan sila ni Xander. Parang ping-pong match. Pero masama ang tingin ni Xander. Parang sinasabing, umayos kayo. Akin ‘to.
Sumingit naman si Tuff, nagkunwaring pakipot sa harap ni Xander.
“Hala, boss, bakit parang… cute mo ngayon?” Sabay kagat labi.
“Babaeng linta,” bulong ni Xander, barely audible, pero rinig ko. Tatalon na sana ang puso ko pero…
“Tawagin mo ‘kong babaeng linta ulit, sisipsipin talaga kita,” pikon kong sagot, hindi ko alam bakit ko nasabi 'yun.
Napalingon siya.
Nanlaki mata.
Nag-slow blink.
What did I just say? Nasisiraan na yata ako.
"Ay, sorry, boss. I'm fired na ba?!"
Bahagya niyang kinontrol ang pagtawa sa harapan nina Jessixa at Tuff. Kunwari siyang umubo sabay ayos ng suit.
“See you tomorrow, Ramirez.” Low voice… tapos talikod.
Pagkasara ng pinto—"Ano 'yon?! Anong sisipsipin mo?!" sigaw na may halong gulat nina Jessica at Tuff.
Sabay sabog nila ng tawa. Ako naman namula at napatalon sa sofa habang iniisip ang nangyari…