Love reach 1

3017 Words
Maagang umuwi ng bahay si Don Romel Silva at ang asawa nito, Kung kaya ay napurnada ang planong pagtakas ni hazel sa kanyang ama na ayaw itong palabasin ng bahay mula ng ito ay umuwi ng lasing sa kanilang bahay at nagkataon pang meron silang event dito, Kung saan ay mga kilalang tao ang naroon sa bahay nila ng mga oras na iyon. Tila ba inaapoy na sa inip ang mga paa ng dalaga at gusto na nitong makalabas sa bahay na iyon. Malaki at mataas ang punong nasa labas ng kanyang bintana na talaga namang sigurado ang Ama ni hazel na hindi ito makakatakas sa kanya. Bukod sa nasa taas ito ng mansyon ay katakot takot na mga bantay ang nasa labas ng silid ng dalaga. Pinaghihigpitan ni Don Romel ang kanyang nag iisang babae dahil sa ito lamang ang pinalad na magkaroon ng babae sa kanilang angkan, Lahat kasi ng mga pinsan ng matanda at maging mga kapatid ay lahat ay lalake na. Kung hindi ito mag aasawa ay wala silang magiging babae sa loob ng bahay. Kung kaya ay ganoon na lamang ang paghihigpit nito sa dalaga, At maging sa pagkakaroon ng nobyo ay hindi niya ito pinapayagan lalo na kung ang magiging nobyo nito ay hindi pinagpala sa kayamanan. Walang ibang maisip na paraan ang dalaga upang makalabas sa kanyang silid kundi ang talunin ang puno at gamitin iyong daan upang makalabas ng bahay. Suot ang maiksing short na kitang kita ang magagandang hita nito at sandong kita ang hinaharap ng dalaga at makinis na balat nitong kahit sino ay maaakit nito. Dala ang malaking bagpack ay sinubukan ni hazel na talunin ang puno sa kanyang bintana. "Gotcha! " Sambit nito ng magtagumpay sa pagtalon nito. Nagmadali itong bumaba at matagumpay ding nakalabas ng gate ng mansyon. "WHUSHUUUU! " singhal nito ng makitang walang bantay doon. " Mabuti naman at makakalabas na din , Saan ba ako pupunta? Pag kay alyssa, baka mapahamak pa yun, Pang sa condo ko alam nila dad yun." Sambit nito sa kanyang sarili habang binabaybay ay kalsada ng subdibisyon . "Ahhhhhh! Alam ko na!" Sambit nito ng makaisip ng lugar kung saan hindi siya mahahagilap ng kanyang ama at malayang maglasing at gawin lahat ng kanyang gustuhin. "Welcome aboard! We are glad that you join our journey at Diamond Cruise Ship!" Sabi ng babaeng nasa labas ng barko papasok sa loob. Pagkapasok ni hazel ay inihatid ito ng isang Guest Reception Officer sa kanyang luxury room. Pagpasok nito ay talaga namang kamangha mangha ang laki at ganda sa loob nito na para bang na isa itong bahay na may malaking bintana na kita ang kalakihan ng dagat at pati na din ang kalangitan. " Perfect! This is what i want!" Sambit nito ng mailibot ang kanyang paningin dito. "Ma'am if theres anything that you want, You may call us at reception number. Enjoy " Sabi ng babae sa kanya at lumabas na iyon sa pintuan ng kwarto nito . " Hayyyyy! Sana sinama ko si alyssa para naman nageenjoy talaga ako dito.." Sambit nito sabay bagsak nito ng kanyang katawan sa malambot at maputing kama nito . Sa sobrang pagod ay hindi na namalayan ni hazel ang himbing ng kanyang pagkakatulog. Nagising na lamang ito ng biglang may kumatok sa kanyang pintuan. " Ma'am Silva?" Tawag nito sa labas ng kwarto ng dalaga. Pagkabukas noon ay masungit na tingin ni hazel ang sumalubong dito, Inis na binuksan nito ang pinto upang makapasok ang maydala ng pagkain nito sa loob ng kanyang kwarto. Naiinis ito hindi dahil sa nagising ito sa katok ng dalaga kundi, Naiinis ito ng tawagin ito gamit ang last name ng Ama nitong si Don Romel Silva. ------- Flashback: "Hi miss ! " habol na tanong ng don. " Sir , bakit po?" Nagtatakang tanong nito sa binata na kanina pa nakasunod sa dalaga . " Ang sungit naman nito, Tinatanong ko lang naman ang pangalan mo.." sambit ng binata sa kanya. "MIRA" Galit na sabi ng dalaga. "Grabe naman, Sinabi nga galit naman." Bulong nito , Ngunit hindi ito nagpatinag sa pagsusungit ng dalaga. Kung kaya'y hindi kalaunan ay nagkausap na din ng maayos ang mga ito. Naging magkaibigan magkasundo sa lahat ng disisyon sa buong hasyenda. Sa tinagal na magkaybigan ng dalawa ang hindi alam ng dalaga ay ang lalakeng lagi nitong kasama ay ang may ari ng kanilang pinagtatrabauhan. Kung kaya ay laking gulat ng dalaga ng malaman nito iyon. Iniwasan siya ng dalaga dahil sa hindi nito alam ang dahilan ng dalaga kung bakit ayaw na nitong makipag usap sa kanya. Magmula ng sabihin nitong may gusto siya sa dalaga ay nag iba na ang pakikitungo nito sa kanya, Maslalo na noong malaman nitong sila ang may ari ng buong lupain na kanilang pinagkukunan ng pangangailangan sa buhay. " Teka nga! Bakit mo ba ako iniiwasan?" Tanong ng don sa kanya. " sir, Hindi po kasi tama na mahulog ang mayaman sa tulad naming mahirap." Sambit ng dalaga dito at nagpatuloy na iyong naglakad palayo sa kanya. " Teka wala namang nakasaad sa batas ng pilipinas na ipinagbabawal na ang ganyan." Pagkasabi niya noon ay napahinto ang dalaga sa kanyang paglalakad. Agad na lumapit ang binata at hinawakan ang mga kamay ng dalaga at hinalikan iyon ng buong puso. Inalis ng dalaga ang kanyang mga kamay sa kamay ng binata at inilagay iyon sa kanyang likuran . " Teka ano ba yang ginagawa mo? Baka may makakita sa atin at isiping nobyo kita." Sambit ng dalaga at muli itong naglakad. Ngunit nahawakan ulit ng binat ang malalambot nitong mga kaymay at hinila iyon papalapit sa kanya, kung kaya ay napa yakap ito sa kanya. Agad hinalikan ng binata ang dalaga at napapikit na lamang ang dalaga na tila ipinapaubaya na lamang nito sa binata ang lahat. "Please, Mira pwede ba kitang maging kasintahan?" Tanong ng binata sa kanya ng matapos nitong halikan ang mapupula at malambot na mga labi . " Natatakot ako Don Romel" Sambit ng dalaga sa kanya. " Bakit ka naman matatakot? Wala naman tayong ginagawang masama." sagot nito sa dalagang nagadadalawang isip kung pagbibigyan ba ito o hindi. " Sabi-sabi kasi sa buong hasyenda na ikaw ay may kasintahan na sa maynila." Sambit ng dalaga dito. " Ha-ha? " Utal na sambit ng binata dito. "Alam mo, Sabi-sabi lang yan eh, Sa akin ka makinig kasi ako ito diba?" Suyo ng binata dito . " So paano? Pwede ba kitang maging nobya?" Ulit na tanong ni don romel sa kanyang tanong. " OO pinagbibigyan na kita." Masayang sabi ni mira sa tanong ng don. Mabilis na kumalat sa buong hasyenda ang mga pangyayare sa dalawa, Masaya ang lahat para sa dalawa na sa wakas ay magkakaroon na ang dalawa ng isang supling dahil sa nagdadalang tao si mira na bunga ng pagmamahalan nila ni don romel. Ngunit isang araw, Nagpaalam ang don sa dalaga at kinakailangan na nitong umalis papuntang maynila. " Basta Mira kahit anong mangyari, Hintayin mo akong makabalik dito. Alagaan mo ang anak natin," Sambit ng binata sa dalaga bago iyon lumabas ng bahay. " Teka!" Habol ni mira sa nobyo nito. " Bakit?" tanong ng binata. " Anong gusto mong ipangalan sa anak natin?" Tanong nito. " Gusto ko kasing ganda ng pangalan ng nanay nito. Sana maging babae ang anak natin at magingkasing ganda mo." Sambit nito at sumakay na iyon sa kanyang sasakyan papunta sa kanyang pupuntahan. Walang ibang nagawa si Mira kundi ang kumaway sa kanyang kasintahan habang tanaw pa nito ang sasakyan ng nobyo. Magmula ng umalis ang binata sa lugar ay hindi na ito muling nagparamdam sa dalaga, isang buwan pa lamang itong nagdadalangtao ay iniwan na ito ng magisa at umaasa sa kanyang pagbabalik sa piling ng dalaga ngunit lumipas ang maraming bwan ay hindi parin ito nagpaparamdam sa kanya. Hanggang sa malapit na itong manganak, At nalaman na nitong babae ang kanilang magiging anak ng nobyo nito. Hinintay nito ang nobyo dahil sa ito ang unang lalakeng minahal nito kung kaya ay mabilis din nitong ibinigay ang buong tiwala nito sa binata. Hindi ito nakinig sa mga sabi-sabi patungkol sa buhay ng binata sa maynila, Ngunit sa pagkakataong iyon ay gusto na nitong puntahan ang noyo upang ipaalam ang magandangbalita nito sa binata. Bagamat hindi alam ng dalaga na sa pag bisita nito sa binata ay may malalaman ito na talagang higit pa sa sabisabing kanyang nababalitaan dito. Nang makarating sa maynila ay masaya nitong tinungo ang address na ibinigay sa kanya ng sumulat ito sa kanya ng umang araw na makarating ito sa maynila. Dalawang araw na itong nasa maynila ngunit bigo parin ito sa kanyang paghahanap. Dahil sa iba ang address ang inilagay ng binata sa kanyang sulat at ngayon ay hindi alam ng dalaga kung paano nito hahanapin ang nobyo sa laki ng maynila at ibang iba sa kanyang kinalakihan sa probinsya. "Tama si inay, Hindi na sana ako nagpunta dito at hinintay ko na lang sana si romel sa bahay," sambit nito sa kanyang sarili at naupo na lamang ito sa isang upuan kung saan ay tanaw nito ang dagat mula sa kanyang kinatatayuan. Nang paupo na si nanay ay saka naman itong may napansing isang pamilyang naglalakad. Napukaw ang tingin ng dalaga sa lalakeng may akay sa babaeng may kargang bata na sa tansya nito ay nasa edad dalawang taon sa panahong iyon. Nilapitan niya iyon upang makasigurado kung ito nga ang lalakeng kayang hinahanap ngunit nang makasiguradong ito nga ang binata ay para bang nanlamig ang buong katawan ni mama sa kanyang nakita. Ang kanyang kasintahan ay may kasamang mga batang lalake at isang babaeng naka yapos dito na para bang isang masayang pamilya. Agad nitong nilapitan ang nobyo at doon nito sinabi ang lahat ng kanyang nais sabihin dito. Kinakabahan ngunit hindi na ito nagpapigil pa dahil sa pangungulila nito sa binata. Masaya nitong sinabi ang patungkol sa kanilang magiging anak , Ngunit imbis na maging masaya sa magandang balita nito sa pagdating ko, Kabaliktaran ang nangyari dito, para ba itong sinakluban ng langit at lupa sa dilim ng mukha nito ng malaman nito na babae ang kanilang magiging anak. Ipinagtabuyan nito ang mama ko at sinabihan ng asawa nitong. "Kung totoong anak ng asawa ko ang dinadala mo, Pagkapanganak mo ay pwede mo na siyang iwan sa amin at kami na ang mag aalaga sa kanya. Huwag ka mag alala babayaran kita sa pagdadala mo sa anak ninyong dalawa at hindi na ako magsasampa ng kaso laban sa inyong dalawa ng asawa ko." sabi ng asawa nito kay mira. Nanlaki ang mata ni mama at hinawakan ang kanyang tiyan, Hinihimas niya iyon habang hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig dito. "Pumayag ka na Mira, Ayaw mo nun? Hindi na maghihirap ang anak natin, at yung perang matatanggap mo pwede ka na magsimula ng bagong buhay mo kasam ng magulang mo.at dala pa nito ang pangalang silvaAHHH..." bigla nalang may lumipad na kamay sa mukha ng nobyo ng dalaga ng sabihin niya iyon. Kaya naman ay napa upo ito sa sahig hawak ang mukha nitong tila ba nasaktan sa nangyari. Pag angat nito ng kanyang mukha ay isang lalake ang nasa tabi ni mira. "Anong klaseng lalake ka?" Galit na sa bi ng lalakeng sumapak dito. "Huwag kang mangealam dito " sabi ni don romel sa kanya. " Bakit hindi ako mangengealam kung may binabastos na mga babaeng niloloko ng isang lalake at gusto lamang magkaroon ng isang masayang pamilya? " Galit na sagot nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi nagsalita sila mira at ang asawa ni don romel na tila ba nagising sila sa katotohanang sinabi ng lalake dito. "Kung alam mo namang may pamilya ka na, Bakit kinailangan mo pang manuyo ng iba. Sana hinayaan mo nalang na maging masaya siyang makakilala ng lalakeng ipaglalaban siya. Para mong ikinulong ang isang taong ikaw lang nakakaalam kung malaya ba o hindi." Malaman na sinabi ng lalake sa kaharap nito. " Romel tama na to , Umuwi na tayo." Pag awat ng asawa nito ng makitang papatulan pa ng asawa nito ang lalakeng nakapagpatumba sa asawa nito. Agad na tumayo ang si don romel at nagpunas ng kanyang mga kamay at dahan-dahang lumapit sa lalakeng sumapak dito. "Hindi pa nagtatapos dito ang lahat," mariing sabi nito sa lalake. "Mira, Pag isipan mo ang sinabi ko sa iyo, Wag kang maging makasarili sa anak natin." Dugtong na sabi ng nobyo ni mira sa kanya. Umiiyak na naglalakad si mira habang nag hahanap ng masasakyan pauwi sa kaybigan nito sa laguna. Nagtataka ang dalaga sa dahilan ng pagbago ng ugali ng nobyo. Ibang iba sa nakilala nitong lalake sa kanilang probinsya, Ang binatang maalaga, mapagmahal at tagapagtanggol nito sa lahat. Ang lahat ng iyon ay tila ba kabaligtaran ng lahat ng ipinakita sa kanya. Biglang natahimik si Mira sa kanyang pag iyak ng bigla itong may narinig na tumatawag sa kanya. "Miss?" "Miss okay ka lang? "Miss?" Boses na palakas ng palakas hanggang sa marinig na nito ng malinaw ang boses na pinangagalingan nito. " OKay ka na miss?" muling tanong nito sa dalaga. " Ha? anong nangyari?" Tanong ni mira sa lalake. " Wala naman, Napansin ko kasing parang na black out ka ng naglalakad alam mo yun? Yung nakakakilos ka pero para kang nananaginip pero hindi mo alam mga nangyayari sa paligid mo ganun?" Sambit nito sa dalagang hindi alam ang nangyayari sa kanya . Pinaupo ito ng lalake at inabutan ng tubig upang mahimasmasan iyon. "Teka, Ikaw yung lalakeng sumapak sa nobyo ko diba?" tanong ng dalaga sa lalakeng kanina pa sumusunod sa kanya. " Ah ehh,, oo Sorry ahh, Ayoko lang kasi ng mga ganong klase ng lalake dito sa maynila." Sambit nito sa dalga. " Okay lang, manloloko naman kasi sya," Sambit nito at tila ba nagagawa na nitong muling makangiti. " Taga saan ka ba miss? at anong pangalan mo?" Magkasunod na tanong nito sa dalaga. " Ang dami naman." Pabirong sabi ni mira dito. " wag ka mag alala miss ,maaasahan mo ako dito, May asawa na nga pala ako, parehas kayo kabuwanan na nga nya ngayon, Narinig ko kanina babae din anak mo, Sana maging mag kaybigan sila noh?" Sambit ng lalake sa dalaga at napapakamot pa sa kanyang ulo. "Napakadaldal mo naman," Smbit ni mira dito, " Hahaha,,, Hindi naman..." sagot nito sa dalaga. "Taga baguio ako, Pero andito ako nakatira sa laguna, Sa kaybigan ko." Sambit nito sa binata. " Ako nga pala si Mira ... Mira Lopez" pagkasabi ni mira noon ay agad inabot ng lalake angkanyang kamay at sabay pinakilala namna nito ang kanyang sarili. " Ako nga pala si Harold Reyes," Nakangiting sabi nito sa dalaga. " Bakit mo nga pala ako sinusundan?" Tanong ni mira sa lalakeng kausap nito habang umiinom ng tubig na inabot ni harold sa kanya. "Delekado kasi dito sa manila pag mag isa lalo na sa babaeng buntis." Pabirong sabi nito. Napatitig sa kanya si mira at natawa sa sinabi nito sa kanya. Nang maubos ang kanyang inumin at tumayo na ito upang maghanap ng masasakyan pauwi sa laguna. "alam mo sumabay ka nalang kay asa akin, Papunta din ako sa laguna." pagyaya nito kay mira. Tumango naman si mira bilang pagsang ayon dito. Ngunit ng palakad na sila ay biglang kumirot ang tiyan ng dalaga kung kay ay napahinto ito sa kanyang maglalakad. Nang makita nito ang dugong umaagos sa hita ni mira ay agad na tumawag ng taxi ang lalake at isinugod ito sa malapit na ospital mula sa kinaroroonan nila. Hindi naman sila nahirapan makasakay dahil sa marami namang taxi na dumadaan sa kanila. Maayos naipanganak ni mira ang anak nila ni Don Romel, Isang malusog na batang babae ang ngayon ay kaniyang kalong kalong. "Oh ano yang ginagawa mo?" Tanong nni harold sa kanya. "Isinusulat ko ang pagmamahalan namin ng tatay ng anak ko, Para naman pag lumaki na sya at kaya nya nangbasahin to, Hindi ko makakaligtaan ang mga memorableng bagay sa buhay naming mag ina," Sambit nito sa naging kaybigan nito mula noong araw na iyon. " Pati ba yung nangyari nung una kitang nakilala sinulat mo?" Tanong ni harold sa kanya. "Syempre hindi na, Ayokong kamuhian nya ang ama nya dahil sa mga isinulat ko." sambit nito sabay tingin nito sa anak na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. " Gusto ko magagandang memorya ang maipabasa ko sa kanya , Kasing ganda nya," habol nitong sabi sabay halik nito sa maliliit nitong mga daliri. Present time: Hazel's 16 years old. "Oh pa! Bakit mo kinukwento kay hazel pati yung pangit na angyari sa mama nya?" Pasinghal na inis na sbi ni alyssa sa kanyang ama. " Sabi ni Mira, gusto nya magaganda lang ang maipapabasa sa anak nya, Pero di niya sinabi na magagnda lang din ang ipaparinig ko kay hazel, " Sambit ni harold sa kanyang anak. "Si papa talaga oh." Pakamot na naglakad si alyssa mapunta sa kaybigan at hinimas ang kanyang likuran. " Okay lang beshie, Mas okay nga yan atlist alam ko, Hindi yung nagpipiling anghel at mabuting ama sa harapan ko, Yun pala pinagtatabuyan lang ako." Malungkot na sabi ni hazel sa kaybigan nito. "Tignan mo ginawa mo pa!" Muling baling sa ama nito ng makitang naiiyak na ang kaybigan nito. " Sorry hazel ahh. Sobrang galit kasi talaga ako na daddy mo , lalo na pag naaalala ko yung hirap ng mama mo nung dala ka niya." sambit nito. " Wag ka mag alala andito naman kami ni alyssa pangalawang pamilya mo." Muling sabi ng tatay ni alyssa sa dalaga. "Salamat po" Masayang sambit ni hazel sabay yakap nito sa nanay tatay at kay alyssa. " OH syaaa! Kumain na tayo at lalamig ang pagkain!"Masayang sambit ng nanay ni alyssa sa samin. "Wag ka mag alala ma... Your memories will always be in my heart no matter what happened, This family na kumopkop sayo sa mga oras na wala kang makakapitan, Ako ang babawi para sayo , salamat at sa ganitong tao mo ako iniwan." To be continued.... On thursday...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD