Napabuntong hininga ang binata habang nagmamaneho patungo sa paaralan ni Alexa. Kabado ito na harapin ang dalaga. Alam niyang matindi ang galit nito sa kanya kaya handa siyang harapin ang masasakit na salita na ipaparatang sa kanya mula sa dalaga. Nang makarating siya sa harap ng paaralan ay kaagad na nakuha ng binata ang atensyon ni halos lahat ng tao sa loob ng paaralan. Karamihan sa kanila ay mga babae. Nang makita niya ang isa sa kaibigan ng dalaga'y kaagad niya itong pinuntahan at saka tinanong. “Bro, nakita mo ba si Alexa?” tanong nito kay Jerome. “Hindi siya pumasok ngayon eh, bakit may problema ba?” sagot nito sa binata. Napakunot noo na lamang ito. “Ah, wa-wala. Sige salamat na lang.” at saka umalis ang binata sa paaralan. Hindi maiwasang mag-alala ang binata sa dalaga. Posi

