"Tinawagan kita many times, but naka out of coverage ka, what happened ba?" boses ni Alexa na unti unting lumalapit. Naririnig ko ang mga kalaskas ng sapatos niya habang naglalakad ito papunta kay Jonathan. "I'm sorry hindi ko napansin ang phone ko. Kakarating ko lang din, galing ako sa casino anong balita?" pagtatanong ni Jonathan. Sumilip ako sa kanila at habang nakatalikod si Alexa ay dahan dahan akong lumabas sa cabinet, tumayo ako at napatingin sa akin si Jonathan. "So, nakausap mo na si Sante the king? kailan ang susunod na hakbang?" sunod na tanong ni Alexa habang hinuhubad nito ang kanyang soot na sapatos sa gilid na may shoe rack. Habang si Jonathan ay sumenyas sa ibaba nito, ang kanyang kaliwang kamay ay kumakaway, senyalis niya na pinapaalis na niya ako, kaya agad akong n

