"Tantan, Luciana..." Tumakbo ako ng makita ko ang dalawa kong kaibigan. Si Tantan at Luciana ay malapit din noon sa matalik kong kaibigan na si Lilly. Katulad ko ay wala rin silang nagawa para iligtas si Lilly mula sa mga kamay ng mga taohan ni Don Geralt Monro. Ganon pa man ay hindi ko sila masisisi kung naunahan na sila ng takot. Sa muli naming pagtatagpo ngayon, ay hindi na namin napigilan ang maging emosyonal at mayakap ang isa't isa. Ang dalawa ay kasama ko na lumaki sa "safe house" noon na itinayo ni Don Geralt Monro sa Isla ng Siargao. Si Tantan, nagbago na ang kanyang itsura, ang maitim niya na buhok ay may kulay na dilaw, matangkad at maputi siya, dahil ayon sa kanya isang German ang kanyang ama na iniwan ang kanyang Ina hanggang sa mamatay ito dahil sa depression. Ang palatanda

