Marahan kong tinulak si Oliver papalayo sa akin. Parang galamay ng isang kugita ang kanyang mga braso na siyang pumupulupot sa akin. Habang ako ay naiinis sa ginagawa niya ay siya namang ikinalaki ng ngiti niya. Sa kakaiwas ko sa kanya ay natapilok ako, at nakikita kong babagsak ako sa pader na may malaking frame na nakapinta ang isang malawak na kapatagan, at may malayang mga ibon na lumilipad. Ngunit sa ibaba nito ay nakatayo ang isang banga na may disenyong matutulis ang bibig na gawa sa bato. Mabuti na lamang at agad akong nahila ni Oliver dahil kung hindi, ay talagang babagsak ang ulo ko sa matulis na bagay na iyon. "Get off from me!" ang sigaw ko sa kanya. Akmang hahampasin ko na siya sa mukha, ngunit mabilis niyang nasalo ang aking kanang kamay. "You still have unsettled things t

