Sinagot naman agad ni kuya Jayson ang katanungan ng aking isip, kahit di ko pa naitanong. "My Stepfather is Japanese. Pero huwag kang mag aalala dahil somehow nakakaintindi siya ng tagalog. He is a business man here in the Philippines and sa Japan mayroon lang kaming maliit na restaurant na pinapatakbo. Comfortable na ako sa buhay na iyon but he has his broad mind, kaya lumaki ang negosyo niya habang abala ako sa restaurant na pinapatakbo namin" pagkekwento niya. Sumunod sa kanya ay nagkwento na rin sa akin si Alexa. "Sa banana plantation, nagkataon na dito ako napadpad tatlong araw matapos mo akong tinulungang makatakas Talya. Sa sobrang gutom, nakapasok ako dito. Sa maniwala ka at sa hindi. Nagnanakaw ako ng saging para may maisubo sa nagugutom kong sikmura. Hanggang sa mahuli ako ng

