TWO MONTHS AFTER; Ilang minuto bago mag alas 10 ng gabi, nag doorbell ako sa pinto. Tila nakaramdam ako ng pagka-excited at kaba. Ang pinto ay bumukas at tumambad ang mukha ni Oliver Monro. Hindi siya gwapo, ako na ang nagsasabi, pero nakakadala ang mga titig niya. May mapu-pula din siyang labi, dagdag akit sa kanyang katawan. Ngumiti siya bago nagsalita "Come in" Sa pagpasok ko, ay agad kong nakita ang isang bouquet sa maliit na mesa, ang makukulay na rosas, ang mga paborito ko at ngumiti siya na lumapit sa akin, abot pa hanggang taenga. "You like it?" tanong niya habang nakatingin ako sa mga bulaklak. "Yes" Namamangha ako sa kanya kung gaano niya binibigyang pansin ang mga detalye at naaalala ang lahat ng sinabi ko. Halos araw-araw niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako. H

