Bansang ITALY - January 11, 2024 (POV) Sinundo si Oliver Monro ng mga taohan ni Don Geralt Monro sa Airport. Matapos makatakas sa gusali na kanyang pinagtataguan, at iyon ay ang gabing nabaril si Talya. Nailagay pa sa alanganin ang buhay niya para magtago doon, sapagkat ang landas nilang dalawa ni Talya ay muling pinagtagpo. Ngayong nakatakas na si Oliver Monro ay haharapin na rin niya muli, ang kanyang ama upang komprontahin ito, sa nangyaring hindi makatao noong siya na ang namamahala sa negosyong mafia sa Pilipinas, lalo na sa Isla ng Siargao. Pati na ang mga malalapit na mga investors nito sa asya. Tila isa siyang secret agent na nagiipon ng mga ebensiya. "Welcome home my son!" Ang magiliw na pagbati ng isang ama, na namimis ang anak. Nakangiti ito sa kanyang katandaan na itsura.

