Kasama ang anak ko, ay dinala kami ni Big Boss sa rest house ng banana plantation. Ngunit bago huminto ang sasakyan sa driveway, ay wala akong nakitang kakaiba. Ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng kalye ay may puti at itim, sa pagkakaalam ko, walang laman tao ang mga ito sa loob. Napatingin ako kay Tantan, nagpakita ako sa kanya ng aking matulis na tingin. Hindi ko nagustuhan na narito siya ngayon sa rest house at masama ang kutob ko tungkol sa kung ano ang usapan nilang dalawa ni Big Boss. "You two wait for me in the terrace, I will call Jayson first." sinabi ng matandang hapon at umiwas naman agad sa akin si Tantan. Pansamantala ko iniwan ang anak ko sa isang sulok ng sala kasama ang isang katulong na babae, natatanaw ko lang ito sa kalayuan. Minabuti kong kausapin si Tantan nga

