Ang malaking bilog na shower machine ay bumulwak ng malakas na agos ng tubig, at tumayo ako sa banyo at napasigaw sa takot. Nakaharap pa rin ako kay Oliver habang hinahabol ko ang aking hininga. "Stop it!" sigaw ko sa kanya. Ngunit nagbingi-bingihan lang ito na nakatingin sa akin. Para akong nahimasmasan sa nangyari. Hanggang sa wakas ay penindot niya ang switch kaya huminto ang paglabas ng may kalakasang pressure ng tubig. "Why did you do that?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong mapahiran ang mukha ko gamit ang aking kamay para alisin ang natirang tubig sa mukha ko. Imbis na magpaliwanag, ay ngumiti lang siya, ngunit ang ngiting iyon ay hindi nagpapakita ng anumang pag aalala. Syempre, hindi ko na rin inaasahan pa na sasagutin niya ako ng maayos. Sa halip, inulit lang niya ang kany

