Nabulunan ako sa aking pag inom ng kape dahil sa narinig. Hindi ko sukat akalain na magsisinungaling si Oliver pagdating sa sariling secretary niya. Gusto ko na sana tumayo para iwasan ang tanong na iyon. Pero parang may pumipigil sa akin. "Lumabas ako ng kwarto kagabi dahil nauhaw ako, nakita niya ako sa hallway," sabi ko pero ang totoo ay nakinig talaga ako sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto. "Sinabi ni Boss na sasamahan kita para bumili ng mga gamot mo sa labas bukas, bukod doon may pupuntahan tayo, eto lang ang paalala ko sayo, oras na tatakas ka uli babarilin na kita, ganon lang ka simple ang sasabihin ko kay Oliver at natitiyak kong maniniwala siya sa akin," Hindi na ako nagsalita pagkatapos ng mga sinabi niya. Siguro tama ang tsismis na may something sa dalawa na si Alexa at O

