Makalipas ang dalawang buwan ay may ipinagawa sa akin ang aking amo na si Geralt.
Nagtakbuhan ang mga tao sa isang club. Binasag ko ang buntot ng isang empty bottle upang gamitin pang depensa laban sa mga tambay at lasing na mga lalaki. Anim silang lahat kung bibilangin. Napalaban ako dahil sa pambabastos nila sa isang babae.
Ang babaeng dancer ay sumasayaw sa gitna, pero dahil sa kalasingan nila ay lumapit sila sa stage at doon hinahawakan ang babae sa braso para hilahin at dalhin sa table nila. Walang sumita sa mga ito na kahit ang manager ng club ay walang nagawa.
Ayon sa narinig kong bulungan sa katabing table ang group na ito ay mga taohan ng wakwak gang. Timing, dahil ang group nila ang sadya ko sa lugar na ito.
"Ang tapang mo ah, sige! Lumapit ka dito!"
Nagsalita ang isa sa kanila, akmang bumunot ito ng baril pero hindi natuloy dahil pinigilan siya ng isa niyang kasamahan.
"Pre, babae papatulan mo?" sabi ng katabi niya.
"Hahahaha, Pre, pagbigyan mo na baka naghahanap to ng init sa katawan." Sabi pa ng isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan mula sa kanila at nagsinde ng sigarilyo
"Hah! Talaga lang ah, sige, pagbibigyan kita pero pag natalo kita, sa kama na kita paiinitin!" Sabi ng matapang na lalaki. Pinagpawisan ito na tila nahimasmasan sa kalasingan.
Nang akmang lumapit na siya sa akin ay hinawakan ko ang dulo ng mesa malapit sa kinatayuan ko, hinila ko ito itinaob sa ulo niya. Basag ang gitnang bahagi ng plastic table, pero buo pa rin ang ulo niya. Nakatayo ito na parang nagyeyelong kahoy hanggang sa natumba.
Nagalit ang dalawang lalaki at bumunot na ng kutsilyo. Tumakbo sila ng sabay para atakihin ako, pero may isang plastic chair pa na upuan mula sa kinaroroonan nila. Mabilis akong nagtungo doon through sliding on the floor. Nakuha ng kaliwang kamay ko ang plastic chair at itinapon sa isang lalaki, sinalo niya iyon pero hindi niya namalayan sinundan ko ito ng paglaslas sa leeg niya gamit ang basag na bote.
Naka iwas ako sa sumunod na pag atake ng dalawa pang lalaki. At napunta ako sa lalaking may baril at walang malay. Kinuha ko ang baril niya at pinagbabaril ko ang dalawa.
"Saan ka pupunta?"
Tanong ko sa lalaking naninigarilyo, relax lang ito na nanonood sa mga pangyayari. Napansin ko na biglang nabasa ang soot niyang pants, nakaihi ito sa kung ano mang nararamdaman niya habang tinutotokan ko siya ng baril.
"Lalabas sana ako. Promise hindi ko ito ipagsasabi kahit kanino.!" Sagot sa akin habang nanginginig.
"Wala pa akong sinabi, nagpapaliwanag ka na, kargahin mo to, kung ayaw mong papasabugin ko ang ulo mo?" Utos ko sa kanya. Agad naman itong kumilos kahit medyo nahihiya dahil basang basa ang pantalon niya.
"Ikaw ginoo, mag report ka sa pulis, sabihin mo kagagawan ito ng wakwak gang. Sa susunod, mag-hire kayo ng bouncer para safe ang mga babaeng nagtatrabaho dito."
"Opo, salamat Po," Ang sabi ng matandang lalaki, na siyang tinuturong manager ng club.
"Ito pera, sapat na to para sa mga nasira ko," Ang sabi ko sa kanya sabay abot isang wallet. Binuksan ito ng manager at napakunot ng noo, bumalik ang tingin niya sa akin at nagtanong, "kayo ho ba ito?"
"Malamang hindi ako yan, kung sino ang may kasalanan siya ang magbabayad." Deretsong sagot ko sa kanya saka lumabas sa kabilang exit na pinto ng club. Ang may ari mg wallet na iyon ay walang iba kundi ang lalaking walang malay na kinakarga ng lalaking nakasunod sa akin.
Bumalik ako sa yacht kung saan ko ito iniwan. Kasama ko ang dalawang lalaki na parehong nahimasmasan mula sa kalasingan. Itinali ko sila sa gilid, habang tahimik lang silang nagtitinginan sa isa't isa.
Nakaramdam ako ng pagod, ngunit hindi Ako pwedeng magpahinga. Kailangan kong malaman kung saan naglulunga ang leader ng wakwak gang. Umakyat ako sa taas at pinaandar ko ang yatch. Nang makarating na ito sa gitna ng dagat, nagustuhaan ko ang paligid, tahimik ang tubig na tila nagpapahinga sa ilalim nang maliwanag na buwan.
"Hoy kayo, bantayan nyo ang yatch na ito. Oras na gumalaw kayo diyan ay madi- detect ng system sa taas na tatakas kayo, pang nangyari iyon sasabog ang yatch na ito at sabay kayong mamamatay!"
Ang sabi ko sa dalawa, na nanlaki ang mga mata. Hinubad ko ang aking mga kasootan, boots, cellphone at relo. Naka bikini outfit ako ngayon sa kanilang harapan. Kinuha ko ang mga gamit na pweding gamitin sa ilalim ng tubig at makahinga.
"Itinali tayo dito para makaligo siya?" sabi nang isang lalaki na nakaihi sa pantalon kanina.
"Tumahimik ka nga diyan, ang panghi mo!" Ang naiinis na boses ng isa.
Narinig ko sila pero hindi ko lang pinansin. Lumukso ako sa malalim at malamig na tubig ng dagat na soot ang oxygen at doon ko unang naramdaman ang pagiging malaya. Lumangoy ako at nagpaikot-ikot na ini-enjoy ang tubig. Ang malayang lumangoy kasama ang mga isda ay nakakatuwa.
Later on nakaramdam ako ng pagkagutom kaya, sinubukan kong manghuli ng isda sa pamamagitan ng pana. Bitbit ko ang halos dalawang kilo na klase na isda na umahon paitaas.
Nginangatngat ko ang mainit na inihaw na isda, masarap kainin ang bagong huli na manamis namis ang lasa. Napalingon ako sa aking likuran, yumuko ang dalawang lalaki na nakagapos na tila ayaw magpahuli na kanina pa sila nakatingin habang nag iihaw ako ng isda.
Kumuha ako ng dalawang canned beer. Uminom ako sabay subo ng laman. Nang mabusog na ako ay saka ako lumapit sa dalawang lalaki.
"Papakawalan ko kayo sa isang kondisyon, sabihin nyo sa akin kung saan nagtatago ang leader ninyo" seryoso kong pagkasabi
"At sa tingin mo sasabihin namin? Kahit na ehulog mo pa kami sa dagat hindi namin sasabihin." Matapang na sagot ng isa.
"Ano bang pakay mo dito? Malawak ang lugar at halos ng mga tambay dito ay myembro ng wakwak gang. Baka ikamatay mo pa bago mo makikita ng personal si boss." Ang sagot naman ng isa. Naisip ko na mukhang sa kanya ako makakuha ng tamang impormasyon.
"Ayos lang, nakahanda akong mamatay. Yon ay kung...Oras ko na..."
Nagtinginan ang dalawa. Maya maya pa ay nagsalita na ang isa sa kanila, "sasabihin na Namin"
Sa wakas ay nakasundo ko ang dalawang lalaki. Binigay nila ang oras ng paglabas at pagpasok ng leader ng wakwak gang sa lunga na pinagtagoan nito. Ito na ang pagkakataon ko para sa susunod na hakbang. Kapalit dito ay ang kanilang kalayaan.
"Akala ko ba malaya na kami, bakit kailangan pa naming dumaan sa tubig?" Ang reklamo ng isang lalaki, hindi paman siya nabasa ay halatang giniginaw na ito.
"Marunong kayong lumangoy di ba? Pwes, abutin ninyo ang pangpang kung gusto nyo pang mabuhay," sagot ko at agad kung pinaandar ang makina ng yatch.
"Uy, Ahhh!"
Sa agarang pagtakbo ng yatch ay narinig ko ang sigaw ng dalawang lalaki na sabay nahulog sa tubig. Sa di kalayuan nakita ko sila na nilalangoy ang dagat papunta sa pang pang. Sa dami ng na perwisyo nila, sana ay makarating pa sila sa pangpang.
Kinabukasan, maaga akong naglakbay sa damuhan, umupo sa isang bato, at pumwesto. Gamit ang isang telescope, ay nakikita ko na ang susunod na mangyayari, unang lumabas ang dalawang guard sa isang warehouse.
parang may binabantayan ito ko na Ang tamang pagkapwesto ng sniper rifles.
Halos isang linggo na akong nagmamatyag sa Isla. Ngayon lang ako nakakuha ng pagkakataon na mahanap ang leader ng wakwak gang, para patayin gamit ang sniper rifles.
Isa...
dalawa...
Within 3 seconds natamaan ko siya sa braso niya, bumilis ang takbo ng sinasakyan nitong kotse.
Pangalawang putok, tumama ito sa driver deretso sa ulo.
1 seconds more...
Nagpasuray-suray na ang takbo ng kotse sa kalsada.
Para sa pangatlong putok, dumeretso ito sa katabi niyang batang lalaki, ang anak ni Kwago.
Takbo dito, takbo doon narito ako sa masukal na kagubatan. Hinahabol ako ng mabangis na lobo, ang leader ng Wakwak gang. Nasa 40 na ang edad nito, ngunit mabilis pa din ito tumakbo. Ang tawag ko sa kanya ay "kwago", dahil sa gabi lang ito lumalabas sa lungga na pinagtataguan niya. Marami siyang napatay na tao dahil nagkalat ang marami niyang taohan. Gigil din akong mapatay siya dahil marami na siyang nasirang buhay ng kabataan. Dahil sa negosyo niya, naging talamak ang bentahan ng droga sa Pilipinas.
"Nasaan ka? Kung talagang matapang ka, lumaban ka ng patas!" ang sigaw ni kwago. Halata sa boses nito ang galit sa nangyari, malamang ay patay na ang anak nito.
Hindi nito alam na nasa likuran ko lang siya, na nagtatago sa isang malaking puno. Lumabas ako at itinutok ko ang hawak kong revolver gun sa ulo niya.
Humahalakhak ito ng malakas at sinabing
"Isa kang babae?" ang tanong nito na nagulat ng makita ako.
"Ang lakas ng loob mong pasukin ang lungga ko. Pati anak ko dinamay mo. Sabihin mo! sino ang nagpadala sa iyo dito?" ang tanong nito.
"Hindi na importante kung sino man siya, pero tinatawag ko siyang agila. Ngayon kilala mo na ba kung sino?" ang tanong ko sa kanya.
Halatang nag iisip pa ito.
"Kung hindi ako nagkakamali, si Don Monro? Ang hayop na iyon. Pero bago ko siya balikan ay papatayin na muna kita at ipapadala ko ang ulo mo sa kanya! maliban na lang kung makipag ugnayan ka sa akin." Ang sabi ni Kwago
"Hindi ako nakikipag ugnayan sa mga taong mapagmatyag, pero may mahinang pang amoy." Ang sagot ko sa kanya habang nananatili ako sa kinatatayuan ko.
"Magaling kang assassin, pero nagkamali ka ng binangga mo" ang sabi nito na nagsipag lakihan ang malaking mata sabay kalabit ng hawak niyang cal.45 1911.
Hindi na ako nagsalita pa.Pero wrong timing siya, dahil mas nauna akong e-putok ang baril ko. Naunang dumating ang bala sa bungo niya bago pa nagpakawala ng bala ang hawak niyang baril. Kaya ang direksyon ng bala ay napunta sa taas at natamaan ang sanga ng isang puno. Ito ay nabali, at buti naman ay nakailag na agad ako sa pagbagsak nito sa lupa.
Nang masisiguro ko na patay na si Kwago, I turn on my phone at tinawagan si Geralt Monro ang agila ko na amo.
"Boss, mission accomplished!" ang sabi ko sa kanya sabay cut ng linya at umalis sa lugar.