Nadulas ako sa loob at labas ng kamalayan. Malabo ang isip ko at manhid ang katawan ko, iyon ay dahil sa nakatulog ako sa malamig na metal sa loob ng isang puting van.
Pinabagal ko ang aking paghinga at kinakalma ang sarili hangga't kaya ko. Kahit pa nakahiga ako ngayon na nakatagilid, nakatali ang aking mga braso, paa at bibig. Kasalukuyang nakabalot sa itim na plastic bag ang ulo ko, na may maliit na butas upang ako ay makahinga.
Sa pamamagitan ng kakaibang init sa magkabilang panig ng aking mga binti, sa harap at sa aking likod, masasabi ko na may tatlong taong nakapaligid sa akin habang binabantayan ako. Nakakapanibago lang sa pakiramdam dahil matagal na akong hindi nakasakay ng isang van, pero sa ganitong sitwasyon pa.
Sa sandaling ito, maayos pa naman ang pakiramdam ko, habang iniisip ko pa kung saan ang punta ng byaheng ito.
Matagal din akong nakakulong sa isang bahay na may sekreto at malaking basement sa loob, kasama ko ang iba pang tulad ko na nabili, sa ngalan ng salapi. Ang bahay na iyon, ay ang tinatawag na "safe house". Kami doon ay parang mga alagang hayop, na tinuturuan ng masasamang gawain, tulad ng pagpatay.
Ang ilan sa amin ay galing pa sa ibang bansa, at hindi kailan man pinalabas maliban kung meron silang mission na ipapagawa ng aming amo.
Pinilit kong huwag gumalaw upang hindi nila ako mapapansin. Akala nila tulog lang ako, maganda iyon. Para sa isang mapagpalayang sandali, habang nag iisip ako, kung paano makatakas.
Sa sobrang sama ng loob ko sa ginawa ni Papa, kailanman ay hindi ako nawawalan ng pag asa. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng pag asa na may bigat, at nag iisip ng masama. Marahil ay delikado ang salitang "pag asa" kasi habang tumatagal, ay para bang paunti unti ako nitong kinakain ng buhay hanggang sa ako ay mamamatay.
Hindi ako makaalis sa isang matinding mental breakdown. Ramdam ko pa ang sakit sa ulo ko ng may biglang pumalo sa akin noong nakaraang umaga. Ngunit hindi na iyon mauulit, dahil ginagawa ko ang itinuro sa akin, kailangan kong magpakatatag.
"Gumising ka!" may sumigaw at sinipa ang likod ko. Umungol ako habang nakatiklop ang sarili ko na parang bola. Isang kamay ang malupit na kumapit sa braso ko, sinundan ng isa pa at hinila ako para makatayo. Parang nakabitin ang ulo ko habang kinaladkad ako paakyat ng hagdan. Hanggang sa may kumislap na malupit na ilaw sa kabilang bahagi.
Isang lalaki ang nagsasabi, "Nandito na siya."
Muli, bumitaw ang mga kamay na nakahawak sa aking braso, at inalis nila ang plastic bag sa aking ulo. Tila nagsipagliparan ang mga alitaptap sa paningin ko, nang sinubukan kong buksan ang aking mga mata.
"Dalhin niyo na siya kay Amo." sinabi ng isang naka-uniform na gwardiya.
Muli akong hinila at tumigil kami sa harap ng pinto ng elevator, saka pumasok at umakyat. Napakabilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Nabigo ako sa pagiging cold-hearted, sinanay ko ang sarili na walang emosyon, ngunit sa sobrang lungkot na dinanas ko ay naturuan ko naman ang sarili ko na maging maayos.
Bumaba kami ng elevator at kinaladkad ako pababa sa isang hallway. Narinig ko ang mahina at malalim na tunog, ang tunog ng isang musika. Ngunit hindi ko makuha kung ano ang lyrics ng kanta.
Sa pagbukas ng pinto ay sumalubong ang tunog na umabot sa aking mga tainga. Hinila ako papasok sa bagong kwarto, mala-silver ang tiles at may kadiliman ang pinturang gray sa paligid. Itinulak nila ako kaya muntik na sumubsob ang mukha ko sa sahig.
Sa sobrang kintab ng sahig na iyon ay sinasalamin nito ang sarili ko. "Halatang napaglipasan na nga ako ng panahon, nagbago na ang itsura ko" ang sabi ko habang tinitingnan ang sarili sa sahig.
"Finally! my precious gift had arrived on time," Ang sinabi niya.
Ang boses na ito ay ang pinagmulan ng aking pagkahulog, ang tanging demonyo na mas malaki kaysa sa aking sarili na naninirahan sa pinakamadilim na bahagi ng aking isipan.
"Come here!"
Hinawakan ako nito para ayaing umupo sa kanyang harap. Pilit na inaayos aking mga mata mula sa pagpikit dahil sa liwanag. Sa sandaling nagawa kong makita ang puting buhok niya, ay napapansin ko na mas payat na siya ngayon, at mas maraming wrinkles sa mukha, pero sa kabuuan, siya pa rin ang matandang iyon. Ang matandang bumili sa akin, si Don Geralt Monro.
"Great to see you again my little kitty. How are you?" Ang tanong nito with evil smile pa.
Napatigil ako sa pagiisip. Nandito siya sa harap ko, pagkatapos ng mahabang panahong ito.
"It's a pity that I didn't introduce myself earlier. I am Geralt Monro. It's been a few years. It's too late, but at least you know my name." paliwanag pa niya.
Geralt Monro. Huh! Ano pa bang nais niyang marinig sa akin gayong sinira niya ang buhay ko? Kahit isa pa siyang hari sa mundo, ay hindi ko siya rerespitohin, isa siyang kasuklam-suklam na hari. At dahil diyan, pinatunayan ko na siya lang ang natalo sa palitan nila ni Papa. Hindi ako sapat na ibinigay ako sa kanya. Mas maganda na nasa kalye ako kesa sa kanya. Walang kabuluhang pag uusap! Kelan pa kaya mamamatay ang matandang ito?
Dahan-dahan kung itinuwid ang aking paningin sa kanya na may kalamigan, at walang emosyon...
Tila ako ay isang malamig na bangkay sa harap niya na hindi nagsasalita, hanggang sa napasinghap siya.
"I see Jordan taught you well. From your dead eyes, I can tell he's got your head, can't he?" tanong niya na hinahaplos ang pisngi ko.
Tama nga siya. Pumasok nga sa isip ko si Jordan pero isa lang ang natira. Isang pangako, na aalagaan ko ang sarili para makatakas o at least makapaghiganti na din, at isasama ko sa hukay ang Jordan na iyon.
Habang nakatingin sa akin si Don Geralt, ang akala niya ay isa lang akong sirang manika. Ang totoo ay unti unting lumalaki ang apoy sa aking loob. Susunugin ko din siya! silang lahat! magbabayad sila!
"Well I think now that we know each other, let's proceed to my room, maybe my son will get impatient waiting." sinabi niya.
Sumunod ako sa likod niya habang ito ay naglalakad. Saka naman ito nagpatuloy sa pagsasalita, "I bought you to hone in on everything, and I want to congratulate you too, because you finished everything I asked you to do. You know, you're a perfect woman, perfect to produce an heir."
Ano ang tingin niya sa akin breeder? Hindi ako magkakaroon ng isang pamana lalo pa't galing sa mga masasama. At mas lalong hindi ko pinangarap na maging mayaman kung kapalit naman nito ay pagdurusa.
Ang reaksyong naibulong ko sa sarili. Napa-kunot noo ako at nakita niya iyon. Kahit magbangit ako ng isang salita lamang, ay hindi ko pweding sabihin sa kanya ng harapan. Lumingon si Don Geralt at nagtawag ng isang tao saka sinabing,
"Tell my son that I want to see him in my office. I have an important gift for him that he will surely love." utos niya sa isang taohan na nakatayo sa tabi at agad itong umalis.
"You are my little kitty. I know that you are new to this world, the mafia world, but with the skills you have, I will make sure that the day will come that you will get my moves here; you will be the queen here."
Sabi niya sa tonong panunukso, hindi nag aalinlangan ang pagbigkas niya na may makapal na Italian accent. Pero hindi niya alam kung gaano katotoo ang mga sinabi niya. Matapos siyang magsalita ay pumasok siya sa isang room kasama ang tatlong body guard niya.
"Isang hangal lang ang maniniwala sayo!" bulong ko sa sarili na napatingin sa sahig na inaapakan ko.
"Gusto ni Boss Geralt ng malaking face reveal at ikaw ang napili niya.." Sabi ng lalaki na biglang tumayo sa aking harapan, siya ay isa sa mga taohan na siyang naglagay ng plastic bag sa ulo ko.
Naitanong ko sa sarili ko kung bakit ako pa ang napili, wala namang special sa akin, maliban sa kayumangi kong balat. Ang balat na hindi nagniningning sa aking kabataan. Maging ang mga mata ko, ay nawalan na ng spark, para sa pag ibig at para lang sa ligaw na kaguluhan. Ang aking maitim na kulot na buhok ay hindi napaparam. Nakatayo ang mga ito pababa sa aking likod hanggang sa aking baywang.
Nagbago ang katawan ko sa paglipas ng panahon. Mula sa aking athletic body, nakakuha ako ng isang hourglass figure na inaalagaan ko kahit na pagkatapos ng lahat ng mga kakila- kilabot na bagay na inilagay sa akin upang makuha ito. Naputol ang pag iisip ko sa pagbukas ng pinto. May naririnig akong naglalakad papasok, isang maingay na sapatos sa bawat paghakbang.
"My son!"
Humahalakhak si Don Geralt. Halata sa boses niya ang tuwa ng makita ang bagong dating na tinatawag niyang "anak".
"What do you want Geralt?"
Bahagya akong nanginig sa tunog ng bagong boses. Napakalalim, velvety, dominante at ang Italian accent sa mga salitang nag-rattle sa aking pinakaloob-looban. Dahil malamig ang kanyang mensahe sa kanyang ama ay bahagyang nasiyahan ako.
"Not today my son..."
"Don't call me a "Son" Geralt! You should know your place,"
Putol ng kanyang anak bago pa ito magpatuloy sa nais nitong sabihin. Napangiti ako sa aking narinig, kahit nakayuko. Gusto ko siya, gusto ko ang tono ng boses niya at mukhang magkakasundo kaming dalawa, upang pabagsakin si Don Geralt.
"Guardiamo oltre" (let's see..) I have a special gift for you.."
May tunog ng pag snap ng mga daliri, bago ang paghawak ng isang kamay sa aking mukha. Itinaas nito ang aking mukha, at kinalabit ang buto ng aking likod, senyales na malaya na akong tumingin sa harap na may tuwid ang postura.
Unang tumambad ang bagong mukha sa aking harapan, malamang, siya ang tinatawag na anak ni Geralt.
Siya ay may maitim na buhok, maikli sa gilid ngunit mahaba sa gitna na kasalukuyang nakatali, ang ilan sa mga hibla nito ay bumabagsak sa kanyang mga mata. Full pink lips, chiseled jaw na may anino ng alas singko at malalim na tanned skin. Nakasuot siya ng itim na amerikana suit, with white polo sa ilalim. Ang unang tatlong butones ay bukas, sa pagitan nito ay nagpapahintulot na masilip ang ilang mga tattoo niya mula leeg hanggang sa kanyang dibdib.
Ang kanyang mga kamay ay natabunan ng mga singsing na pilak, ang ilan ay may itim na hiyas sa mga ito. May mga tattoo sa likod ng kanyang mga kamay. Napahanga ako sa mga artistikong gumawa nito, kahit wala akong alam sa iba't ibang disenyo ng tattoo. Higit sa lahat, matipuno ang katawan niya. Ang gwapo niya sa aking paningin. Pero kahit maghubad pa siya ng polo ay hindi ko siya pipigilan. At ipipikit ko lang ang aking mga mata. Promise!
Dahil sa weird thoughts ko ay nag flash sa isip ko ang mga unwanted things. Pumikit ako ng mahigpit, para sabihin sa sarili na. "Wala itong kabuluhan kaya wala kang nararamdaman."
"I don't like her,"
Narinig kong sagot ng anak ni Geralt. Hindi ako nag flinch, hindi rin ako nag react. Matagal na akong itinuring bilang isang bagay na itinatabi pag kailangan at ano mang oras maaari din akong itatapon ngunit hindi ito big deal sa akin dahil tanggap ko na ang aking kapalaran.
"Again, let me clear my side, Geralt. I don't deserve to have a w***e like her!" sagot ng anak nito sa nakamamatay na mahinahong tinig.
Ngayon masakit ang salitang iyon. Nagflash sa isip ko ang mga nkakatakot na alaala. Nag sagged ako, habang sinusubukan kong huwag magkaroon ng isang panic attack. Dahan dahan akong huminga. Batid ko na hindi ngayon ang tamang panahon, ang mahalaga huminga pa ako.
"In fact she is a pathetic person, but she is part of our property, the property of Monro mafias. She's worth millions,"
Ang pagkarinig ko na sinabi ni Geralt, naguluhan ako sa ganoong salita.
"If that's the case, can you explain?" demand ng anak.
"Well, check on her, you will know!" napatingin si Oliver Monro sa akin kagaya ng sinabi ni Geralt.
"She has a net worth amounting of five million pesos, guess what? I trained her to be a killer, so I don't need to re-hire another trusted person. At first, I hardly negotiated with this girl before I could get, she's been with me at high prices. After this time, a trusted ally of mine, she is now worth more than two billion pesos. I won because of her, so Oliver, my son, my choice of her is important, and I reserved her for you. Plus, she signed some documents here, making her legally yours.."
Lumalangoy ang isip ko sa bagong impormasyon. "Ako?" Bilyon-bilyon ang halaga?Ganoon pala ka halaga ang pagpatay ko sa ilang ilang ulo na pinugutan ko. Marahil ay pwede din lang akong ibenta ni Oliver kung sakali para kumita siya total ayaw ko rin na sa kanya. Baka sa kanya pa mayayari ang buhay ko.
"Can I sell her to the highest bidder?" sabi ni Oliver na nagpapatunay sa punto ko.
"You can, but you haven't explored what she can do yet. Why lose something useful?" Hinimok ni Geralt ang anak.
"So Oliver, what will you decide? Get the girl, or sell her for money or... use my little cat to your advantage" lumapit sa akin si Geralt. Itinakbo niya ang kanyang kamay pababa sa pisngi ko at hindi ako gumalaw.
Sa sitwasyon ko ngayon, ako ay isang rebulto na maaaring gumalaw, at sumunod lamang sa mga utos at pumatay. Ang pagkuha ng sapat na lakas ng loob upang ibalik ang sarili upang patayin si Geralt ay magiging mahirap, ngunit ang matandang fucker na ito ay mamamatay kasama ang lahat ng iba pa na nagkamali sa akin.
Noon ko gustong isama ang anak nitong si Oliver na ngayon ko lang nakaharap ng personal. Sa ngayon, sapat na ang mapalapit ako sa kanyang ama at mapatay siya. Natutuhan kong magtiwala lamang sa mga taong may tiyak na kadiliman sa kanilang kalooban. Ngunit naniniwala ako sa taas na higit na mas makapangyarihan, at nakakaalam ng aking kapalaran. Natagpuan ko ang kapanatagan sa katotohanan na kahit na ako ay magtagumpay, si Oliver at ang kanyang ama ay pagsasamahin ko sa iisang hukay.