FRANCO'S P O V THIRD PERSON P O V " Ayan! My, Dy ang magaling n'yong bunso, nagpapaka sarap sa kandungan ng ibang babae! Kaya pala hindi makauwi! " bungad agad na sumbong ni Kuya Lennon sa pamilya namin pagpasok pa lamang sa kanilang maluwang na sala. " Franco! " " Uncle Franco! " " Hijo, totoo ba!? " mga singhapan ang narinig ko sa kanila ngunit binalewala ko na lamang. Inilinga ko ang aking paningin dahil may gusto akong makita na particular na tao. Nang makita ko naman ang aking hinahanap ay tila ako teenager na nakita ang crush sa matagal na panahon. Na-miss ko s'ya at bumilis bigla ang t***k ng aking puso, tingin ko pa nga sa kanya ay mas lalong gumanda. Katabi s'ya ng kaniyang Ina na nakaupo sa sofa na magka- akbay. " Oh! Oh! Saan ka pupunta!? " pigil sa akin ng mga Kuya

