LENZY'S P O V " Sumama ka na, Lenzy, habang abala pa sa ibang bagay ang Uncle mo. " udyok ni Krystle sa kanya na sumama sa isang birthday party ng classmates nila. " Oo nga naman, Best! Malapit na rin naman ang graduation natin. Ilang panahon na lamang ay maghi- hiwalay na rin tayo. " segunda pa ni Virgo sa kanya Nag- isip naman akong mabuti dahil totoo naman ang katwiran nilang dalawa. Kaya naman pumayag na rin ako para makapag- enjoy at kalimutan muna ang problema ko nga kay Uncle Franco. " S- Sige! " kiming pahayag ko naman " Yes! " " Nice! " Komento nilang dalawa na halatang natuwa. Lunch break namin kaya napag- usapan pa ang tungkol sa pagsama nga sa birthday party ng isa naming classmates. Kaya mamayang after class ay roon na kami didiretso sa bahay ng birthday celebrant.

