FRANCO'S P O V " Sh!t! Ano nga pala ang idadahilan ko!? Baka hindi ako papasukin dahil private property ito. " hampas ko sa manibela nang malapit na ako sa bahay ng classmates daw ni Lenzy. Kaya naman inihinto ko muna ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada tsaka nag- isip ng magandang palusot para papasukin ako. Nang may sumagi sa isip kong magandang idea ay ini- start ko na ulit ang aking sasakyan at inihinto ko na lamang nang medyo malayo sa gate. Marami na kasing naka- park na sasakyan malapit sa mataas na gate kaya nilakad ko na lamang ang patungo roon. " Ahm! Magandang Gabi! " kiming bati ko sa dalawang guard na nakatayo roon. " Magandang Gabi - Oy! Gov. Franco! " tugon na bati no'ng isa ngunit natigilan at napa bulalas nang tawag sa pangalan ko ng makilala ako. Kaya ngumiti na

