FRANCO'S P O V " Hmmmm! L- Lenzy! . . . S- Saan ka pupunta!? . . . H'wag mo kong iwan! . . . Ouch! " habol ang hiningang daing ko sabay hawak sa parte ng aking katawan na tila may tumama na mabigat na bagay kaya sumakit. " Huh!? Nasaan ako!? Ano nangyare!? " naguguluhang tanong ko sa mga kapatid kong masama ang tingin sa akin sa pagmulat ng aking mga mata, panaginip lamang pala na magkasama kami ng pamangkin ko na aalis s'ya kaya naman pinipigilan ko. Wala pa rin silang imik, " B- Bakit ako nandito sa ospital? " tanong ko ulit sa kanila at isa- isa kong tiningnan ang Ate Malou at Kuya Marlon, ngunit si Kuya Lennon na Daddy ni Lenzy ay bakit wala? " Huh!? Hindi mo alam!? " pagak na tawa ni Kuya Marlon, " Ngayon ay hindi mo alam ang kalokohan na ginawa mo o nag mamaang maangan ka

