LENZY'S P O V LENZY'S P O V " Hindi ko pa rin alam kung hanggang kailan kami rito. " malungkot kong sambit sa mga kaibigan kong Virgo at Krystle habang nag- uusap kami tru video call. " Ang importante hindi ka nila sinaktan, inilayo ka lang. " sambit ni Krystle " Oo nga e! " maikling tugon ko naman Wala naman na kasi akong inilihim sa mga kaibigan ko kaya alam nila kung bakit ako wala noong graduation namin. Wala na kasi akong mapag sabihan kaya umiiyak akong nagtapat sa kanila. Sinisi pa nga nila ako kung bakit hindi agad ako umamin nang nararamdaman ko noon para sa aking Uncle. Sana raw ay napayuhan nila ako. " Pero pansin ko na ang sobrang strict ng Uncle mo, ayoko lang mag- jump in to conclusion dahil alam ko ngang magka dugo kayo. " wika naman ni Virgo " Wala naman akong

