THIRD PERSON P O V " Thank you po, Uncle, hindi ko napansin na nakatulog pala ako habang nasa bathtub. " pasasalamat ni Lenzy sa Tiyuhin nang nasa loob na sila ng kanyang k'warto at nakaupo s'ya sa ibabaw ng kama. Nakabalot na rin s'ya ng robe sa kanyang katawan. " Don't do that again. " bilin naman ni Franco sa malumanay na tinig, tumango lang naman ang dalaga, habang bahagyang nakayuko ang ulo. " Sige, lilipat na ko, dinala ko lang ang bag mong naiwanan sa office ko. " dugtong pang sambit ni Gov. " U- Uncle, " pigil na tawag naman ni Lenzy sa Tiyuhin. Kaya naman nahinto sa pag hakbang si Franco at lumingon sa kanya. " B- Basa po ang d- damit n'yo, b- baka po k- kung ano ang isipin nila kung makita ka nilang ganyang b- basa. " atubili pang sambit ni Lenzy " Tsk! It's okay! " tu

