BIRTHDAY PARTY

1640 Words
THIRD PERSON P O V Nagtaka naman kinabukasan si Lenzy at walang Uncle Franco ang bumungad sa kan'ya pagka bukas n'ya ng kanilang main door. Gayunpaman ay natuwa rin s'ya dahil walang magbibilin ng kung ano- ano, pati kasi paglapit sa mga boys ay pinag babawalan pa s'ya. Na tila ba s'ya Teenager na dapat pang pag sabihan ng mga dapat at hindi dapat gawin. Wala rin naman itong masasabi sa suot n'ya dahil naka- school uniform s'ya. Kaya naman nagdidiwang ang kan'yang kalooban na sumakay sa kanilang sasakyan para maihatid na s'ya ng kanilang Driver sa University. Ilang sandali pa ay nakarating naman s'ya ng safe, as usual at ibababa lamang s'ya ni Manong sa labas ng gate at aalis na ito agad. S'ya naman ay papasok na sa loob para tunguhin ang kanilang classroom. Kahit naman spoiled si Lenzy sa pamilya n'ya ay hindi ito naging sakit ng ulo. At hindi s'ya iyong gagawa ng masama kapag hindi naibigay ang nais. Kaya naman s'ya giliw na giliw sa kan'ya ang mga Lolo at Lola n'ya. Matalino pa at laging nasa Dean's List. " Lenzy! " tawag sa kan'ya kaya naman nahinto s'ya sa paglalakad at napa lingon sa likod dahil doon nanggagaling ang boses nang tumawag sa kan'ya. Nakita n'yang mga classmates n'yang lalake iyon, lumapit naman ang mga ito sa kan'ya. " I- Ibibigay lang sana namin itong invitation sa'yo. Sana makapunta ka. " wika ng nasa gitna, tatlo kasi sila, sabay abot ng kulay red and black ng makapal na envelope. " Sino ang may birthday? " usisa n'ya nang mabasa n'ya ang mga nakasulat. " Mamaya na pala ito? " " A- Ako, oo, kasi nahihiya akong lumapit sa'yo at i- invite kayong tatlong magkakaibigan, kaya nagpasama ako rito sa dalawang kaibigan ko. " kiming saad ng nasa gitna sabay kamot sa batok, " Don't worry, invited din naman sila Virgo at Krystle. " dugtong pa nito, para malaman nga naman n'ya at hindi s'ya makatanggi " Ganoon ba!? Tawagan ko muna si Mommy mamaya, kasi biglaan itong pag- invite mo, " turan ko naman, " Magagalit kasi sila kapag in the spot na magpapa- alam. " dagdag ko pang wika " S- Sige, okay lang, tara na sa room natin, malapit nang mag- start ang klase. " turan naman nito at sabay- sabay na kaming naglakad Tinanong naman n'ya kung sino- sino ang invited, inisa- isa naman nila ang mga pangalan. Mas marami sa classmates nila ngayon at iyong iba raw ay batchmates ng birthday celebrant no'ng high school. Nag hiwalay na lamang sila nang makarating sa room, sa dulo kasi ang mga boys nakaupo at sa gawing unahan ang mga girls. Ipinakita nga ng dalawa n'yang kaibigan ang invitation din nila. At dahil absent naman pala ang Prof nila sa first subject ay nagkaruon ng pagkakataon si Lenzy na tawagan ang kan'yang Mommy para makapag- paalam nga. Marami ring inusisa ang Ginang, s'yempre nga naman dahil Unica Hija nila ang dalaga. Ang Ginang din kasi ang mag- e- explain sa kan'yang Mister para sabihin ngang nag- attend si Lenzy ng birthday party. Pumayag naman ang Ginang nang malaman na kasama rin ang dalawang kaibigan ng anak. Kabisado rin naman n'yang hindi gagawa ang anak nang ikaka pahamak nito kaya buo rin ang tiwala nila sa dalaga. Natuwa naman ang birthday celebrant nang sabihin ni Lenzy na pumayag ang Mommy n'ya ganoon din sa dalawang kaibigan n'ya. Kaya naman nagkasayahan sa buong room nila dahil lahat nga kasi ay invited, may nagbiro pa ngang sa wakas daw ay makakapag relax na sila at hindi puro pag susunog lamang ng kilay ang ginagawa nila. Nahinto lamang ang excitement nila, dahil swimming party ang theme kaya alam nilang babaha ang mga alak. Nang dumating ang Prof ng kanilang next subject, kaya naging seryoso na sila dahil terror iyon. Hindi na ulit sila nakapag kwentuhan dahil nagsunod- sunod ang dating ng Prof nila hanggang sa matapos ang klase ng kanilang last subject. " Woo! Deserve kong makapag- relax mamaya! " sigaw ng ibang classmates nila pagkalabas ng last Prof nila kaya naman nagka tawanan sila dahil ang ibang Prof ay nagbigay pa ng surprise quiz. Kaya nga naman mamaya ay makakapag- relax sila sa birthday party. Kaya umuwi silang mahahalata sa mga batang mukha ang excitement. Gayundin naman si Lenzy, dahil bihira s'yang mag- attend ng party, kahit marami ang nag- invite sa kan'ya ay hindi s'ya nag- a- attend dahil hindi n'ya hilig ang makipag sosyalan. Kaya lamang s'ya a- attend ngayon ay dahil kasama ang mga kaibigan n'ya at mabait naman ang birthday celebrant sa kan'ya. Iyon nga lamang ay mahiyain. " Anong oras ka dadaanan nila Virgo? " masuyong tanong ng Ginang sa anak, abala na si Lenzy sa paglalagay ng mga damit sa bag na dadalhin n'ya sa party. " Tatawag daw po kapag patungo na sila rito, bibili pa po kasi sila ni Krystle ng ireregalo namin. " magalang naman n'yang tugon sa Ina. Napag kasunduan kasi nilang sasakyan na lamang nila Virgo ang gamitin dahil ito ang malayo. Dadaanan ang mga bahay nila ni Krystle patungo sa Birthday party kaya isang sasakyan na lamang ang gamitin nila papunta at pauwi. Driver na rin nila Virgo ang susundo sa kanila. " Sa ibaba na natin sila hintayin. " masuyong sambit pa ng Ginang nang makitang tapos nang mag- impake ni Lenzy. Maka- akbay pa silang bumababa sa marangyang hagdan nila at masayang nagkwe kwentuhan. Pilit kasing pina paamin ng Ginang ang dalagang anak kung may Nobyo na ito. Mabilis namang tumanggi si Lenzy at nangako na ipapa kilala muna n'ya sa mga ito ang manliligaw n'ya bago ito sagutin. Nagalak naman ang kan'yang Mommy sa tugon n'ya, kahit alam naman nitong mabait na bata si Lenzy. Ayaw lamang nilang malalaman na may Nobyo na pala ito ngunit hindi man lang nila nakilatisan ang lalake. Nag- iingat lamang sila dahil nga nag- iisa itong babae, ang nais lamang nila maging close nila ang mapupusuan nito kung sakali. Tinulungan muna ni Lenzy ang kan'yang Mommy sa Garden nito habang hinihintay na daanan s'ya ng mga kaibigan. Tila mag barkada lamang nga silang mag- ina kung mag biruan. Panay naman ang bilin ng Ginang sa tatlong mga dalaga nang daanan na nila si Lenzy. Magagalang naman ang mga ito na sumagot at ilang sandali pa ay umalis na sila patungo sa bahay ng may birthday. " Ano ang isusuot mo, rush guard? " pabirong usisa naman ni Krystle kay Lenzy, kaya naman natawa silang tatlo nang ma- gets nila ang ibig nitong sabihin. " Hindi ah! " pairap namang tugon ni Lenzy, " One piece ang dala ko. " " Weh!? Mabuti at pumayag ang Uncle mo na sumama ka? " hindi naman naniniwalang sambit ni Virgo sabay tanong na rin n'ya " Hindi naman n'ya alam, wala pa siguro sa bahay nila. " balewalang sambit naman ni Lenzy " Pustahan tayo o!? I'm sure kapag nalaman ni Uncle Franco mo na nasa swimming party ka e susugod s'ya roon. " bet naman ni Krystle na tila kilalang- kilala na ang Tiyuhin ng kaibigan " Bet ko rin iyan! " sulsol naman ni Virgo " Hindi iyan! Hindi naman n'ya alam iyong bahay nila Rico, unless sasabihin ni Mommy. " tugon naman ng dalaga sabay kibit balikat. " Hayst! Sure na sure iyan! Itaga mo sa lato- lato ni Gov este sa bato, siguradong susundan ka at iuuwi! " bulalas na wika pa ni Krystle tumango- tango naman si Virgo Hindi naman na kumibo si Lenzy dahil alam n'ya sa sarili na baka nga gawin iyon ng kan'yang Uncle Franco. Pero bulong naman n'ya sa sariling hindi naman siguro hahayaan ni Mommy na ipaalam pa sa bayaw ang kan'yang kinaroroonan. Kung ang Daddy nga n'ya ay pumayag dahil saktong habang nasa garden silang mag- ina ay tumawag ito kaya naman ipinaalam na rin n'ya sa Ama ang pupuntahan. Natuwa naman ito dahil matututo na raw s'yang makipag- socialite, kung minsan nga ay sila pa ang bumubuyo sa dalaga para maki- party kahit sa mga relatives nila. Shopping with friends lamang kasi ang pinaka gala ni Lenzy kaya naman natutuwa sila kapag may bago itong nakikilala. Hindi rin kasi talaga mahilig ang dalaga sa mga Party, simple lamang kasi s'ya, kaya noong debut n'ya ay napilitan lamang s'yang magkaroon ng contillion dahil na rin sa request ng mga magulang dahil nga nag- iisa s'yang anak na babae sa pamilya. " Uy! Iniisip na n'ya ang idadahilan mamaya sa Uncle Franco n'ya! " kant'yaw pa ni Krystle, nang kalabitin s'ya ng dalawa, nakarating na pala sila sa bahay nila Rico ng hindi n'ya namamalayan dahil nga sa lalim nang iniisip. Umirap lamang s'ya sa dalawa at bumaba na sila tsaka dumiretso sa gate, ipinakita nila sa guard ang invitation tsaka lamang sila pinapasok. Dinig na agad nila ang malakas na sound system na pumupuno sa bahay nila Rico. May Waiter silang nakasalubong at itinuro ang garden sa likod bahay kung nasaan ang swimming pool. Tinungo naman nila ang daan at nanlaki ang mga mata ni Lenzy sa naabutan, mga daring kasi ang suot na swimsuit ng mga babae, puro kasi two piece iyon at halos kaunti na lamang ang natatakpan. Samantalang ang mga lalake naman ay puro naka- swimming trunks, kaya kitang- kita ang kaumbukan ng mga ito sa gitna. Hindi tuloy maka tingin ng diretso si Lenzy sa mga classmates nilang bumati sa kanilang tatlo, lalo na no'ng sinalubong sila ni Rico na s'yang may birthday na kapirasong tela lamang ang kan'yang suot. Kung hindi nga lamang nakakahiya sa mga kaibigan at classmates n'ya ay gusto na n'yang tumakbo palayo daily hindi nga s'ya sanay sa ganitong pagtitipon. Bumabaha rin ng inuming nakaka lasing, ilan na nga ang nag- abot sa kanila ng bote ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD