THIRD PERSON P O V THIRD PERSON P O V " Bilisan mo! Gagabihin na tayong makarating kila Ate Luzy! " utos ni Franco sa kaibigan na si Gab na kumakain pa samantalang sila ni Von kay tapos na. Binilisan naman nga nito ang pagsub0. " Wow! Ha! Ate Luzy!? " natatawang ulit ni Von sa tawag ni Franco sa hipag " E, ano ba dapat?! Asawa s'ya ng kuya ko? " nagtatakang balik tanong naman ni Franco " Magkakaroon na kayo ng anak ng anak niya, ate pa rin ang tawaa mo? Hindi ba dapat e 'Mommy' na? " natatawang wika ulit ni Von Natigilan naman ang binatang Gobernador dahil sumagi na sa isipan n'ya ang tinutumbok ng kaibigan. " Oo nga ano!? " natawa na ring sambit ni Franco at nag- apiran pa sila ni Von na natatawa pa rin, " Magiging kumplikado pala ang magiging tawagan namin kung sakali. " dugto

