FRANCO'S P O V " Hindi mo ba alam na malayo ito? Baka hindi tayo makauwi mamaya. " sambit ko kay Lenzy ng magkasabay kaming mag hugas ng kamay sa kusina ng bahay ng Kapitan na aming kinainan ng tanghalian. " H- Hindi po namin a- alam na r- rito kami . . . . mag- medical mission. " kiming saad naman n'ya " Mayroon ka bang dalang extra clothes kung sakaling gabihin tayo? " usisa ko ulit sa kanya " O- Opo, " maikling tugon naman n'ya na may halong tango " Good! " tugon ko na lamang sa kanya, may narinig kasi akong papalapit na yabag sa amin kaya iyon na lamang ang nasambit ko. " May kailangan pa po ba kayo, Gov? " masuyong tanong naman ng Ginang paglapit sa amin. " Wala na po, may sinabi lang po ako rito sa pamangkin ko. " kiming saad ko pa, pilit lang din ang naging ngiti

