FRANCO'S P O V " Ohh! Anong nangyare!? Paki- diretso mo na sa k'warto n'ya, Franco. " utos ni Ate Luzy pagkabukas n'ya ng pinto ng kanilang maindoor, dito na kami dumiretso sa bahay nila para makapag pahinga pang mabuti si Lenzy sa kanyang silid. " Nilagnat s'ya kaya inuwi ko na pero pina- check up ko muna kanina sa ospital bago kami pinauwi, simpleng lagnat lang daw, naibili ko na rin s'ya ng mga gamot. " paliwanag ko naman habang umaakyat kami sa marangya nilang hagdan " Teka!? Bakit nga pala kayo magkasama!? E, nasa medical mission s'ya kahapon pa!? " nagtatakang tanong ni Ate Luzy nang maalala siguro n'ya. Ipimaliwanag ko naman sa kanya ang katotohanan, s'yempre, minus na iyong may namagitan sa amin ng pamangkin ko. " Ganoon ba!? Mabuti na lamang pala at nandoon ka! Hindi raw b

