'' THE TASTE OF SIN '' By :" Ms. Alejos " MAGKAYAKAP na nakatulog ang dalawang nilalang matapos na pagsaluhan ang mainit nilang pag-iisa. Masaya si Raffy na kasama si Samantha nang mga oras na iyon, maging si Samantha ganun din naman ang nararamdaman, masaya sya na kasama nya si Raffy. Kahit mali eto, pero nararamdaman nya ang saya sa kanyang puso. Pasado alas-nueve nang gabi nang kapwa sila nagising. Kakaiba ang ngiting namumutawi sa labi ni Samantha. Parang napakagaan nang pakiramdam nya ngayon, kahit na may dinadala sya, eto kase ang kauna-unahang pagkakataong nagkausap sila ni Raffy nang maayos.. "Do you have some stuff here? Ako ang magluluto para sa ating hapunan.." wika ni Raffy.. "Wala eh.. Hindi naman ako namili. Ewan ko lang kung may laman ang Ref.." tugon na

