CHAPTER - #03

1872 Words
'' THE TASTE OF SIN '' By :" Ms. Alejos "     PASADO alas-otso nang gabi nang dumating si Raffy sa sinabing Restaurant ni Samantha, nakita nyang nakakunot ang noo nang dalaga nang dumating sya. Di naman sya late para magrect eto nang ganoon.. Lumapit sya at binati nalang eto..   "Hi! Kanina ka pa?" tanong ni Raffy..   "Medyo mga half-hour na ang nakakalipas mula nang dumating ako dito.." inis na sagot nang dalaga..   "Hhhhmmm.. Ganyan ka pala makipag meet ayaw magpalate, that's good.." wika nang binata..   "Saka ka na dumakdak pwede, umorder na tayo at nagutom ako kakahintay sa'yo.." si Samantha..   "Baka naman pwede huminga muna ako?" sagot naman ni Raffy..   "Okay no problem habang humihinga ka, oorder na muna ako ha.." sabay arko pataas nang kilay ni Hershey..   Kakaupo palang ni Raffy sa bakanteng silya nang tawagin naman ni Samantha ang waiter.. Agad ding lumapit eto at ibinigay ang kanilang menu.. Mabili na nakapamili si Samantha nang kakinin nya..   "What do you want to eat?" tanong nito sa lalaking kasama..   "Okey lang kung anong oorderin mo, makakain ko naman seguro iyon.." sagot ni Raffy..   "Waiter times two mo nalang yung order ko.. Thanks.." wika naman ni Samantha..   Habang naghihintay ang dalawa, di naman mapigil ni Raffy ang di kumuha nang mga larawan, madalas din nya nakawan nang shots si Samantha.. Nang makarating naman ang kanilang order doon naman tinuon ni Raffy ang kanyang pagkuha nang larawan.. Bawat inihain sa kanila'y kinukuhanan nya nang iba't-ibang anggulo..   "You don't have plan to eat? Kukuhanan mo lang ba yang mga yan..?" tanong naman nang mataray ni Samantha..   "Kakain na nga ako eh, naunahan mo lang sitahin.." sagot naman ni Raffy..   Habang kumakain di naman maiwasang sulyapan nang lalaki ang dalaga. Gandang-ganda sya dito, pwedeng pang laban sa isang contest kung tutuusin.. Yon nga lang mukang di kagandahan ang ugali nito.   "Ba't ka ba tingin nang tingin sa'kin?" hhaaaiiisssttt naiirita ako pag-ganyan ayokong tinitingnan habang kumakain ako..!" inis at madiin na wika ni Samantha..   "Ang arte talaga.." bulong naman nang lalaki saka itinuloy ang pagsubo nang kanyang pagkain.. Di naman nakalampas sa pandinig iyon nang dalaga kaya agad umarko ang kanyang kilay.   "Pasalamat ka at nasa harapan tayo nang pagkain dahil kung hindi kanina ko pa tinusok yang mata mo at labi mo nang tinidor..!" madiing wika ni Samantha.. Mahinang tawa lang ang isinukli ni Raffy dito, pinagpapasensyahan nya eto dahil may kailangan sya..   "Maiba ako, baka gusto mong kumito nang di naman kalakihan, sideline lang, kailangan ko nang modelo sa sasalihan kung photo gallery, baka pwede kitang maging modelo.." sa wakas ay nasabi din ni Raffy ang kanyang pakay sa dalaga..   Tiningnan naman sya nang dalaga. Pagkatapos ay isinubo ang nasa tinidor nitong gulay.."Pag-iisipan ko? Magkano ba ang ibibigay mo..?" tanong naman ni Samantha..   "Tatlong Cathegory kase yon, isang film, charcoal, at old pic.. Kapag ikaw ang model ko nang tatlong iyan, makakatanggap ka nang ten thousand free food and transpostation.." sagot ni Raffy..   "Ilang days matatapos yan..?" tila enteresadong sagot naman nang dalaga..   "Pinakamatagal na ang tatlong araw.. Payag ka ba..?" tanong ni Raffy muli..   "Papayag ako pero ako ang pipili nang oras kung kelan ako pwede.." sagot nang dalaga..   "Wow ang demandeng ha.. May attitude..!" parinig ni Raffy..   "Well di naman kita pinipilit, kung ayaw mo wala namang kaso sa'kin, and besides hindi ako ang nangangailangan, kundi ikaw!" marataray na sagot ni Samantha..   "Okay.. Ikaw ang pipili nang oras, wag lang naman hating-gabi.." sagot ni Raffy..   "At anong akala mo sa'kin walang planong matulog nang ganaoong oras?" pabalang muling sagot ni Samantha..   "Okay na wala na akong sinabing tama.. Akalain mo natapos tayo sa pagkain nang lahat tila galit ka sumagot.. Mabuti nalang at you have a sweet face kaya kahit dragona ka, di halata.." pagbibigay puri naman ni Raffy..   "I know that already no need to tell.." sagot ni Samantha.. Sabay inom nang kanyang tubig sa baso..   Nang matapos silang kumain, senenyasana naman ni Raffy ang waiter nang bill nila. Nang makita naman nang dalaga paglapit nang waiter agad eto nagpaalam na pupunta muna nang restroom.. Agad namang tumango si Raffy, pagsang-ayon sa pagpapaalam ni Samantha..   Nang makapasok naman nang restroom, lihim namang sinilip ni Samantha ang lalaki kung nakapagbayad na eto sa kanilang bill. Kaya lang naman sya nagpaalam para makalusot sya sa bayaran mamaya sabihin pa nang lalaki na 50/50 sila sa babayarab kaya umalis na muna sya doon. Bago sya lumabas sa kanyang pinagkukublihan, sinigurado nyang nakapagbayad na si Raffy nang kanilang kinain. Agad syang lumapit kay Raffy at naupo muli sa kanilang table nang makita nyang nag-abot na nang pera ang lalaki..   "Mukang ang tagal mo sa comfort room ah.." puna ni Raffy..   "None of your bussines kung matagal man ako doon.." sagot naman ni Samantha..   "Ganyan ka talaga makipag-usap noh.. Baka gusto mong sumama, may malapit na bar dito.. Bar hop tayo.." anyaya naman ni Raffy..   "Sure why not.. Akin na muna ang I.D mo.." sagot ni Samantha..   "I.D.. ?" takang tanong naman ni Raffy..   "Akin na dami pang sat-sat eh.." si Samantha..   Naguguluhan man ang binata'y kinuha nadin nya ang kanyang wallet at kinuha ang kanyang Voter's I.D., saka iyon ibinigay kay Samantaha..   "Raffy Fareedy.. 29 years old.." pagbasa ni Samantha. Saka kumuha nang kanyang cellphone at may tinawagan..   "Hi girl! May kasama nga pala ako.. Raffy Fareedy ang pangalan nya..( umpisa ni Samantha at ibinigay lahat nang impormasyong nasa I.D nang binata..) kapag may nangyari sa akin alam mo na kung sino ang kasama ko okay.." sabay paalam ni Samantha..   "Are you crazy? Anong akala mo sa'kin killer?" tila naiinis namang wika ni Raffy..   "Hindi ako ang may sabi nyan, kundi ikaw.. Let's go" sabay hila pa ni Samantha sa binata para lumabas na Restaurant na iyon.. Nang makalabas nang Restaurant.. Nagpalinga-linga pa ang dalaga.. "Nasaan ang sasakyan mo..?" tanong nitu..   Kaya naman ang lalaki nadin ang humila sa dalaga patungo sa dala nyang sasakyan..   "Dito.. Kung saan-saan ka lumilingon.." wika nitu. Dahil naka hills si Samantha, sa paghila nang binata sa kanya, napayakap sya dito.. "Ano ka ba? Magdahan-dahan ka nga.." sigaw nang dalaga dito..   "Hay ang bibig mo dahan-dahan lang.." si Raffy..   Matapos alalayan ang dalaga makapasok sa loob nang sasakyan saka naman sya pumasok sa loob, at binuhay ang makina nang kanyang sasakyan.. Matapos iyon tinungo na nila ang pinaka malapit na bar sa Eastwood.. Masayang-masaya si Samantha akala mo'y unang pagkakataon nyang makapasok sa ganoong lugar..   Lumapit sila sa isang bakanteng mesa at kumuha naman nang maiinom si Raffy para sa kanilang dalawa.. "Anong gusto mo..?" Tanong nang binata.. "Margarita on the scotch please.." sagot naman ni Samantha.   Umalis si Raffy para ikuha eto maging nang para sa kanya.. Habang nakaupo ang dalaga'y di nya maiwasang maindak sa sayaw natural isa syang dancer fashion din nya ang pag-indak.. Nakadalawang serve sya ng margarita, at nakihataw sa gitna nang dance floor. Palakpakan naman ang mga nandoon dahil sa angking galing nito sa pagsayaw..   Nang makaramdam nang konteng pagod lumapit eto kay Raffy at inagaw ang hawak nitong alak at tila tubig na ininom iyon.. Tila kung anong init naman ang gumuhit sa lalamunan ni Samantha, matapos iyon parang uhaw pa na nagsalin nang alak sa baso at muling tinungga iyon..   Nagsali uli sya nang alak, hanggang sa halos sya na ata ang nakaubos nang alak ni Raffy sa bote nitu.."Halika sumayaw tayo, ang borring mo naman kasama naka-upo kalang dito.. Let's rock on the dance floor.." sabay hila ni Samantha kay Raffy sa gitna nang bulwagan..   Nahihiya naman si Raffy dahil pinagtitinginan sila, mukang laseng na ata ang babaeng kasama nya.. Mabuti nalang at isang love song naman ang pinatotog sa loob, agad namang niyakap nang dalaga ang kasayaw..   "Uy babae lasing ka na ba? Iuuwi na kita, nakakahiya ka eh.. Wag ka magkalat dito.." bulong naman ni Raffy..   "Sira-ulo hindi ako lasing, nakainom lang.." sagot naman nang dalaga..   "Aba! Hindi pa nga lasing, mataray pa sumagot eh.." nakangiting tugon naman nang binata..   Di na nila natapos ang isang set nang togtog, naupo silang dalawa umorder uli si Raffy nang kanyang maiinom, nang dumating naman ang inorder nang binata kinuha agad nang dalaga ang isang bote nito at tinungga na parang balewala ang lasa nang alak..   "Tama na yan, baka malasing ka pa.. Di kita kayang buhatin.." wika ni Raffy..   "Malasing ka dyan, ala pa nga tayong naiinom eh.." tila bulol nang sagot nito kay Raffy..   Ngunit ayaw naman paawat nang dalaga kahit anong bawal ni Raffy dito. Panay ang tungga nang alak nitu.. Sabay sinasabayan nang pag-indayog nang katawan ang maharot na tugtugin. Sa paggalaw nang katawan ni Samantha, aksedente nya natapunan nang alak ang isang babaeng padaan sa kanyang side..   "s**t! Oh my God!" wika nang babae..   "Kung di ka ba naman tanga eh, sasanggain mo ang hawak kung baso.." mataray na sagot ni Samantha..   "Aba't ikaw na ang nakadisgrasya ikaw pang-- walang modo!--" wika nang babae kay Samantha.. Sabat tinalikuran eto..   "Sandali! Anong sinabi mo ako walang modo!?" singhal ni Samantha sa babae..   Hinawakan naman ni Raffy ang braso nang dalaga. Ngunit mabilis na inagaw iyon ni Samantha, sabay hataw sa pisnge nang babae..   Ppaakkk!!   "Ayan eh di walang modo ako ngayon..!" si Samantha, hindi naman nakaganti ang babae dahil maagap na hinawakan na nang ibang saksi para wag nang lumala pa ang pagka-initan nang dalawa.   Agad na inilabas naman ni Raffy nang bar ang dalaga.."Ano ba bitawan mo nga ako! Nag-eenjoy pa ako eh.." wika pa nito. Na halos mag ekis-ekis na ang paglalakad..   "Iiuuwi na kita, lasing kana oh.." si Raffy..   "Ah.. Ah.. Ah... Sinong lasing? Tingnan mo ha maglalakad ako dercho paku maglakad" sagot pa nitu na kunwa'y tumayo at naglakad nang tuwid. Ngunit dahil sa lasing na eto sa pag krus nang mga paa muntik pa etong mapatid, mabuti nalang at naagapang hawakan ni Raffy..   "Oh di ba..? Sabi ko sa'yo eh di pa ako lasing.." sabay yakap kay Raffy at halos nakapikit na ang mga mata nitu..   "Oo nga di ka pa nga lasing sa lagay na yan.." sagot naman ni Raffy.. Inalalayan nya eto na makapasok nang sasakyan, isinara nya ang pintuan niyon, at sya namang punta nya nang harapan para magmageho..   "Saan ang addres nyo.. Hoy! Babaeng lasenggo.." si Raffy. Ngunit walang sagot sa kanyang pagtawag..   Kanyang inulit ang pag tawag sa dalaga, tinatapik pa nya ang balikat nitu para magising, ngunit wala. Bagsak eto. Di naman malaman nang binata kung saan dadalhin eto, di naman nya pweding iuwi eto sa kanilang bahay. Masesermunan sya nang kanyang ina.   "Hay! Langhiya naman! Bakit kase uminom nang marami di naman pala kaya, ang yabang-yabang pa magsalita na hindi lasing.." pahaging ni Raffy sa natutulog na si Samantha..   Habang nag-iisip kung saan dadalhin ang dalaga. Nakakita sya nang isang hotel."Kung doon ko naman sya dadalhin baka maquestion paku, mukang patay na ang itsura nitu oh.." nakangiting wika ni Raffy kahit na namomoroblema..   Isang desisyon ang kanyang ginawa kung saan nya dadalhin ang dalaga. Wala na syang choice kesa iuwi nya ang babae sa kanilang bahay. Wala syang planong masermunan nang magulang. Gusto nyang dagukan ang babae, dahil inaawat naman nya eto kanina ngunit di nagpaawat at patuloy sa pagtungga nang alak.. Kaya tuloy sya ngayon ang namomoroblema..   >>>>>>>> TBC <<<<<<<< A/N Saan kaya sila papasok..hhhmmm?                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD