'' THE TASTE OF SIN '' By :" Ms. Alejos " KAHIT na ayaw sana ni Samantha na makaharap si Raffy, wala naman syang magawa kundi ang umakto at gumalaw na walang nangyari at di sila magkakilala nang lalaki. Katatapos lang nila nang hapunan, at kagaya nang nakagawian nasa maliit silang sala nag-tipon tipon.. "Anyway Raffy, matanong ko lang may nobya ka na ba?" tanong nang Don.. "Wala pa ho ninong, pero malapit na magsisimula na akong ligawan ang babaeng gusto ko.." lihim namang tumingin si Raffy kay Samantha.. "Aba iho apurahin mo rin at hindi kana bumabata, tumatanda ka na rin.." sagot naman ni Don Phillip.. "Hayaan nyo at bukas na bukas ay uumpisahan ko na rin ang panliligaw sa gusto kung babae.." muling sagot nang binata.. Si Paula naman ay

