CHAPTER - #01

1595 Words
'' THE TASTE OF SIN '' By :" Ms. Alejos "       KAKATAPOS palang nang kanilang rehersal sa studio ay, mainit na agad ang ulo ni Samantha.. Isa syang back-up dancer nang isang noon time show sa t.v.. Sa kasamaang palad ang noon time show na iyon ay nawala na sa ere. Kaya naman sya ngayon ay nahihirapang makibagay sa kung sino-sino dahil bago ang kanyang mga kasama.. "Wow ha! Ang eepal nang mga dancer's nyo na bago.." angal nya sa kanilang dance instructor.. "At nagsalita ang di baguhan.." pahaging din sa kanya nito.. "Baguhan ako sa show nyo, pero may pinanggalingan ako, kaya di na ako bago sa larangang eto!" mataray na katwiran ni Samantha.. "So totoo pala ang sinasabi nila tungkol sa'yo! May maganda ka nga attitude! Well good luck sa'yo.. Kung tatagal ka dito!" mataray na turan nang kanilang dance instructor.. "Well don't you worry wala akong planong magpaka buro dito sa lugar nyo.." sagot nang dalaga na ayaw magpatalo..   Kung minsan sinusukuan si Samantha nang mga kasama nitu, bukod kase sa pagiging mataray nito, kung umasta akala mo may pera, eh wala namang maipagmamalaki. Mabuti na nga lang at kahit papaano biniyayaan eto nang angking kagandahan.. Kadalasan din walang tumatagal na trabaho sa dalaga dahil sa pagka demandeng nito.. Nadaig pa ang isang Marian Rivera, o kaya Vilma Santos Recto sa kataasan kung umarte akala mo sya ang bida palagi sa lahat nang pupuntahan nya.. At kung manlait sa kanyang kapwa, sagad hanggang buto. Ilan lamang eto sa mga masasamang katangian nang dalaga.. Sya si Samantha Alejo.. Maganda, sexy, flawless.. Parang perfect na yata ang pisikal nyang anyo.. Kung gaano naman kaganda ang kanyang panlabas na itsura kabaliktaran naman yon nang kanyang ugaling Mapagmataas, Arogante, Gold digger, Mapagpintas, at sinungaling sa lahat nang sinunagling.. Sya din ang taong napakataas nang pangarap, halos di na maarok..     Ngunit pagdating sa kanyang trabaho, maasahan naman talaga si Samantha. Profesional eto, yon nga lang ang gusto nya halos susunod sa kanya, mataas ang pangarap ni Samantha ang makaahon sa kahirapan. Mabili ang lahat nang kanyang pangangailangan, masunod ang luho na tinatamasa nang may mga pera. Ngunit di nya eto makuha-kuha at maarok..   Dahil sa nangyaring engkwentro nila nang bago nyang dance instructor. Halos wala sa mood si Samantha nang hapong iyon. Sabay pang nasira ang kanyang hills habang naglalakad patungo sa abangan nang taxi. "s**t ka! Akala ko ba matibay ka ang mahal nang bili ko sa'yo.. tapos masisira kalang agad!" galit na hinagis ni Samantha ang kanyang hills sa kalsada, aksedente namang may dumaan na sasakyan. Sa lakas nang pagkakahagis nya nabasag ang bintana nang sasakyan.. Nabigla man sa pangyayari di naman sya nagpahalata. Agad namang huminto ang sasakyang tinamaan nang kanyang hills. Galit na lumabas nang sasakyan ang lalaki.. "Miss nasisiraan ka ba nang toktok mo?! Anong akala mo dito pag-aari mo ang kalsada? Bayaran mo ang nabasag mong salamin nang sasakyan!" galit na wika nito.. "Ako?? Ako ang magbabayad? Samantalang ikaw tong tatanga-tanga na hinarang ang sasakyan mo! Uy mister hindi mo ako maloloko sa style mo alam ko na yan!?" kahit medyo kinakabahan dahil alam nyang mali sya, lumabas parin ang tapang nang dalaga.. "Aba't ang laki din nang sira mo ah..!" sabay hinawakan nito si Samantha sa balikat at akmang hihilahin.. "Tulong! Tulong!.. Tulong!.." magkakasunod na sigaw ni Samantha, may nakita syang pulis na papalapit, kaya agad syang nagtatakbo dito.. "Sir tulungan nyo ako, ang lalaking iyan.. Pilit nya akong sinasakay sa kanyang sasakyan! " madrama pa nyang wika sa pulis na lumapit.. "Chief.. Hindi ho binasag nya ang salamin nang sasakyan ko kaya pinababayad ko sya sa danyos na kanyang ginawa..!" pangangatwiran naman nang lalaki.. "Sino ba sainyo ang nagsasabi nang totoo?" tanong nang pulis.. "Ako!" magkasabay na sagot nang dalawa. Umiling-iling naman ang pulis.. "Mas makakabuti sa presento nalang kayong dalawa tumuloy.." sagot nang pulis.. "Sir may hinahabol akong fashion show, kailangan kung magmadali dahil kung hindi, itatapon nanaman ako nang manager ko. Matitiis nyo bang mawalan nang trabaho ang kagaya kung isang kahig isang tuka?!" kunwa'y umiiyak pa si Samantha.. "Oh sya ibigay mo sa akin ang contak number mo nang sa ganoon, matawagan ka namin kung magrereklamo eto.." agad namang nagbigay nang number ang babae at nang may makitang taxi agad syang nagpaalam sa dalawang lalaki.. Kumaway naman ang pulis. "Bakit nyo sya hinayaang umalis? Hiniram ko lang tong sasakyan sa Ninong ko, patay ako nitu..!" reklamo naman nang lalaki sa pulis.. "Walang problema, magfile ka nang reklamo at tatawagan natin sya, nakita mo nang umiiyak ang babae eh. Sino ba ang papanigan sainyong dalawa na nagsasabi nang totoo? natural yung babaeng iyon.." sagot naman nang pulis.. "At paano naman ho kayo nakakasiguro na yan nga ang number nya? Nagdadram lang yon para makaalis at makatakas.." sagot naman nang lalaki.. "Oo nga noh.. Hindi ko naisip yon ah, bat di mo sinabi kanina yan..?" sumbat pa nang pulis..     Napasapo nalang nang ulo si Raffy. Nagpaalam na rin sya sa pulis.. Nang makasakay nang sasakyan nakita pa nya ang suot na sandals nang babae na nasa loob nang front seat nang sasakyan. "Naku siguraduhin mo lang babae ka hindi na magkakasalubong pa ang landas natin dahil kung hindi, magbabayad ka.." wika ni Raffy sa sarili.. Raffy Fareedy simpleng lalaki lang nabubuhay sa kanyang trabaho. Nasa middle class ang kanilang pamumuhay. Hindi mayaman hindi naman mahirap. Isa syang photographer. Ang pagkuha nang larawan ang kanyang hilig. Kahit na ang pamilya nya ay gusto nang ibang kurso para sa anak.. Dahil sa nangyari sa sasakyang kanyang hiniram hindi na muna nya eto dinala sa bahay nang kanyang Ninong bagkus, dinala nya iyon sa isang car shop para gawin.. "Oh anong nangyari sa sasakyan na yan pari?" tanong nang kanyang kaibigan.. "May tangang bumasag nyan kaya ganyan ang nangyari.." sagot naman ni Raffy.. "Di naman ganun kamahal ang isisingil ko sa'yo, alam kung di sayo yan eh..'' sagot naman nang kanyang kaibigan.. "Salamat pare. Wag ko lang, makakasalubong ang babaeng iyon dahil kahit babae sya, sasabunutan ko talaga.." wika pa ni Raffy.. Natawa naman ang kaibigan sa sinabi nang kaibigan..   Habang namumuroblema ang lalaki sa hiniram na sasakyan. Si Samantha naman ay nagawa nang tumawa kahit na nasira ang kanyang new hills.. Nakalusot sya, ang akala nya kaluboso talaga ang bagsak nya. Mabuti nalang at magaling syang mag drama, kung hindi tyak na magbabayad sya nang wala sa oras sa nabasag nyang salamin. "Sayang nong lalaki, gwapo sana tsaka may kotse.. Mayaman kaya yon? Mukha namang mamahalin ang sasakyan nya.." bukod tangging sarili lang nya ang kanyang kausap..   Matapos maibaba ang kanyang mga gamit kumuha sya nang malamig na tubig. Pinagpawisan talaga sya sa nangyari, naglakad pa sya nang nakatapak mabuti nalang at di ganoon kalayo ang kalsada sa kanyang apartment na tinutuluyan. Nagbukas sya nang kanyang، naghanap nang makakain kaso wala namang laman eto..   "Buhay nga naman.. Kelan ba mapupuno ang laman nito maliit na nga lang, di pa mapuno-puno nang masasarap na pagkain.." daing naman nya sa kanyang sarili..   Ulilang lubos na si Samantha. Maagang pumanaw ang kanyang ama, nasa grade school palang sya nang mamatay naman ang kanyang ina. Ang kanyang tyahen ang nagpaaral sa kanya at kumupkop sa loob nang ilang taon. High school lang ang kanyang natapos, wala na daw kaseng pera ang kanyang tyahen. Paano naman natotong umibig sa isang drag adik, kaya ayon huminto sya magkokolehiyo na sana sya. Nang dahil sa adik na lalaking sinusupurtahan nang kanyang tyahen naubos ang pananalapi nito.   Ayaw naman nya maging pabigat sa kamag-anak nya, kaya sa murang edad.. Sumasali sya sa kung anong pagandahang palaro.. Madalas naman sya manalo. Hindi sya umuuwing luhaan. Hanggang minsan nag-audition sya programa ni willie.. Nagustuhan sya ni willie kinuha syang dancer noon. Kaya lang ilang buwan lang din ang inalagi nya sa show, paano naman namaalam si willie pansamantalang natigil ang show nito..   Kaya sya back to tambay, ngunit di naman sya tamad, masipag syang maghanap nang trabaho. Pasalamat nalang sya at biniyayaan sya nang magandang katawan at magandang mukha kung hindi, baka namamasukan nalang din sya bilang kasambahay ngayon. Maswerte parin sya at nakaya na nyang tumayo sa sariling mga paa nya. Ngayon wala na sya sa poder nang kanyang tyahen.   May sarili na syang apartment na inuupahan. At para makaraos sa kanyang pang-araw-araw na pangngailangan, kadalasan naghahanap sya nang mabibingwet na lalaki sa enternet. Noong una puro pinoy lang ang kinakatagpo nya, kapag nalaman nyang wala etong datong, walang magarang sasakyan, walang magandang trabaho. Agad nyang binubura sa kanyang listahan. Pero syempre nakikisabay sya sa uso, hindi na sya pepetsugin ngayon, international naman na ang kanyang beuty foriegner naman ang gusto nya..   "Hey daddy! What are you doing now? Hhhmmm daddy you promised me last time when we talk you would send me money right? Still I'm waiting.." minsan kausap nya ang may edad na na kanyang ka-chat.. Pinangakuan sya nitu nang kung anu-anu..   "I'm sorry. But this is the last time that I'll talk to you, because my wife shes really mad at me.." sagot naman nang lalaki..   "Punyeta ka! Sabi mo byudo kana, sabi mo wala kanang asawa! Magsama kayo nang asawa mong amoy alkampor!" sigaw ni Samantha nang mga oras na iyon..   Matapos iyon. Agad nyang binura sa kanyang listahan nang kaibigan ang matanda. Pinaasa lang sya nito sa wala para kay Samantha. Kapag wala kang tatlong "P" wala kang puwang sa kanya.. 1.) PERA, 2.) PANGALANG SIKAT 3.) PROPERTY.. Kaya naman sa edad na biente-nueve wala parin syang asawa dahil para sa kanya hindi pa nya nakikilala ang lalaking para sa kanya.. >>>>>>>> TBC... <<<<<<<<              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD