'' THE TASTE OF SIN '' By :" Ms. Alejos " LILISANIN ni Samantha ang malaking bahay para makasama si Raffy, kaya naman ang tatlong araw nyang pamamalagi sa piling ni Don Phillip ay ginawa nyang kapaki-pakinabang sa pamilya nang Don. Maaga syang gumigising para magluto nang agahan, pinagsisilbihan nya ang asawa at maging ang anak nitu, ipinaglalabas nang damit ang Don kapag pumapasok na sa trabaho, sya din ang mismong naghahain nang pagkain sa hapag, mula agahan, tanghalian at hapunan. Nakikisama at nakikipaglaro sa magkapatid na Paul at Paula.. Isang araw nalang ang ilalagi nya sa malaking bahay, at ang maghapong ito, wala syang ibang inasako kundi ang pamilya ni Phillip. "Ma'am ang laki po nang pasa nyo sa braso oh..!" bati sa kanya nang isang kasambahay, habang naghahalo s

