Kabanata 2: Isang Pie sa Langit

1322 Words
Ito ay isang warren sa isang urban village, kung saan nakatira ang higit sa sampung mga scavenger at pulubi. "Yo, Joey, ang aga mong bumalik ngayon." Kung down ang isang tao, magmumukha siyang haggard. Si Joe ay 22 taong gulang lamang, ngunit dito, tinatawag siyang Joey ng lahat. Hindi natural na tumawa si Joe."Oo, walang masyadong bagay ngayon, kaya mabilis akong bumalik." "Well, parang konti lang, kalahating bag lang. Baka pansit lang ang kaya mong bilhin ngayon." "Oh, okay lang basta may pagkain ako. See you around." Pagpasok niya sa kanyang silid, hindi siya nagmamadaling ilabas ang bag, bagkus ay isinaksak niya ang bolt ng pinto, sumandal sa dingding at maingat na pinagmasdan ang sitwasyon sa labas mula sa bintana. Mabuti na lang at walang nag-alinlangan sa kanyang maagang pagbabalik. Kung tutuusin, hindi na kailangang kabahan si Joe, dahil kahit na hindi na siya bumalik, walang pakialam. Matapos ang halos sampung minutong pagkumpirma na walang abnormalidad, binuksan niya ang bag. Mayroong maraming mga bagay sa bag! May isang wallet, na naglalaman ng libu-libong dolyar na cash, ilang credit card, isang maliit na makeup box, at isang maselang maliit na kahon, kung saan naglalaman ng isang kuwintas na may isang pink na gemstone pendant. Nakaramdam ng kasiyahan si Joe. Sa perang ito, hindi na niya kailangang mamulot ng basura para mamuhay nang hindi bababa sa dalawang buwan! Nakita niya ang sariling naliligo nang komportable, bumili ng bagong suit, at pagkatapos ay magkaroon ng isang masaganang pagkain. Sa madaling salita, kailangan niyang i-enjoy ang sarili. Nagdesisyon siya at gagawin na niya ito. Pagpasok pa lang niya ng pera sa bulsa, may narinig siyang sumisigaw sa bakuran, "Labas na kayong lahat, bilisan n’yo!" Nanginginig si Joe sa takot. Baka may nakakita sa kanya na kumuha ng bag? Hindi pwede. Kahit medyo nag-aalala, matapang pa rin siyang lumabas. Maraming tao ang nasa looban. "Anong problema, Aaron?" Hawak ang isang dyaryo, tuwang-tuwa si Aaron, "Tingnan mo, may nawalan ng bag." "Tangina, eh ano naman? Araw-araw may nawawalang mga bag. Bakit kailangan mong gawing big deal ito?" "Oo, hindi ito malaking bagay, ngunit ang punto ay nag-aalok ang may-ari ng gantimpala na 100,000 dolyar upang mahanap ang bag. Narinig mo na ba ang tungkol sa ganitong uri ng balita dati?" "100,000? Nagpapatawa ka ba?" "Kung hindi ka naniniwala sa akin, tingnan mo para sa iyong sarili." Nagtipon ang lahat at nagbasa ng dyaryo. Oo, totoo iyon. Natigilan si Joe. Ang bag sa larawan ay eksaktong kapareho ng nakuha niya. Nakaramdam siya ng pagsabog ng lubos na kaligayahan. Siya ay kikita ng isang kapalaran, isang malaking kapalaran! 100,000 dollars, na nangangahulugang hindi lang niya "sususpindihin ang negosyo" sa loob ng dalawang buwan. Magagamit niya ang pera para magsimula ng maliit na negosyo at maging boss. Tila dumating na sa wakas ang pinakahihintay na "turnaround". Sa pag-iisip nito, hindi niya napigilang matawa. "Hoy Joey, anong tinatawa-tawa mo? Nakuha mo ba itong bag?" "Wala, hindi ako gano’n kasuwerte. Iniisip ko lang, hindi ‘yan totoo. Premyong 100,000 dollars para sa isang bag. Kapag nakuha ng isang tao ang bag at naibalik ito, hindi ‘yan aaminin ng may-ari." "Anong kinatatakutan mo? Kung hindi umamin ang may-ari, huwag mo na lang ibalik sa kanya ang bag." "At pagkatapos ay tiyak na tatawag siya ng pulis at ibabalik ang bag sa huli." "Sabagay, may sense ang mga salita ni Joey, pero dahil nai-post na ng may-ari, kahit hindi siya nagbibigay ng 100,000, may ibibigay siya sa finder. Kahit ilang libo ay hindi masama, kaya bilisan nating lahat. Tingnan natin kung sino ang masuwerteng makakahanap sa bag." "Huwag na kayong mag-aksaya ng oras. Hindi mo ba nakita ang address sa itaas? Nawala ang bag na ito malapit sa Aurora Road. Teritoryo ‘yan ni Andy." "Naku, hindi ko talaga nakita. Kung gano’n, dumating na ang suwerte ni Andy. Sana mapulot niya." "Ano ang ikinatutuwa mo? Bibigyan ka ba niya ng reward kung kukunin niya?" "Hindi tayo makakakuha ng kahit isang sentimos, ngunit hindi naman masamang humingi sa kanya upang bumili ng ilang bote ng alak para sa bawat isa sa atin." "Hindi rin. Balasubas ‘yang si Andy. Mas mabuti pang bumili na lang tayo ng mani." "Samahan na natin siya." Pagkaraan ng ilang sandali ay nag-dismiss na ang lahat. Itinago ni Joe ang bag sa ilalim ng kama at nilagyan ito ng mga palpak na gamit. Sa sumunod na dalawang araw, hindi niya nakitang bumalik si Andy. Tinawag siya ni Aaron, ngunit hindi siya makalusot. Di nagtagal, may nakarating sa konklusyon. Dapat ay kinuha ni Andy ang bag, at pagkatapos ay nakuha ang 100,000 dolyar. Dapat ay naalis niya ang mga mahihirap na lalaki, at nadulas. Nainis ang lahat na wala silang ganoong suwerte, at pagkatapos ay sinumpa nang husto si Andy. Wala silang magawa kay Andy, at mamumulot lang ng basura gaya ng ginawa nila.  Ganun din si Joe, maagang umaalis at late na umuuwi gaya ng dati, sa takot na mapansin na baka may makakita ng mali sa kanya. Pagkaraan ng ilang araw pa nang maramdaman niyang nakalimutan na ng lahat ang balita, inilabas niya ang bag sa kalagitnaan ng gabi, tinakpan ng kubrekama ang kanyang ulo, at maingat na tiningnan ang bag gamit ang ilaw ng kanyang mobile phone. Sa pagkakataong ito ay may bago siyang natuklasan. May nakita siyang ID card sa wallet. Ito ay isang bata at magandang babae na nagngangalang Nicole, edad 20, at nakatira sa isang villa area sa lungsod na ito. Sa madaling salita, siya ay isang maputi, mayaman at magandang babae. Agad siyang bumuo ng mga imahe tungkol dito. Ma-love at first sight kaya sa kanya ang dilag na ito bilang pasasalamat? Papakasalan ba siya nito bilang pagtanaw ng utang na loob? Siya ay 22 taong gulang at ang kagandahang ito ay 20 taon. Pareho silang nasa legal na edad para magpakasal. Siguro ito na ang kanyang kapalaran.  Habang iniisip niya ito, lalo siyang nasasabik. Sa wakas ay nagpasya siyang makipag-ugnayan sa babae sa sumunod na araw upang simulan ang "nakatakdang kasal" na ito sa lalong madaling panahon. Hindi man niya kayang pakasalan ang dilag, at least puwede siyang magkapera, para hindi siya malugi. Pagsapit ng madaling araw, maingat na nagbihis si Joe, sinuot ang kanyang pinakadisenteng damit at idinayal ang contact number na nakasulat sa pahayagan. Agad niyang narinig ang boses ng isang matandang lalaki. "Hello, this is Barret from the Andrew Family. Sino ito?" Natigilan si Joe. Bakit lalaki ang sumagot sa telepono? Siya ba ang ama ni Nicole? Ngunit ang boses ay tunog ng hindi bababa sa 60 taong gulang, at si Nicole ay 20 taong gulang lamang. Medyo malaki ang agwat ng edad. Siya ba ang lolo niya? Ngunit hindi magkatugma ang edad. Maling numero ba ang tinawagan niya? Naisip niyang ibaba na lamang ang telepono. Pero hindi niya ginawa. Well, sinabi na niya lang ang kanyang intensyon. "Nahanap ko na ‘yung bag." Nagulat si Barret sa narinig. "Talaga? Ang galing, nasaan ka? Hahanapin kita agad." Nakahinga nang maluwag si Joe, at tila hindi siya nakatagpo ng maling tao. "Huwag kang magmadali. ‘Yung reward na binanggit mo..." "Sir, don't worry. Hangga't walang nawawala sa bag, makukuha mo ang perang nabanggit namin." "Wala namang nawawala. Huwag kang magsisinungaling sa akin. Naka-record ang usapang ito." "Please rest assured, sir. The Andrew Family would never go back on our words." "Mabuti kung ganoon. Puntahan kita, see you later." "Ipadala mo sa akin ang iyong address at pupuntahan kita kaagad." "Hindi, pupuntahan kita mag-isa." "Alam mo ba ang address namin?" "Hindi ba ito ang address sa ID card niya?" "Iyan ang address ng lumang bahay ng Andrew Family. Ipapadala ko sa iyo ang bagong address." "Sige." Hindi nagtagal, natanggap ni Joe ang bagong address. Natigilan siya nang makita ang lokasyon. Dahil iyon ang pinakamarangyang residential area sa lungsod- Everest Manor! Isang manor ang kumakatawan sa isang pamilya, na lubhang marangya. Sinasabi na ang presyo ng alinmang manor ay higit sa 100 milyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD