Kabanata 21 : Inevitable
Celestia's Point of View
“Zacchaeus, what's this?” I asked almost whispering.
He stopped brushing his hair and answered me.
“It's a mark.” He said shortly. Nanatili akong nakatingin sa marka.
Its black ink looks so majestic forming a half wing.
“Why it's just a half?” I asked. He stopped for a moment and faced me. He looked at me gently before helding my hand and pulling it closer to his. Embracing me in a very warm hug.
I suddenly felt nervous. Kumalabog ang dibdib ko ng hindi siya magsalita at bagkus ay hinigpitan pa ang yakap niya sa akin.
“W-What's wrong?” I stammered. Napalunok ako at sinubukang tumingala para tingnan siya.
“I...” He sighed deeply. Mas lalo akong kinabahan. Anong problema? “I'm gonna tell you later.”
He sighed before pulling away from the hugged and kissing my forehead.
“Magbihis ka na. Baka magkasakit ka pa.” He said and smiled. Hinigit niya ako paahon sa ilog. Nagbihis ako sa loob ng tent at lumabas.
I'm bothered. Nakakabahala ang kinilos niya. Is that mark special? May kinalaman ba iyon sa pagkatao niya? Sa enchant niya?
Nagsimula kaming kumain. They're happy talking how fun the mission is...i silently eat while listening to them.
“Pwe! Ang pait naman nito Aramis. Akala ko ba masarap kang magluto?” Nakangiwing tanong ni Noe habang dinudura ang sunog na karneng nakain niya mula inihaw nila Aramis at Tyson.
“Malakas ang apoy.” He said. “Masarap naman ah?” Takang tanong niya habang sumusubo ng iniluto niya.
“Tama! Ang sarap kaya. Tsk. Hindi lang kasi kayo marunong mag-appreciate nang—” Naputol ang mhabang sinasabi ni Tyson ng pasakan ni Sean ang bunganga niya ng kanin.
“We're eating. Manners please.” Nakasimangot na saad ni Vito. Nanahimik naman kami at nagpatuloy sa pagkain. Sina Geordi ang naghugas ng plato sa may malapit na bukal. Ang iba ay nasa tent na.
Sa unang tent ay sina Vito, Zac, Branwen, Sean at Noe.
Sa pangangalawa ay sina Beau, Tyrio, Sage, Tyson at Soren.
Samantalang kami nina Geordi, Aramis at Zacchaeus sa pangatlo.
Narinig ko ang halakhakan at asaran sa tent nina Soren. Napailing ako. Mga isip bata talaga, dumaan naman ang tingin ko sa katabi nitong tent. Tahimik at patay na ang flashlight sa tent nina Noe. Ang mga matatanda. Napangisi ako sa naisip. Indeed, they're a buch of weird hot guys.
Umupo ako sa isang kahoy malapit sa apoy. The fire dances along with the wind. Pumulot ako ng isang maliit na kahoy at hinagis sa apoy. The fire quickly burned the small wood. Turning it into ashes.
“Hey.” Natauhan ako ng may tumawag sa akin. I quickly averted my gaze as he sat next to me.
He buried his face to my neck like what he always does. Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa apoy.
Silence took the whole place at ang tanging maririnig mo na lang ay ang mga hilik ng mga taong natutulog sa loob ng tents.
Naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Zacchaeus sa bewang ko. He place it there like he owns it.
Tumingin siya sa mata ko at malungkot na ngumiti. “The mark...it's inevitable.”
Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Kumalabog ang puso ko ng makita ang kaseryosohan at lungkot sa mukha niya.
“Ang kalahati ng pakpak na nakalagay sa likod ko ay nasa likod ng...Enchantress.” Napalunok ako sa sinabi niya. “I...i am bound to be with her. To marry her but...”
He stopped when his voice cracked. Humikbi ako at agad na pinunasan ang luhang tumulo.
“The prophecy itself said that i should only marry the Enchantress.” Mas lalong tumulo ang luha ko sa sinabi niya.
All this time...kahit na mahal namin ang isa't-isa, we can't be together. I smiled bitterly. Yeah right, ano nga namang magagawa ko kung Enchantress na ang pinag-uusapan, kung ang kauri na niya ang pinag-uusapan.
Nagtaas baba lalo ang balikat ko ng higitin ako ni Zacchaeus at yakapin ng mahigpit.
“Hush. You don't have to cry. I'll only marry you.” Saad niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.
He kissed my hair and tightens the hug. Hindi ko alam kung anong nangyari matapos iyon lero nagising na lang ako ng madaling araw. Madilim pa.
Pinakiramdaman ko ang paligid. I want to move pero may nakadagan sa akin. Tiningnan ko ang tiyan ko at nakita doon ang kamay ni Zacchaeus na nakayakap. I turned around and saw a man sleeping peacefully.
Nakaunan ako sa isang braso niya at nakayakap naman ang isa sa akin. I smiled and admired his face.
Hia long eyelashes, straight nose, chiseled jaw and plump lips. It will always be a temptation to me. I licked my lips unconsciously and blink twice before closing my eyes.
We may looked like a couple but...i sighed. Go with the flow, Celestia. I said to myself. I buried my head into his chest and returned him the hug.
Ahh. I felt comfortable. How i wish it'll always be like this. No more problem or inconvenience.
Nagising ako ng may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko. I slowly opened my eyes revealing Zacchaeus face.
“Morning baby.” He huskily said. I gave him a small smile as he kissed my forehead and continue brushing my hair.
“Morning.” I greeted. Ngumisi siya sa akin at hinapit ako para yakapin.
“Felt comfortable between my arms?” He jokingly said. I let out a soft chuckle and hit his chest.
Ang tigas! Omg. Don't get me wrong. I mean his chest.
We stayed like that for a moment nang biglang may sumigaw.
“Gising naaa! Tent ng mahaharot!” Sigaw ni Tyson habang kinakalampag ang kaldero. Napabangon kami bigla.
“Omg! Nasaan?!” Napabalikwas si Geordi sa pagkakahiga habang si Aramis naman ay inis na bumangon.
“Hayop na Tyson.” Saad niya at padabog na lumabas ng tent. Sumunod sa kaniya si Geordi na nakabusangot din ang mukha.
“Let's go?” Tanong ni Zacchaeus. Tumango ako sa kaniya at tumayo na. “I'll frigging break Tyson's neck.” Mariing bulong niya. Natatawa akong lumabas ng tent.
Lahat sila ay nagkakagulo. Si Zacchaeus ay inis na binatukan si Tyson habang nasa likuran naman niya si Aramis na nakapulupot ang braso sa leeg ni Tyson.
“S-Sean! Tulong...” Natatawang saad nito kahit na nakasakal sa kaniya si Aramis.
Lumapit ako kay Zac na nagluluto. “What are you cooking?”
“Itlog.” Simpleng sagot niya. Kumunot ang noo ko.
“Huh? Eh bakit may...ano yan? Asukal?” Tanong ko. Dumutdot ako sa may bowl na katabi ng binabati niyang itlog at agad na tumingin sa kaniya. “Asukal ang inilahok mo sa itlog?!”
“Ah...eh sabi ni Noe! Siya naman ang nagabot sa akin nito eh.” Ngumuso siya sa akin. Sakto naman na dumating si Noe na nakakape.
“Zac tikman mo 'to. Maalat na pala ngayon ang kape?” Inosenteng tanong niya habang inaabot ang tasa ng kape sa amin.
I sighed in frustration. Talaga naman!
“Hay! Ako na ang magluluto.” Saad ko at pumalit sa pwesto ni Zac. Tinikman ko ang binate niyang a itlog.
Ang tamis! Anong klaseng umagahan to? Napailing ako. Kumuha ako ng toyo at inilahok ito sa itlog na may asukal.
“Hala! Bakit mo nilagyan ng toyo?” Tanong ni Tyrio. I hushed him.
“Hindi ba yan patis?” Tanong ni Noe na nanoood sa amin.
“Toyo yan!” Sabat ni Soren. Ipinagpatuloy ko ang pagluluto. Nang matapos ay naghanda na sila ng pinggan at kumuha ng kanin.
“Ang sarap!” Saad ni Branwen. Tumango ang iba sa kaniya at ngumiti sa akin.
“Pwede na talagang mag-asawa.” Saad ni Sage.
Natutunan ko iyong itlog na may asukal at toyo kay yaya. Masarap iyon kaya ilang ulit kong ginaya. Hanggang ngayon hindi pa din nakakasawa.
Matapos kumain ay nagsimula na ulit nilang likumin ang tent. Ilang oras mula ng maglakad kami para hanapin si Georgiana ay balisa sina Zac.
“Hoy! Natatae ba kay—” Naputol ang sinasabi ni Beau ng takpan ni Sage ang bibig niya.
“Bak—” Tumahimik ako matapos sensyasan ni Zacchaeus. Pinalapit niya ako lay Geordi kaya nagtaka ako.
“Just follow me.” He mouthed at me. Tumango ako at lumapit kay Geordi. Hinawakan niya ang siko ko at itinabi sa kaniya.
“Nasundan tayo...” Bulong ni Noe. Agad niya kaming hinarangan na para bang pinoprotektahan.
“Hey, Soren. Pagalawin mo ang mga puno.” Tumango si Soren kay Zacchaeus. Maya-maya ay bahagyang umalog ang mga puno. Nakarinig kami ng ilang yabag ma para bang may mga nalaglag.
“s**t. Walang kikilos ang dami nila.” Saad ni Sean.
“Tyrio, stop their time for seconds. Soren, make sure na nakalayo na dito sila Celestia. Vito when the time stops dalhin mo ako sa taas. Zac kayo na bahala sa baba.” Pabulong na saad ni Zacchaeus. Napalunok ako ng hawakan kami ni Soren sa braso.
“Tyrio, now.”