Kabanata 16 : Hold me tight
Celestia's Point of View
Inis kong ibinaba ang baso at tumingin sa orasan. Anong oras na? Wala pa rin si Geordi.
Where the hell is she? Swear. Kung itatanan niya man si Aramis I'm sure na magpapaalam iyon sa akin!
Past eight na ng bumukas ang pinto tumayo ako at tiningnan si Geordi.
Agad ko siyang binatukan. “Anong oras na? Bakit ngayon ka lang?”
Nagpeace sign siya sa akin at agad na ibinaba ang bag sa kama niya.
“Nagdate kami ni Aramis.” Humagikhik siya at agad akong pinaghahampas. I rolled my eyes to her.
“Kahit na! Gabi na kaya.” Singit ko. Pinagsabihan ko siya pero agad din iyong natigil ng may ilabas siyang cake sa bag niya.
She really know how to shut me up, huh?
Agad ko iyong kinuha at kinain. Tumawa naman siya at inasar ako.
“Musta na kayo ni Zacchaeus?” Tanong niya. Ngumiti naman ako sa kaniya matapos mahugasan ang mga pinggan.
“Still the clingy—” Naputol ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong status namin ngayon.
Boyfriend? Friend? Brother? Classmate? Friend with benefits? Daddy? I don't know!
“What? Boyfriend?” Tanong niya umiling ako at umupo sa kama.
“N-No. He's not my boyfriend.” Utal kong saad. I didn't even know id he's courting me or will he he court me?
She looked at me in disbelief.
“Eh ano yung mga galawan niyo?!”
“Ewan.”
“Nako Celestia. Mahirap yan, walang commitment. Meaning wala kang karapatan sa kaniya.” Umiling-iling siya at agad na nagpunta ng banyo para magbihis.
Mas lalo akong hindi nakatulog. It really bothers me. No commitments. Wala nga akong karapatan.
Pati iyong mga sinabi ni Noe. Napatayo ako ng may maalala. The light ball accident. How come na hindi man lang ako nasaktan? I mean, tumalksik ako, oo pero ni wala akong naramdaman na kung ano.
Napatingin ako kay Geordi na ngayon ay mahimbing ng natutulog. Nagsuot ako ng jacket at kumuha ng flashlight.
I want to unwind. Masyadong magulo ang isipan ko.
Lumabas ako sa dorm. Buti na lang at walang night rules dito. Pumunta ako sa may benches at doon naupo.
The cold breeze brush my face. Thank god at maliwanag dito. I looked at my shadow. I sighed and closed my eyes.
Sobrang gulo. Napaka-gulo ng sitwasyon ko ngayon. Ngayon lang tumatak sa isip ko ang sinabi ni Noe.
I shouldn't trust anyone dahil baka ako lang ang masaktan sa huli. Does it have any connection with Zacchaeus?
Inis akong nagmulat at bumuntong hininga. What really is my role here? Aalis na sana ako ng muling mapatingin sa anino ko.
Weird.
I almost jumped out ng may humatak sa akin.
“Hush.” I know this voice. Napatingin ako kay Zacchaeus.
“What are you doing here?” Tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.
“I should be the one asking you that, Miss?” Umupo ako at tumabi siya sa akin.
“I can't sleep.” Saad ko. Uneasiness hit me.
“Why?” Tanong niya at hinapit ako papalapit sa kaniya. He hugged me tightly. Taking away the coldness of the wind.
“It's just that masyado akong maraming iniisip.”
“Baka mabaliw ka. Lessen the thoughts.” Tumawa siya kaya hinampas ko siya.
“I'm serious. Bakit ka nandito?” Tanong ko. Gumalaw siya at hinigpitan muli ang kapit sa akin.
“Nakita ka.” Maikling sagot niya. Ngumuso ako at tumingin sa kaniya.
“Hindi ka din makatulog?” Tanong ko. He shooked his head.
“I heard you.” Bulong niya. We stayed like that for a moment nang maramdaman kong dinampian ako ng halik ni Zacchaeus sa pisngi.
“Don't think too much.” He wworriedly said. Pinaharap niya ako sa kaniya bago ako halikan.
It was a very slow kiss. Napapikit ako sa naramdamang sensayson. Namumula ko siyang itinulak at niyakap.
Mahina siyang natawa at hinalikan ang buhok ko.
“Whatever happens please stay by my side, okay?” Tumango ako sa tanong niya.
“Bakit mo ba yan sinasabi?”
“Lumabas na lang sa bibig ko.” Iginala niya ang tingin niya at maya-maya ay itinuro ang bintana ng dorm nila na may ilaw pa. “They're playing.”
“What?”
“Naglalaro sila inaasar nila si Aramis.” Tumawa siya at inilapit ang ulo niya sa akin.
“Let's sleep?” Tanong niya at tumayo na. Inihatid niya ako sa may dorm room ko at agad na hinalikan. Namumula ako pumasok sa may kwarto namin.
Nakatulog agad ako. Nang mag-umaga ay nag-ayos na kami ni Geordi.
Masyado siyang excited na makasama ang so-called-suitor niya. Sinundo siya nito kaya nagmukha akong third wheel.
“Kumain ka na?” Rinig kong tanong ni Aramis. Umiling si Geordi kaya naman hinigit siya ni Aramis sa cafeteria.
Di man lang nagpaalam. Umiling ako at pumunta sa may room. Wala pa masyadong tao dahil maaga pa sa langgam akong ginising ni Geordi.
That girl! Minsan talaga napapaisip ako kung kaibigan ko ba talaga yun. Tama ba namang abalahin ako para magpaayos ng buhok. Like duh! Hindi ako hairstylist. And do i looked like one?
“Goodmorning.” Nagulat ako ng halikan ako ni Zacchaeus sa labi. He grinned and seat next to me.
“Tsansing ka na!” Saad ko. He smiled and ruffled my hair bago ako higitin papuntang cafeteria.
Nakita ko doon sina Zac at ang iba. Nandoon din sina Aramis.
“Papatabain kita.” Inirapan ko si Zacchaeus at hinampas. True enough dahil pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa table ay mayroon na agad tray ang nandoon para sa akin.
I glared at Zacchaeus he just smiled at me. Damn! Wag mo akong gamitan ng charms mo.
“Kahiya naman sa mga love birds dito.” Parinig ni Sage. Binatukan siya ni Beau.
“Sige parinig pa.” Umirap ito at ngumuso sa akin. “Did you know? Sa labas ako ng dorm natylog kagabi.” Saad niya at tumingin kay Zacchaeus.
Napatingin din ako kay Zacchaeus na ngayon ay busy sa pagkain.
“Kasalanan mo.” Natatawang saad nina Tyrio.
“Anyare?” Tanong ni Geordi.
“Naglaro kami. Natalo si Beau kaya sa labas siya natulog.” Paliwanag ni Branwen.
“Tsk. If i know lang na pinlano niyo yun!” Reklamo ni Beau sabay tingin ulit ng matalim kay Zacchaeus.
“Anong tinitingin-tingin mo kay Zacchaeus?” Tanong ko. Sumimangot si Beau sa akin.
“Selos ka naman? Eh siya nga ang dahilan kung bakit sa labas ako natulog.”
“Tsk. You hurt my Celestia.” Agad kong hinampas si Zacchaeus sa sinabi niya.
“You don't do that.” Umirap siya at sinubuan ako ng kanin.
“Magpataba ka na lang.” Saad nito. Nag-ubuhan naman ang mga nasa table namin.
“Nakakaumay.” Bulong ni Sean.
“Alam mo kung paano mapataba ng mabilis si Celestia?” Napatingin kami kay Soren. Ngumisi siya sa amin. “Lagyan mo ng sperm—”
“Bastos na bata!”
“Eewwww!”
“Nga naman.”
“s**t ka nakain kami!”
“Ano yun? Sperm cell?” Inosenteng tanong ni Noe. Napahampas sa ulo sina Zac habang ako naman ay namumula.
“Tss. Mahiya nga kayo.” Saad ni Zacchaeus at nahihiyang nag-iwas ng tingin.
Napailing naman Sina Aramis at tumawa.
“Wag muna masyado pa kayong bata! Saka na kapag nag 19 si Celestia. Remember to use protection.” Tumawa sina Sage. Umirap ako sa kanila. Damn! Nakakahiya, naalala ko yung halik kagabi.
Kinalabit ako ni Zacchaeus. Nahihiya ko siyang tiningnan.
“Don't mind them.” Bulong niya. Tumango ako itinuloy ang pagkain kahit na medyo naiilang ako dahil kulay...puti yung kinakain ko. Brrrrr.
Nang matapos kumain ay nagkahiwa-hiwalay na kami para magtrain.
“Kadiri ka talaga Soren.” Inis na sabi ni Beau. Tumawa naman si Soren at ngumisi.
“Atleast hindi ko tinuloy.” Saad nito at tumingin kay Noe na inosenteng naglalakad.
Napailing ako sa kanila. Mga loko-loko talaga.
Iba naman ang ginawang routine ngayon. Pinagrelax muna kami habang nakaupo. Pinakalma kami ni Zac at sinabing wag mag-isip ng kung ano.
Pumikit ako at nagconcentrate. Breathe in. Breathe out. Breathe in. Breath—
“Ambaho putek!” Agad kaming nagsitayuan ng sumigaw si Soren.
Tinakpan ko ang ilong ko at lumayo sa kanila. s**t! Ang baho.
“Magbanyo ka nga Sean.” Bulyaw ni Beau.
“Langya nakakamatay ang utot mo!” Sigaw ni Tyson.
“Ang babastos talaga.” Bulong ni Zac na nakatakip pa din sa ilong.
Naghagikhikan naman ang mga babae.
“Natuwa pa.” Bulong ko at umismid. Sino ba naman kaseng matinong tao ang matutuwa kung maglabas ng mabahong hangin ang katabi mo? Langya.
Nagpagdesisyunan namin na magkanya-kanya na lang. Humiwalay ako sa bilog nila ganoon din si Noe at Zac. Kanina kasi ay nakabilog kami.
Pero dahil sa mahiwagang utot ni Sean ay hindi na natigil sa kadadaldal ang mga bunganga ni Beau at Tyson. Hot topic pa din.
Umupo ako malapit kina Noe at doon pumikit.
Don't think of anything. Nakaupo lang ako doon ng matagal hanggang sa biglang nag-iba ang temperatura.
Biglang lumamig pero naisip kong baka nasa paligid lang si Sean. Huminga lang ako ng malalim at maya-maya ay naramdaman ko naman ang preskong hangin.
Nagmulat ako dahil akala ko ay nandyan si Zacchaeus pero wala akong nakita. Baka naman hangin lang talaga?
Umiling ako at muling pumikit. Maya-maya ay nakaramdam ako ng mainit sa katawan ko kaya naman agad na akong tumayo at pumunta sa may mga bag namin para kumuha ng tubig.
Weird. Hindi naman ako nauuhaw pero bakit biglang uminit ang pakiramdam ko? Ngumiwi ako ng maalala na gala nga pala si Sage at hindi iyon mapipirmi sa isang lugar lang kaya baka nandito yun. Malamang ay sa kaniya nanggaling ang init pero...bakit ko naman yun mararamdaman sa loob ko?
Umupo na lang ako doon at tiningnan sila. Nagulat ako ng may kumagat sa tenga ko.
“Nang gugulat ka naman!” Reklamo ko kay Zacchaeus. Ngumiti siya at naupo sa tabihan ko.
“Bakit nakaupo ka lang?” Tanong niya. Ngumuso ako at tumingin sa kaniya.
“Eh' bakit ka nandito?” Balik kong tanong. Tumingin siya sa akin.
“Wala lang.” Umirap ako sa sagot niya.
“Adik ka no?”
“Hmmmm. Sayo.” Hinampas ko ang balikat niya. Paniguradong iirapan kami nina Tyson at Tyrio kapag narinig nila ang mga sinasabi nito.
“Corny mo.”
“Mahal mo naman.” Pumula lalo ang pisngi ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Inasar niya ako at sinundot ang tagiliran. “Naks, kinikilig siya.”
Ngumuso ako sa kaniya. This guy...urghhhh.
“Tara?” Maya-maya ay tanong niya. Taka ko siyang tiningnan.
“Saan? May training tayo.” I pointed out. Humalukipkip siya at tiningnan ako habang nakangisi.
“Hindi yan. Date tayo sa bayan.” Saad niya at hinigit ako bago damputin ang bag ko.
“Hoy! Baka mahuli tayo o kaya mapagalitan.” Hinihigit ko siya pabalik pero dahil sa sobrang tigas ng katawan niya ay ako lang din ang nasasaktan kada hampas ko.
He grabbed my hands and intertwine it to his while looking at me.
The fast beating of my heart increased as he smiled at me. I shooked my head and let him grabbed me.
“Can you jump?” Tanong niya tingnan ko ang pader at agad akong napaatras.
“Papatayin mo ba ako?!” Kinurot ko siya sa tagiliran niya sa inis. Kung tatakas kami at ganito lang din ang tatalunan ay huwag na!
“No choice.” Saad niya. Bigla na lang umangat ang lupa na kinatatayuan namin kaya agad akong napakapit kay Zacchaeus. Hinawakan niya ako sa bewang at hinapit ng mahigpit.
“Patay ka sa akin kapag ako nalaglag dito!” Tili ko habang nakapikit. Balak ko pa sana siyang kurutin pero baka mawala siya sa concentration sa pagpapagalaw ng lupa.
Tumawa siya at nagsalita.
“Hold me tight, baby.” Namula ako at hinampas na siya. Nalula agad ako ng makitang kasing taas na ng pader ang kinatatayuan namin. Agad niyang itinaas ang kamay niya at may umangat na bahagi ng lupa sa kabilang pader. Humakbang siya doon at agad na naglahad ng kamay sa akin.
“Let's go?” Tanong niya. Agad kong kinuha ang kamay niya at tumalon doon sa lupang kinatatayuan niya. Kahit na takot ako ay hindi ko maipagkakaila na masayayng-masaya ang loob ko.
This will be our first date.