Kabanata 17 : Simple
Geordi's Point of View
“Here...” Ngumiti ako at tinanggap ang towel na inilahad ni Aramis.
“Ka-bitter.” Bulong ni Branwen sa gilid namin.
“Sus! Edi maghanap ka ng babae.” Nakaismid na saad ni Sage. Umirap naman si Tyrio.
“Desperado kayo.” Saad nito.
“I'm tired.” Vito said while walking towards us. The boys sighed as they looked at the whole room.
A disaster.
“Kawawa ang maglilinis dito mamaya.” Tumango kami sa sinabi ni Sage.
“Grabe naman kasi si Zacchaeus!” Reklamo ni Tyrio.
“Nasaan na yun?” Tanong ni Aramis. Nagkatinginan sila bago tumingin sa kabilang side ng training room.
Nahagip ng tingin ko si Mia. Inirapan niya ako bago tumalikod.
“Maldita.” Bulong ko. Pinitik naman ni Aramis ang noo ko.
“Parang siya hindi.” Ngumisi siya at tumayo. “Tumakas yun. Puntahan natin sa field.”
Naglakad na kami papunta sa field kung saan nagt-training ang iba.
Hingal pa din sina Vito at Tyrio. Masyadong ginaganahan si Zacchaeus kaya napakabilis ng galaw niya kanina. 1 versus 9 ang nangyari. Lahat kami halos maglupasay na. Pinapatamaan siya ni Sage ng fire ball pero agad iyong bumabalik dahil sa hangin niya. Si Vito naman ay sinubukang kontrolin ang anino niya, magagawa na sana namin yun kung hindi lang umangat ang kinatatayuan niya. Salamat na lang at kayang lumipad ni Vito. While Branwen and Tyrio teamed up. Napapatigil ni Tyrio ang oras pero hindi sapat ang limang segundo para mapatamaan ni Branwen si Zacchaeus. Ang mga babae naman ay parang pinoprotektahan pa si Zacchaeus. Tch.
Pinalibutan ko ng bato ang paa ni Zacchaeus, turns out na sayang lang din dahil Earth manipulator siya.
Nang makarating kami sa field ay nakita namin sina Tyson at Beau na nagkekwentuhan habang nakaupo sa damuhan. Sina Zac, Noe, Sean at Soren naman ay nakaupo din pero nakapikit. Ang mga babae naman ay ganoon din. Kumunot ang noo ko nang hindi makita si Celestia.
“Nasaan ang dalawang yo'n?” Tanong ni Branwen.
Lumapit si Sage kina Beau at nakisali sa daldalan ng dalawa.
“Zac, nasaan si Celestia?” Tanong ko. Tumayo sila at tumingin sa paligid bago nagkibit balikat.
“Baka kasama si Zacchaeus.” Saad ni Noe. Tumango naman sina Soren.
“Eh saan pupunta ang dalawang yon?” Tanong ko. Nakita ko ang pag ngisi ni Soren kaya agad siyang binatukan ni Aramis.
“Kung ano na naman ang nasa isip mo!” Saad ni Aramis.
“Kayo nga diyan ang nag-iisip ng malaswa! Ngumis lang kaya ako.” Pagtatanggol bi Soren habang natawa.
Umirap naman sina Tyrio sa kaniya. Nakarinig kami ng halakhakan kaya napatingin kami sa padating.
“Grabe! Kung naamoy mo lang yung utot ni Sean.” Tumatawang saad ni Tyson.
“Nakakamatay putsa! Mas malupit pa sa fire ball mo.” Dagdag ni Beau. Tumawa naman si Sage na may kasamang hampas sa balikat ng dalawa.
“Tsk. Hindi talaga makalimutan.” Bulong ni Sean.
Nag-iwas ng tingin si Noe habang tumatawa. Mukha namang hindi maintindihan nina Tyrio ang nangyayari.
“Tara kumain.” Yaya ni Branwen. Tumango kami at sumunod sa kaniya.
“Ay s**t!” Sigaw ni Beau. Napatingin kami sa kaniya na nakaupo sa lupa. Medyo nagyeyelo ang inupuan niya at basabasa din ito. “Ano ba naman yan Sean!”
Takang tumingin sa kaniya si Sean. “Ako na naman?”
“Nadulas tuloy ako.” Ani ni Beau habang tumatayo. “Bakit kase nakakalat ang yelo mo!”
“Ha? Eh hindi nga ako gumamit ng enchant.” Umismid siya kay Beau.
“Sino pa ba ang kayang maglabas ng yelo?”
“Diyan nakaupo kanina si Celestia.” Out of nowhere na saad ni Noe. Napatingin kami sa kaniya.
“Eh? Bakit naman magkakayelo diyan kung si Celestia naman pala ang nakaupo?” Tanong ni Branwen. Nagkibit balikat siya at nagsimula nang maglakad.
Yelo? Napailing ako at sumama sa kanila. Nang makarating kami sa cafeteria ay marami ang bulong-bulungan.
“Kaya pala wala si Zacchaeus.”
“May nakakita daw ng pagtakas nila!”
“Sa likod dumaan. Pinaangat daw ni Zacchaeus yung lupa.”
“Saan sila pupunta?”
“Hay nako! Siguro nagdedate ang dalawang yon!” Sigaw ni Tyson. Marami naman ang natahimik sa sinabi niya kaya binatukan siya ni Vito.
“You're so loud.” Umirap ito at uminom ng juice.
“Para-paraan ni Zacchaeus!” Natatawang saad ni Beau. Tumawa kami at pinag-usapan ang magaganap na laban.
Celestia's Point of View
“Come here.” Umiling ako akay Zacchaeus. Inis niya akong hinigit papalayo sa pader.
“Walanghiya ka! Nanginginig pa ang tuhod ko sa taas ng ibinibaba natin!”
“Why? Di ka naman nalaglag diba?”
Ngumuso ako sa kaniya. Nang makarating kami sa may kalsada ay kumapit ako ng mahigpit sa kaniya.
Hindi ko pa masyadong alam ang pasikot-sikot dito sa bayan. Malamang eh first time ko kaya dito.
“Gutom na ako, Zacchaeus.” Sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya ako at pinagtaasan ng kilay.
“Hindi pa nga tayo nakakailang oras eh!” Singhal niya. Ngumuso ako at tumingin sa mata niya. “Sige na nga.”
Ngumiti ako nang hinigit niya ako papasok sa isang restaurant. Pumila kami para umorder.
I roamed my eyes. The ambience is a bit classy.
Umismid ako ng makita ang pagpapacute ng babae kay Zacchaeus.
“What's your order Sir?” Pabebeng Tanong nito. Umiwas ako ng tingin at umirap.
Sabunutan ko siya diyan eh! Kung makapagpacute akala mo naman cute.
Hinapit ni Zacchaeus ang bewang ko kaya napatingin ako sa kaniya.
“Anong gusto mo?” Tanong niya. Napangiti ako at sinabi ang order.
I want to burst out my laugh and roll on the floor when i saw the girl's dissapointed face.
Ano ka ngayon? Ha?
“Two of it.” Saad ni Zacchaeus at nag-abot ng card.
Naghanap kami ng upuan at naupo.
“Doon ka nga.” Reklamo ko ng sa tabihan ko maupo si Zacchaeus. Umiling siya sa akin at dumikit pa lalo.
Ang clingy!
“Ayoko.” Saad niya at ngumuso. Ngumiti ako at pinisil ang ilong niya.
“You're so cute.”
“I'm not.” Saad niya at lumayo sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan. “Wag na lang kaya tayong pumunta sa battle day? Let's just date?”
Nanlaki ang mata ko at kinurot siya.
“Sira ka ba? Leader tayo doon.” Saad ko. Ngumiwi naman siya dahil sa kurot ko. “At isa pa...baka mahusgahan na naman ako.”
“They won't.” Sabi niya bago muling idinukdok ang ulo sa leeg ko.
“Tigas ng ulo. Hindi naman tayo magkakasakitan diba?” Ramdam ko ang pagtango niya sa leeg ko. “Eh ano pa ang ipinuputok ng butsi mo?”
“I'm jealous.” Mahinang bulong niya. “Magkasama kayo ni Noe.”
Tumawa ako at hinampas siya. Damn! He looked like a wounded puppy. “Wala ka namang dapat ikaselos.”
Umayos siya ng upo. “Masakit ang hampas mo sa akin.”
“Baliw ka eh.”
“Tss. Patabain kita diyan eh,” Bulong niya at saka ngumisi. Namumula ko siyang hinampas.
“Bastos!”
“What? I mean pakainin. You're getting pervert, Celestia.” Saad niya at tinusok ang noo ko. Tinampal ko iyon at inirapan siya.
“Manyak.” Bulong ko. Di nagtagal ay dumating na ang order namin at kumain na kami. Patuloy pa din si Zacchaeus sa pang-aasar sa akin.
Naglakad lang kami sa may side walk. Head turner indeed. Kanina pa siya pinagtitinginan. Bakit ba kasi napakagwapo ng isang to?
Napatingin ako sa isang stall. Agad akong bumitaw sa kamay ni Zacchaeus at pinuntahan iyon.
Mangha akong tumingin sa mga bulaklak na naka-display dito.
“Calla Lily. It symbolizes magnificence and beauty. Bagay na bagay sa iyo.” Napatingin ako sa tindera na nakatingin sa akin habang nakangiti. Inayos niya ang bulaklak na tinitingnan ko.
“I'll get these.” Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Zacchaeus sa likod ko. Nag-abot siya ng pera sa matanda.
Kinuha ni Zacchaeus ang kumpol ng Calla Lily at inilahad sa akin. Nahihiya ko itong tinanggap.
“Bagay na bagay kayo.” Saad ng matanda. Napangiti naman si Zacchaeus sa akin.
“Talaga po?” Parang batang tanong ni Zacchaeus. Tumango-tango ang matanda sa amin.
Umalis kami doon. Tinatawanan ako ni Zacchaeus kaya naman hinampas ko siya.
“Tumigil ka nga. Ang simple lang ng sinabi ni Lola eh'.” Tumigil siya at agad na nawala ang ngisi sa labi niya. He held my hands.
“The most simple things can bring the most happiness in me Celestia.” Natahimik ako sa sinabi niya.
Pagkatapos noon ay halos hindi na kami nagkaimikan. Nakakabingi ang katahimikan.
Nakaupo ako dito sa may tabi ng batis. Papalubog na ang araw. Iniwan ako ni Zacchaeus para bumili ng pagkain.
Para akong natauhan sa sinabi ko kanina sa kaniya. Simpleng things make him happy. Shame on me.
Natulala ako sa paglubog ng araw ng may mainit na dumampi sa pisngi ko. I flinched and looked at Zacchaeus.
Inabot niya sa akin ang isang gatas at tinapay. Naupo siya sa tabihan ko at ininom ng kape niya.
“I want coffee.” Saad ko sa kaniya. Nanatili siyang tahimik kaya ininom ko na lang din ang gatas na ibinigay niya.
Dumaan ang ilang minuto at wala pa ding nagsasalita sa amin. Pinanood lang namin ang pagsakop ng dilim sa buong kalangitan.
I looked down. Kasalanan ko to eh'. Ayos na dapat kung hindi ko lang nasabi iyon. I sighed.
“What's with the silence?” Tanong ni Zacchaeus. Tumingin ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
“I'm sorry.” Saad ko. Tumingin ako sa mata niya. Umangat ang gilid ng labi niya at tumingin sa akin.
“That's nothing.” He said and pulled my hands. He kissed the back of it while smiling.
“Akala ko galit ka.” Malungkot kong sabi sa kaniya. He shooked his head and closed the space between us.
Madilim na at ang tanging ilaw na lang ay ang liwanag ng buwan at mga bituin. A romantic ambiance.
“Why would i? May iniisip lang ako.” Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko katulad ng lagi niyang ginagawa at inihiga ang ulo ko sa balikat niya.
“Eh bakit tumahimik ka?” Tanong ko. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay at sumagot.
“Napaisip lang ako. Because that's literally...not me. I don't say things like that. See? You've change me.” He chuckled and looked at me.
Natawa ako at niyakap siya. “I felt like crying. Iiyak na talaga ako kapag hindi ka pa nagsalita.”
“I'm sorry.” Saad niya. Umiling ako at muli siyang niyakap. “Look who's clinging to me.”
He let out a soft chuckle before hugging me.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero naramdaman ko na lang ay umiiyak na ako. Ngayon ko lang naisip ang mga nangyayari. Tao ako at hindi dapat siya nagkakagusto sa akin. But what are we doing?
“Hush. Baby don't cry.” Saad niya. Mas lalo akong naiyak. Seeing how he love me made me desperate. I want to be like them. I want to be one of them. Gusto kong maging katulad nila.
“Z-Zacchaeus...hindi ka man lang ba natakot? A-Alam mong tao ako...but you sti—”
“I. Don't. Care.” Mariing saad niya. Hinaplos niya ang buhok ko. “Don't even think of leaving me, Celestia. Wala akong pakealam kung tao ka at magkaiba tayo. I love you and that's what matter right now. Understand me?” Napatango ako sa kaniya. Inilayo niya ang mukha ko at pinunasan ang basa kong pisngi.
He stared at my eyes deeply then his eyes shifted to my lips. He slowly close the gap between us. I closed my eyes as i felt his lips touching mine.
The usual beating of my heart increased its pace faster as i felt Zacchaeus lips slowly moving.
I moved mine following his rhythm. Creating our own world. Hinapit niya ako sa bewang habang ang isa niyang kamay ay napunta sa aking batok pulling me closer to him. He flinched his tongue on my lips asking for an entrance. I opened my mouth and let out a small moan as i felt him exploring me. He deepen the kiss and so was i.
Wala akong marinig kundi ang t***k ng puso ko. I wonder if it's the same as his?
He stop and kissed my forehead before looking straight in my eyes.
“Please stay with me.” Ipinagdikit niya ang noo namin. “I love you, Celestia.”
“I love you too, Zacchaeus. I will.” I said and hugged him tightly. He's right. What's matter now is us. Sasabay muna ako sa agos at magpapakasaya kasama siya.