Kabanata 18 : Mission
Celestia's Point of View
“Arya tahan na. Wala na tayong magagawa.” Geordi sighed while comforting Arya, her friend.
“I-I swear. Nagpaalam pa siya sa akin bago umalis! She's been missing for what? 2 week tapos makikita ko na lang siyang patay? Lintek! Hindi porket tao tayo pwede na nilang gawin sa atin iyan!” Sigaw ni Arya. Napayuko ako sa sinabi niya. That's the point. Tao kami. Anytime ay pwdeng mangyari sa amin ang nangyari sa kaibigan niya.
Ngayong umaga lang ay nakita ang katawan ni Kisha, kaibigan ni Arya, sa gitna ng gubat. Hindi ko masikmura ang itsura niya dahil naagnas na ang kalahati ng katawan nito. Arya cries and started to blame the enchanters.
The Headmistress already know about the incident. Ang sabi ng mga nag-imbestiga ay isang lason ang ikinamatay niya. May malalim ding sugat sa bandang tiyan niya. Hinala nina Zac ay baka daw may lason ang ginamit na panaksak sa kaniya.
But why? Bakit naman nila gagawin iyon? May motibo ba ang pumatay sa kaniya? And bakit pupunta si Kisha sa gitna ng gubat ng mag-isa lang? At isa pa ang sabi ni Arya ay nagpaalam pa daw si Kisha na may pupuntahan siya.
“This is bullshit! Paano naman siya mapupunta sa gubat na iyon! That's prohibited for Pete's sake.” Sigaw ulit ni Arya. I shut my mouth and sighed before going out.
Alam namin ang nangyari.
3 o'clock ng may kumatok sa dorm namin. Agad kaming pinapunta sa Headmistress office. I thought papagalitan kami dahil sa ginawa naming pagtakas ni Zacchaeus turns out na may sinabi ang Headmistress sa amin ni Geordi.
“Miss Kisha De Guzman's body was found dead. I'm telling you this dahil alam kong malapit kayo kay Arya especially you Geordi.” Saad ni Headmistress Hail at tumingin kay Geordi.
“But Ma'am hindi ko na po gaanong nakakausap sina Arya these past few weeks.” Sabat ni Geordi.
“I know. Arya will be furious kapag nalaman niya ito. And I'm telling you guys na hindi basta-basta ang gumawa nito kay Kisha.” Madame Hail sighed. “She's a spy.”
“Did you kill her?!” Nanlaki ang mata ko ng maisagaw ko iyon. Umiling-iling si Madame Hail.
“No. The dark enchanters did.” Saad nito.
“Why are you telling this to us?” Tanong ni Geordi. Tumayo ang Headmistress at tingnan si Geordi.
“Kailangan niyong bantayan ang kilos ni Arya.” She said. I shut my eyes tightly.
“Bakit kami?” Tanong ko.
“It would be suspicious kapag sina Zac ang pinagbantay ko sa kaniya. Besides, Geordi I'm giving you this task on behalf of your auntie.” My eyes widened.
“A-Auntie?”
“Your Auntie, she's a great wizard. But then something came up at hindi namin inaasahan ang pagkawala niya. Mahigit ilang taon na din siyang nawawala.” Napatingin ako kay Geordi. She looked confused.
Wala siyang alam. Maski ako, nakakagulat para sa kaniya ang mga nangyayari.
“Isang linggo na lang at battle day na. I guess kailangan ko muna itong i-move?” Humalukipkip si Headmistress Hail at saka kami pinalabas ng office.
Tinapik ko ang balikat ni Geordi. “Kaya pa? Sabihin mo lang sakin kapag mababliw ka na ha?”
Tumawa siya sa akin bago ako hampasin. Bumalik na kami sa may dorm. Ng pumasok kami kanina ay tama ang hinala ng Headmistress. Nagwala si Arya at kung ano-ano na lamang ang sinasabi niya.
I sighed.
“Hey,” Napatingin ako kay Zacchaeus. He sighed and held my hand. “Hindi bagay sayo ang seryoso.”
Tumawa siya kaya naman hinampas ko siya sa balikat. “Agang-aga mong mambwiset.”
“Na-move daw ang battle day next month?” Tumango ako sa kaniya ngumisi naman siya sa akin. “Sabi ko sayo eh'. Wag na lang tayong maglaban.”
“Na-move yun kase may nangyari. Tsaka tuloy pa din tayo.” Saad ko. Ngumuso siya sa akin kaya agad kong pinitik ang noo niya. “Nagpapacute ka na naman.”
“I'm not. It's just that nacucutan ka sa akin.” He confidently said. Umismid ako sa kaniya.
Mahangin talaga si Zacchaeus. No wonder siya ang wind enchanter.
“Tara na sa room.” Hinigit niya ako papunta sa room namin. Naabutan namin doon sina Vito na parang nagpupugay.
“Nandito na naman sila.” Bulong ni Tyrio kay Tyson. Tumingin sila sa amin at ngumisi.
“Kamusta mataba na ba?” Nakangising tanong ni Soren. Agad siyang binatukan ni Zac.
“Nakakaumay kayo.” Komento ni Sean. I pouted and looked at them.
“Wala pa naman kaming ginagawa ah?” Tanong ko.
“Inggit lang yang mga yan.” Bulong sa akin ni Zacchaeus. Napahagikhik ako at umupo na sa upuan ko.
Tumingin sa amin sina Beau bago muling nag-usap.
“Tsk. Hindi niyo naman kinakain ang niluto ko eh!” Reklamo ni Noe. The boys sighed.
“E-Eh kasi naman...” Hindi naituloy ni Tyson ang sinasabi niya ng putulin siya ni Aramis.
“Paturo ka sa akin masarap ang luto ko.” Saad nito. Nag-usap lang sila doon habang ako ay nagbabasa. Maya-maya ay napunta ang usapan nila sa aksidente.
“Nakakatakot naman yung nangyari sa kaniya!” Sigaw ni Tyrio matapos ikwento ni Sage ang nangyari.
“How come na napunta siya sa gitna ng gubat?” Tanong ni Branwen. They all shrugged while i kept my mouth shut.
I'm sorry guys.
“Tsaka diba malapit lang yung gubat na yun sa boundaries ng Dark World?” Tanong naman ni Beau. My eyes widened. Ngayon ko lang ito nalaman. May boundaries pala ang Enchanted World?
“Yung lason...hindi siya basta-basta. Marami na akong na-encounter na poison pero hindi ko alam na meron palang lason na kaya kang patayin sa limang segundo lang!” Saad namn ni Noe.
“Come to think of it. First, that happened the same day that the event was held. Second, that forest is strictly prohibited. Third, she's just a human. And to make it clearer natagpuan ang katawan niya malapit sa boundaries ng Dark World.” Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Vito.
“What the hell are you saying?” Tanong ni Beau.
“It doesn't make sense!” Sabat ni Zac na nakahawak sa buhok niya.
It does.
“No...considering that she's just a human. Papaanong nakapasok siya sa gitna ng gubat gayong mga enchanter lang ang nakakapasok doon? Pwera na lang kung may nagpoprotekta sa kaniya.” Saad ni Sage.
“Oo nga no?” Saad ni Soren.
Tumingin sa akin si Aramis ng nakakunit ang noo. “Where's Geordi?” Sinagot ko siya at sinabing nasa Guidance office kasama si Arya.
Aramis immediately stand up and excuse himself. “Pupuntahan ko si Geordi.” Saad niya. Naalerto bigla sila Noe.
“May mali...everything's wrong.” Bulong ni Branwen. Napatingin kami sa kaniya.
I sighed. I can't just tell them what the Headmistress told us. Pero...
“Ang sabi ng mga investigator ay napagtripan lang daw kaya sobrang galit nung kaibigan niya pero...” Nag-aalangang tumigil si Sean at tumingin sa pintuan na para bang nag-oobserba.
“All of you, out!” Sigaw ni Tyson. Nagtatakang lumabas ang mga kaklase namin. Itinuro ko ang sarili ko kung kasama ba ako sa lalabas pero pinaupo nila ako malapit sa kanila. Dumating sina Aramis at Geordi at nakisama sa amin.
“Now i know...” Tumatangong saad nina Beau at Tyson.
“It does make sense.” Saad ni Zacchaeus. Tumango naman sina Branwen.
“Hindi siya napagtripan. She's been killed by a dark enchanter. I'm not that sure pero sa tingin ko ay may kinalaman siya sa mga dark enchanter kaya siya pinatay.” Saad ni Vito.
I need to tell them!
“She's a spy.” Sabay na saad namin ni Geordi. They all looked at us.
“H-How did you know?” Tanong nila. Tumingin ako kay Zacchaeus. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at umigting ang bagang niya.
I'm sorry for not telling you right away.
“Sinabi ng Headmistress kanina. Now, Celestia and i are given a task. Kailangan naming bantayan si Arya.” Saad ni Geordi. I nodded at her.
“May nalaman pa kami, Geordi's not just an ordinary wizard. Nanalatay sa dugo niya ang dugo ng isa sa pinakamagagaling na wizard sa Enchanted World. Her aunts been missing for about a decade.” Saad ko. Shocked was very evident in their face. They all smiled at Geordi.
“Naks level up!” Halakhak ni Tyson.
“Na-move ang batte day next month.” Saad ni Aramis agad namang nagsipalakpakan sina Tyrio dahil sa tuwa pero agad iyong napaltan ng simangot ng magsalita muli siya. “But the Headmistress and the Royal families gave us a mission.”
“What?”
“Is it mission impossible?”
“Are they serious.”
“This is my style!”
“Enough.” Saad ni Zacchaeus. Tumigil sila sa pagrereact at muling tumingin kay Aramis.
“We need to find Geordi's aunt in the mortal world.” Lireral na nalaki ang mata ko at nalaglag ang panga.
“M-Mortal world?!” I shoured.
“Yes. May ibinigay na detalye si Headmistress Hail sa atin. At isa pa ang auntie lang ni Geordi ang may alam kung paano malalagyan ng barrier ang buong Enchanted World nang sa gayon ay ay walang dark enchanter ang makapasok dito.” Mas lalong nanlaki ang mata namin.
“No doubt their family is considered as powerful even though they're a wizard.” Saad ni Branwen.
Napatingin ako kay Geordi at ngumiti. Guess what? Nagkaroon ako ng kaibigang akala ko tao pero yun pala isa din sa mga makakapangyarihan dito sa Magthonous Academy.
“Magdadala ka ng underwear?” I frowned at what Geordi asked.
“Sige nga anong ipampapalit mo sa panty mo kung wala kang dadalhin na underwear, huh?” Taas kilay na tanong ko sa kaniya. She just pouted at me.
“Sungit mo! Doon ka na nga lang kay Zacchaeus mo!” Tumalikod siya sa akin at muling pumunta sa kama niya.
We're packing for the mission. Nakakatawa dahil kasama ako sa misyon gayong wala naman akong maitutulong sa kanila. Niloloko yata ako ni Headmistress at Sir Cad eh!
Nagpumilit akong wag nang sumama at bantayan ng lang si Aray dahil baka maging pabigat pa ako sa misyon nila pero mismong sila Sir Cad na din ang nagpasama sa akin. Tutol si Zacchaeus sa pagsama ko dahil baka daw masaktan pa ako. Ako din naman ganoon din ang iniisip eh.
Galit siya kanina noong hindi ko sinabi ang sinabi sa amin ng Headmistress na babantayan namin si Arya pero mas lalo siyang nagalit ng pumayag akong sumama. Isa pa ay gusto ko din puntahan at bisitahin man lang si Dayle.
“Maaga daw ang gising bukas! Wag ka ng magpuyat, okay?” Tumango ako kay Geordi at humiga na din.
Makakatuntong ulit ako sa mundo ko! Gusto kong ipakita kay Zacchaeus ang mundong kinalakihan ko pero naalala ko na may misyon pa pala kami.
I sighed and closed my eyes. Paniguradong kekwestyunin ako kapag nalaman ng ibang estudyante dito sa Magthonous Academy na nakasama ako sa isang misyon kasama ang pinakamalalakas na estudyante ng Academy.
Nagmulat ako ng mata ng naalalang hindi pa pala napapatay ang ilaw sa kusina.
Tinatamad akong tumayo kainis! Mamatay ka nalang ng kusa ilaw please!
Tumingin ako sa ilaw at natakot ng kusa nga itong mamatay!
“What the...” Napatingin ako kay Geordi. Natutulog siya sino naman kaya ang maaring gumawa noon?!
Dahil sa takot ay tumayo ako upang isara ang bintana. Napabuntong hininga ako ng makita ang mga imahe nina Zacchaeus sa kabilang building. Kumaway sa akin sina Beau at Noe. I waved back at them and looked at Zacchaeus. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay tumalikod siya sa akin.
I sighed bago tuluyang isara ang bintana. Akala ko kung ano na! Sina Beau lang pala ang may gawa noong sa ilaw.
Pumikit ako ng naalala ang mukha ni Zacchaeus. He's mad. Galit pa din siya sa akin.