Kabanata 19

2492 Words
Kabanata 19 : Mad Celestia's Point of View Nagising ako ng maaga. Agad kong inayos ang sarili ko at saka ginising si Geordi. She whined instantly. Kulang pa daw ang tulog niya, kung hindi ko lang ipinaalala na makakasama niya si Aramis para sa misyon ay hindi siya kikilos. Pag-ibig nga naman. Tch! “Ilang araw ba tayo doon sa mortal world?” Tanong ko sa kaniya sa hapag kainan. She shrugged at me. “Depende. The earlier the better para makapaghanda pa tayo sa battle day. Hehe kalaban kaya kita.” Umirap ako sa kaniya. “Alam mo ba kung saan siya makikita?” Tanong ko ulit. Siya naman ngayon ang umirap sa akin. “Duh! Kaya nga hahanapin natin eh. Tsaka meron ding ibinigay na mapa si Sir Cad. Though hindi ko iyon masyadong maintindihan.” Saad niya. I nodded at her. Nang matapos kaming kumain ay dinala na namin ang mga gamit na dadalhin namin. Isang maliit na maleta at isang maliit na backpack ang dala ko. Ganoon din ai Geordi. Aniya ay para daw sigurado na pero sa tingin ko ay overacting lang talaga siya. “Hindi yan. Pustahan mas malaki pa ang maleta na dala ng mga lalake?” Nakangising saad ni Geordi. Umiling ako at umismid bago sumunod sa kaniya sa may gate ng Magthonous Academy. Pagkadating namin doon ay kami na lang ang hinihintay. Gusto kong humagalpak sa tawa ng makita ang mga dala ng lalake. Doon na ba sila titira? Mas malaki nga ang maleta nila sa amin. Mayroon ding bitbit na isang paper bag si Branwen at Beau! “Let's go?” Tanong sa amin ni Sir Cad na siyang maghahatid sa amin sa portal patungong portal world. Pumunta muna kami sa may burol kung saan pwede kang makapagbukas ng portal. Ito din yung burol kung saan ako nahulog noong unang punta ko dito. Walang imik akong naglakad nang may kumuha sa maleta ko. Tiningnan ko si Zacchaeus na ngayon ay bitbit ang maleta ko at ang kaniya. Gusto ko sanang agawin iyon pero sa mukha niya ngayon...mukhang masusungitan lang ako nito. I smiled secretly. Kahit galit siya ay hindi pa din niya ako nakakalimutan. Nagulat ako ng kuhanin niya ang kabilang kamay ko at ipatong ito sa hawakan ng maleta. Akala ko ay ibabalik niya sa akin ang gamit ko pero...mali. Hinawakan niya ang kamay kong nasa maleta at hinigit iyon. My cheeks heated. Damn his moves. We're holding hands while carrying the luggage! Hindi niya mahawakan ang kamay ko dahil parehas itong may hawak kaya naman ipinatong na lang niya ang kamay niya sa akin para kahit papaano ay mahawakan ito. Namula ako nag-iwas ng tingin. Damn! Galit pa siya niyan ha! I'm going to melt! Nang makarating kami sa burol ay kinausap muna kami ni Sir Cad. “We've already given you the location. Although we're not sure about it you should try your luck. Your financial needs are all okay. You just need to focus on finding Georgiana. Goodluck!” We all nodded at him then a portal appeared infront of us. Unang pumasok sina Sean bago sumunod ang iba. Tyrio and Beau looked so happy while entering the portal. Kami ang huling pumasok nina Geordi. And again entering the portal was a blur for me. Pagmulat ko na lang ay yakap-yakap na ako ni Zacchaeus habang ang iba ay tuwang-tuwa pang inililibot ang paningin sa isang maberdeng paligid. Binitawan ako ni Zacchaeus at naunang naglakad. I pouted. Napakasungit! “I miss this!” Sigaw ni Geordi. I roamed my eyes at the place. I'm not familiar with it, nasa gubat kami. Ngayon lang ako nakarating dito. “Can we go shopping first?” Tanong ni Tyrio habang naglalakad kami palabas ng kakahuyan. The others agreed on him. “Please? Zac? Vito? May titingnan lang ako.” “Tch. Magsho-shopping ka lang!” Sabat ni Tyson. “Okay. Kumain na din tayo bago maghanap ng matutuluyan.” Zac said while sighing. “Good idea! Gutom na din ako.” Saad ni Branwen. Sumang-ayon naman sa kaniya sina Sage. “May hotel ba dito?” Tanong ni Soren. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. “What? I mean is...yung natutuluyan natin. Dumi ng utak.” “Naniniguro lang!” Sigaw ni Noe. “Tsaka malay ba namin pagbalik natin sa Enchanted World ay marami kang dalang babae.” Dagdag ni Beau. Umirap si Soren at nauna sa paglalakad. “Saan ba ito?” Tanong ni Sean. We shrugged and continue walking. Nang makalabas kami sa gubat ay agad kaming humanap ng masasakyan. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil hindi lahat kasya sa isang taxi. And i hate it... Si Zacchaeus ang nakasama ko. I want to go with Geordi but knowing her i know she'd choose her so-called-suitor. “Pakisundan na lang po yung nasa unahan na taxi.” Wika ko sa driver tumango ito at sinundan ang taxi nina Noe. Tumingin ako sa gawi ni Zacchaeus. Mataman siyang nakatingin sa dinadaanan namin na para bang kinakabisado ang bawat detalye nito. He's cold again. Alam kong ayaw niya akong pasamahin at iniisip niya lang ang kaligtasan ko pero hindi ko din naman kayang hayaan na siya lang ang malagay sa panganib. I'm also worried about him! Nakarating kami sa mall ng walang umiimik. Binayaran ko ang driver at sinundan si Zacchaeus papasok sa mall. Kahit na galit siya, he still manages to care for me. Napangiti ako habang nakasunod sa kaniya. Hila-hila niya ang pink kong maleta sa kanan niyang kamay habang ang isa naman sa kaliwa niya. So manly! That I'm starting to hate it because every girls looking at him. Pumasok kami sa isang restaurant at inintay na dumating ang iba. “Tagal naman nina Tyrio!” Reklamo ni Beau. “Nasaan nga ba ulit sila?” Tanong ni Noe. Sinagot siya ni Aramis habang nakaface palm. “Namimili pa yun! Order na kayo para pagdating nila diretso kain na tayo.” Saad ni Sean. Umorder kami at di nagtagal ay dumating na sina Zac, Vito, Branwen at Tyrio. “Haha! Buti na lang may perang pinadala sa atin.” Tuwang-tuwang inilapag ni Tyrio ang mga paper bags ng pinamili niya sa table. I scanned all of it. Guess. Rolex. Levis. Nike. Gucci. Puro branded! Ngayon napapaisip ako kung magkano ang ipinadalang pera sa amin. “Binili mo din kami?” Tanong ni Sage tumango si Zac sa kaniya at may itinurong paper bag. “Lahat kayo meron.” Ngumiti si Branwen at umupo sa tapat ko. “Credit cards.” Kumindat siya sa akin. I frowned. He's at it again. Binabasa na naman niya ang isip ko! “Kumain na muna tayo.” Aramis said cutting Tyson's and Beau's nonsense talk. Kumain kami at pagtapos ay dumiretso na sa isang hotel. “Talaga?” Tumango-tango ako kay Geordi. Nag-aayos siya ng gamit habang ako ay nakaupo sa kama. “Eh loko-loko naman pala iyang si Zacchaeus eh!” I rolled my eyes on her. “Nag-aalala lang siya sa akin.” I retorted. Totoo naman! He's mad at me dahil inaalala niya lang ako. “Eh bakit hindi ka niya iniimikan?” Kinagat ko ang labi ko at ibinaba ang tingin bago sumagot. “He's mad.” Geordi dramatically sighed. “Ayusin niyo yan! Papaalisin ko si Aramis sa kwato nila. Kausapin mo si Zacchaeus. Naku! Pasalamat ka at sila ang magka-room.” Lumapit ako kay Geordi at niyakap siya. “Salamat! Best bestfriend ka talaga.” Ngumiti siya at kinuha ang cellphone niya. Maya-maya ay may kumatok sa suite namin. Pumasok si Aramis at agad na bumati sa amin. “Natutulog si Zacchaeus. Masama ata ang pakiramdam dahil hindi man lang ginalaw ang pagkain niya.” Saad ni Aramis. “B-Bakit di aiya kumain?” Naitanong ko. Aramis shrugged and helped Geordi. “Puntahan mo na iyon!” Utos sa akin ni Geordi. Nagpaalam ako sa kanila at lumabas na ng suite. Nadaanan ko ang hotel room nina Zac at Noe na nakabukas. Pitong rooms ang kinuha nila Zac. Tigdadalawang tao kada rooms. “Huy! Anong ginagawa mo diyan?” Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla na lang lumitaw si Beau. “Ah my pupuntahan lang.” Tumango siya at ngumisi sa akin. “Proteksyon ha?” Saad niya bago pumasok sa loob ng suite nila ni Sage na katapat ng kina Zac. “Anong proteksyon?” Taka kong tanong sa sarili. I shrugged. Nang matapat ako sa pintuan nila Zacchaeus ay kinompose ko muna ang sarili ko and knocked on his room. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Zacchaeus na magulo ang buhok. Nag-init ang pisngi ko at agad na tumalikod ng makitang wala siyang suot na pang-itaas. Calvin Klein. Damn! Bakit ba kasi nakaboxer lang siya! Nakakamanyak tuloy. “Why are you here?” He asked. I guloed. Wala akong mahanap na salita! Bakit kasi ang husky ng boses niya?! Lumalabas tuloy ang pagkafangirl ko! “U-Uh...a-akala ko s-suite namin. G-Ge alis na ako!” Tatakbo na sana ako ng higitin niya ako papasok ng suite nila. Omg! “Liar. May room number ang bawat suite.” Saad niya. Namula ako at ngumuso. “M-Magdamit ka nga!” Sigaw ko at nag-iwas ng tingin. Ano ba ang nagawa ko at natatamasa ko ngayon ang mga ito? Zacchaeus standing half naked infront of me with his oh so perfecr body and six hot pack of abs! His hands on each sides and his hot messy hair. He looked like a hot model! “What brings you here?” He questioned ignoring what i said. I sighed and looked down. Kailangan kong makipag-usap sa kaniya para maayos na kami. Pero...nakaka-distract kasi eh! “Are you mad?” I asked after a long silence. He sighed and took a chair and places it right infront of me. Mas lalo akong kinabahan. Tumitig siya sa akin habang nakahalukipkip. I swear, mukha akong maamong tuta sa harap niya! “I'm not.” Sagot niya. Napapikit ako at tiningnan siya. “Then why aren't you talking to me?” “I'm upset.” I nodded at him and sighed. “That's the same!” I exhaled. Umiling siya at tumingin sa akin ng blangko. “I'm not angry okay? I'm just upset and...sad why? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol sa sinabi ng Headmistress na pagbabantay mo kay Arya. And what's worst ay sumama ka dito! Celestia are you thinking? Mapanganib ang iniutos sa atin and yet you still chose to come!” He exclaimed. Napayuko ako dahil ngayon lang siya nag burst out nang ganito katindi. “Keeping secrets won't make the relationship work.” Dagdag niya. Napalunok ako at tumingin sa kaniya. He's right. “I'm sorry.” I said to him. “I didn't mean to keep a secret from you. I-I just wanna help you too. Nag-aalala din ako sayo! And i thought coming with you and the others would ease my worries.” Yumuko at pinigilan ang pagtulo ng luha. Napakahina ko! Simpleng away lang namin ay iiyak na agad ako. Damn. Zacchaeus what have you done to me? “A-And...i wanted to see my brother. I'm sorr—” Natigil ako sa pagsasalita ng higitin ako ni Zacchaeus at yakapin. His warm embrace...makes my heart beat fast but i'm frigging comfortable with it! “You don't need to say sorry, baby. I was just worried to death. Besides nangyari na might as well tag along? I'll just protect you.” He whispered. I hugged him tightly. “Then should we visit my brother in law?” I smacked him. He really knows how to make my emotion a roller coaster ride! “Hindi ka na galit?” I asked again. He let out a soft chuckle and faced me. “Told ya' I'm not mad.” Tumawa siya at pinunasan ang pisngi ko. “I told you not o cry, right?” Tumango ako sa kaniya na parang bata. He smiled and chuckled before ruffling my hair. “Promise me. We're not going to keep any secrets from each other okay?” I nodded at him. He smirk and pecked at my lips. “Para saan yon?” I asked. Ginulo niya ang buhok ko at nginitian. “To sealed the promise.” He said. I can't help but smiled at him. “Bading.” Bulong ko. Umirap siya sa akin at muli akong niyakap. “I missed you.” He whispered and tightens his hugged. I push him away from me at namumulang itinuro ang dibdub niya. “M-Magdamit ka nga!” I shouted. Tumawa siya at mapang-asar na tumayo sa harapan ko. “Why? Naakit ka ba, hmm?” Mas lalo siyang lumapit sa akin. Tumayo ako at numumula siyang tinulak. “Manyak! Magbihis ka na nga!” Saad ko at dali-daling lumabas ng room nila. Tumawa ng malakas si Zacchaeus sa akin at inasar ako. Napapikit ako at bumuntong hininga. Damn! What a tease! “I know right baby!” Sigaw niya sa loob. “Tse! Manyak.” Sigaw ko pabalik sa kaniya at isinara na ang pinto ng kwarto nila. Swear. Hindi ko alam na manyak din pala si Zacchaeus katulad ni Soren! Nangingiti akong naglakad pabalik sa room namin. It's always like that. We'll fight. Talk. Cry. Hug. Kiss. Then his pervert side would always comes out. I exhaled and smiled while knocking at our door. Bumukas ito at iniluwa si Tyson. I was frowen for a moment bago magtanong sa kaniya. “Bakit ka nandyan?” Tanong ko. Kumamot siya ng ulo at pinapasok ako. Narinig ko ang mga halakhakan mula sa sala ng room namin. “Baka tumaba na nga si Celestia!” Sigaw ni Tyson at naghalakhakan naman ang mga lalaki. Including Geordi. Umirap ako at kinagat ang labi. Mga walanghiya! Ang tsitsismo talaga. At talagang nagtipon pa sila ha? Parang mga bakla jusko! “Anong ginagawa niyo dito!” Sigaw ko. Lahat sila ay natigil sa hagikhikan at napatingin sa akin. I shot them a death glare especially Geordi. Siya ang may pakana nito I'm very sure! “Ah...hehehe....” Nagkamot sa ulo sina Zac. Itinaas ko ang kilay ko sa kanila. “Takbo!” Sigaw nina Beau. Tumayo sila at nag-uunahang tumakbo palabas ng pinto. “Bye!” Sigaw ni Soren at bigla na lang nawala. Nagkagulo sina Tyson sa pag-uunahan palabas. Tumatawa sila ng umalis ako naman ay pinuntahan si Noe na nakahilata sa may couch. “Gising.” Alog ko sa kaniya. Minulat niya ang mata niya at tumingin sa akin. “Bakit ako nandito? Anong meron?” Tanong niya. Napailing ako at pinabalik na siya sa suite nila ni Zac. “Pasaway.” Irap ko kay Geordi. Nag-peace sign siya sa akin at tumakbo na sa banyo. I sighed and smiled. Masaya talaga kapag sila ang kasama ko. And lastly bati na kami ng pakipot na si Zacchaeus. Haha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD