Kabanata 20

1684 Words
Kabanata 20 : Ink Celestia's Point of View “Sigurado ba kayong dito yo'n?” Tanong ko. Lumingon sila sa akin at sumenyas ng tahimik. Napalunok ako at tumingin sa dadaanan namin. “N-No. Hindi ako bababa diyan!” Angal ni Geordi. Lumunok siya at humakbang paatras. Pinigilan siya ni Aramis at hinawakan ang braso nito. “Ang tarik naman niyan!” Reklamo ni Tyrio. Ngumuso siya at tumingin kay Aramis. “Please do something Aramis, please?” “We can't. Hangga't maari ay hindi tayo pwedeng gumamit ng enchant na ikakasira ng lupa ng mga tao.” Litanya niya. Umirap naman sina Tyson. “Haba ng sinabi ah? Tara na nga!” Saad niya. Nauna siyang bumaba sa matarik na daan at sumunod naman sa kaniya si Sean. “Careful!” Saad ni Vito ng muntikan ng madulas si Tyrio. Kabado itong huminga at kumapit muli kay Vito. “Kumapit ka!” Inis na saad ni Sage. “Eh kasi naman! Ang tangkad mo kaya. Nahiya naman ang height ko. Hirap kayang abutin yan balikat mo!” Balik ni Beau sa kaniya. Nag-irapan sila at nagtuloy sa pagbaba. “C'mmon Celestia i know you're tired. Ride my back.” Pangungulit sa akin ni Zacchaeus. Umirap ako sa kaniya at nagtuloy sa pagbaba. Hinigpitan niya ang kapit sa bewang at braso ko habang inaalalayan ako. “Sigurado ba talaga kayo na ito nga ang daan?” Tanong ko ulit. They shot me a glare before continuing their way. Bumuntong hininga ako at nagtuloy din. Eh kasi naman! Kaninang umaga lang ay nagsimula na naming hanapin ang Tita ni Geordi. Ang sabi nila Zac ay ito daw ang nakalagay sa mapang ibinigay ni Sir Cad. Eh papunta itong gubat! “s**t Celestia!” Napasigaw ako kasunod ng pagdulas ng paa ko sa tinatapakan kong bato. “Wag mo akong bibitawan!” Sigaw ko kay Zacchaeus. He bit his lips and nodded. Mabilis niya akong hinila pataas aa tinutungtungan niya at niyakap. “Now you have no reasons to say no. Get on my back now!” Utos niya sa akin. Tumango ako at sumampa sa likuran niya. “Mabigat ba ako?” Tanong ko sa kaniya. Umiling siya sa akin at sumunod kina Noe na nasa unahan namin. “You should eat more ang gaan mo.” Bulong niya. Ngumuso ako at ipinatong ang baba ko sa balikat niya. Gumalaw naman siya na parang nakiliti kaya humalakhak ako. “May kiliti ka dito?” Tanong ko at hinipan ang exposed niyang balikat. Gumalaw ulit siya at tumawa. “Stop it! Ilaglag kita diyan eh.” Umirap ako sa kaniya. As if he can do that! “Hoy! Tama na ang landi pahinga muna tayo.” Sigaw ni Tyson habang nakairap. Tumigil sila malapit sa ilog at doon umupo. Bumaba ako kay Zacchaeus at naghubad ng sapatos. “Hoy anong ginagawa mo?!” Singhal ni Beau ng makitang inililis ko ang suot kong pantalon. I rolled my eyes on him at dumiretso sa ilog. “Maggagabi na din. Dito na muna tayo magpalipas ng gabi.” Anunsyo ni Zac. “Saan tayo hihiga? I want a comfortable bed!” Branwen whined. Binatukan siya ni Zacchaeus. “You don't have any choice. Arte.” Saad niya inirapan naman siya ni Branwen at pumunta kina Sean. “Sage maggawa ka ng apoy.” Utos ni Aramis. Tumango si Sage at gumawa ng apoy. “Gutom na ako!” Ungot ni Tyrio nilapitan niya si Noe at humingi ng pagkain dito. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nagtampisaw sa ilog. The water is very clear! Sa sobrang linis ng tubig ay halos makita ko na ang paa ko sa ilalim ng tubig. “I'm coming!” Sigaw ni Geordi na nakalilis na din ang pantalon at wala ng suot na sapatos. Ngumisi siya sa akin at lumusong sa ilog. “Gaya-gaya ka!” I sgoured laughing while splashing water to her. “Tse! What the?!” Reklamo niya at binasa din ako natawa ako at lumayo sa kaniya. Nabasa ang hita ko dahil medyo palalim na ang nilakad ko. “Hoy! Ang harot niyo.” Asar ni Beau. Umirap ako sa kaniya at sumigaw. “Bakla!” I shouted. Kumunot ang noo niya at nagdikit ang kilay sa inis. “Lunudin kita diyan eh!” Sigaw niya pabalik. Nagtanggal siya ng sapatos at mabilis na tumakbo palapit sa pwesto ko. “Akala mo ha.” Napasigaw ako ng hilahin niya mula sa ilalim ng tubig ang paa ko. “Bakla ka talaga!” Sigaw ko habang winiwisikan siya ng tubig. Umirap siya sa akin at naligo na din sa ilog. “Haharot niyo! Ni hindi niyo man lang kami tinulungan.” Reklamo ni Tyson. Ngumuso siya at binaliktad ang iniihaw niyang beef. Bago kami nagsimula sa paghahanap kay Georgiana ay bumili sila Aramis at Noe ng pagkain incase na abutin kami sa gubat ng ilang araw. May bitbit din kaming tatlong malalaking tent at mga damit. Natuwa pa nga si Sean dahil para daw kaming magcacamping. “Bakit sunog yan?” Tanong ni Noe kay Aramis. Tingnan lang siya nito at muling inayos ang iniihaw. “This is cool. Really my style.” Pa-cool na wika ni Vito na ngayon ay nakaupo sa isa sa mga tent habang naka-shades. “Ulol! Naka-shades ka eh wala ng araw.” Sabat ni Branwen. Binatukan siya ni Zac at pinagsabihan. “Watch your mouth may kasama tayong babae.” “Di babae ang mga yan!” Singit ni Beau. Umirap ako sa kaniya. “Bading!” Asar na saad ni Geordi. “O yan. Ayos na ang apoy!” Saad naman ni Sage. Naghubad siya ng sapatos at jacket saka lumusong sa ilog. “Wala bang ibang magagwa dito?” Bored na tanong ni Soren. Umirap sa kaniya si Tyrio. “Like what? Have some frigging s*x?” Ngumiwi ako sa sinabi ni Tyrio. “You're so sassy, Tyrio.” Saad ni Zacchaeus. Umiling siya at nagtanggal ng sapatos. Napatalikod ako samantalang tumili ng mapang-asar si Geordi ng hubarin ni Zacchaeus ang suot niyang t-shirt. “Woah! Easy there Zacchaeus baka mabading si Beau sa katawan mo.” Tumawa si Sage at inasar si Beau. Umirap naman si Beau at sinuntok siya ng pabiro. “Hey.” Lumingon ako sa likod at namula ng makita si Zacchaeus. For Pete's sake half naked na naman siya! “Ba't ba lagi kang hubad?” I asked. Lumayo ako sa kaniya at nagpunta sa malalim na bahagi ng ilog. Hanggang leeg ko na ang tubig. Sumunod sa akin si Zacchaeus at hanggan sa dibdib niya lang ang tunig. “Are you tempted?” Natatawang tanong ni Zacchaeus. Asar akong umiling at winisikan siya ng tubig. Umilag siya at lumapit sa akin. “Malayo pa ba ang lugar ni Georgiana?” I asked him. He shrugged and brushed his jet black hair. Tumulo ang tubig sa buhok niya papunta sa panga at adams apple niya. I gulped. Damn what a masterpiece! Nasa harapan ko ngayon ang isa sa pinaka magandang nilikha ng Diyos! Tumalikod ako sa kaniya at lumublob sa tubig. I shivered when the cold water reached the top of my head. Nang iahon ko ang ulo ko ay nakatingin sa akin si Zacchaeus habang nakangisi. Umirap ako sa kaniya at tinilamsikan siya ng tubig. “Cold?” He asked. I shooked my head and smirked at him. “Let's play!” Aya ko sa kaniya. Ngumisi siya at tumaas ang kilay. “What?” “Patagalan sa ilalim ng tubig. Kung sino unang lumutang siya ang gagawa ng dare.” I said. He looked at me while smirking. “Deal.” “At the count of three. One, two, three.” Pagkabilang ko ay sabay kaming lumubog sa tubig ni Zacchaeus. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya iminulat ko ito sa tubig at nakita si Zacchaeus na nakangiti sa akin. My heart raced while looking at him. Damn! Kahit sa ilalim ng tubig ang gwapo. I exhaled underwater causing bubbles to appeared between our faces. Nagkatagpo ang tingin namin ni Zacchaeus. He cupped my face and smirked. Mabilis niyang idinampi ang labi niya sa akin. Sa sobrang gulat ko ay napaahon ako sa tubig at nagbuga ng tubig. “Madaya ka!” I said while breathing heavily. Tumatawang lumutang si Zacchaeus sa tubig. Inis ko siyang pinaghahampas sa dibdib niya. Tumawa siya at hinuli ang kamay ko. “Paano ba yan...talo ka. Like you said the loser will be doing a dare.” Ngumisi siya sa akin at agad akong hinila palapit sa kaniya. “B-Bitawan mo nga ako!” Utal kong saad. I looked up to him. Pumapatak mula sa basa niyang buhok ang tubig at nahuhulog ito sa mukha ko. “Ang lamig mo.” He said almost whispering. Niyakap niya ako at idiniin ang ulo ko sa dibdib niya. “Want to be warm?” Hinampas ko ang dibdib niya at namula. “What? You're such a pervert!” Natatawa niyang sabi. Mas niyakap niya ako at maya-maya ay naramdaman ko ang pag-init ng tubig. “Better?” Tanong niya. Kumawala ako sa yakap niya at tumango. He pinched my cheeks and splashed water on my face. “Hoy ang init na ng tubig!” Tuwang Sigaw ni Sage. napalingon ang iba sa amin. Humagalpak si Tyson sa tawa. “Baka umihi si Beau!” Sigaw niya. Tumawa naman ang iba dahil sa sinabi niya. “Hindi ah.” Tanggi ni Beau. We laughed at him. Sina Branwen naman ay nakahiga sa may tent at nagpapahinga. Tumatawa akong tumingin kay Zacchaeus na nakatalikod sa akin. Ang lapad talaga ng balikat niya! Napaka manly. Lumapit ako sa kaniya para sana guluhin siya sa paliligo pero natigilan ako ng makita ang isang bagay sa likod niya. I unconsciously touched his bared nape down to his back. I trailed the ink on his back. Napalingon si Zacchaeus sa akin. “Hmmm?” Pinagpatuloy ko ang pagpapalandas ng daliri sa likod niya na may itim na nakatatak. “Zacchaeus, what's this?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD