Kabanata 15 : Trust
Celestia’s Point of View
I never thought i will found my happiness here. Funny right? Hindi ko kailanman naisip na may mundo para sa mga mahika. Ni hindi pumasok sa isipan ko na pumasok dito at mas lalong hindi ko inaasahan na dito ko matatagpuan ang lalaking iibigin ko.
“Tama na yan! Nilalanggam na kami dito.” Napahagikhik ako ng sumigaw si Beau.
“Tsk. PDA niyo. Pasalamat kayo hindi yan pinagbabawal dito.” Saad ni Zac.
Tatawa-tawa naman kaming umupo nina Geordi. Kasabay niya si Aramis na nakaakbay sa kaniya.
“Sit here.” Tumango akoat tumabi kay Zacchaeus. Agad niyang hinawakan ang bewang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko. “What took you so long?” Tanong niya.
I giggled lalo na ng maramdaman ang pagdampi ng hininga niya sa leeg ko.
Nakakakiliti!
“Nagbawas pa si Geordi.” Sagot ko he just laughed at me. Napanguso ako ng ilahad niya sa harapan ko ang isang tray.
“Here eat this.” Napasimangot ako sa kaniya.
“Ang dami naman niyan! Anong tingin mo sa akin? Baboy?”
“You're so thin. Para kang hindi pinapakin.”
“Andami naman eh'.” Reklamo ko. Umiling siya at lumapit sa may tenga ko.
“Kakainin mo o hahalikan kita?” Tanong niya. Agad naman akong namula at bahagya siyang tinulak bago kunin ang tray.
“Bakit walang pizza? I want pizza.” Saad ko habang nginunguya ang burger.
Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko.
“Kakain din pala eh' gusto pang takutin.” Saad niya.
Ngumuso ako at tumingin sa mga kasama namin. Nakanganga sila sa amin at Maya-maya ay nameke ng ubo.
“Ano ba naman yan! Ang tamis.” Saad ni Branwen.
“Inggit ka lang eh'.” Asar sa kaniya ni Sage.
“Sweetness is not my stye.” Saad ni Vito.
Umirap lang si Zacchaeus at muli akong tiningnan.
“Wag mo nga akong titigan!” Saway ko sa kaniya.
“Why? Naiilang ka?” Ngumisi siya sa akin.
Kumabog ng malakas ang puso ko. Damn him! Ni hindi ko mapigilang mapangiti. Ang gwapo talaga.
“Tse! Wag mo akong ngisian. Kalaban ka kaya namin.” Saad ko. Lumukot naman ang mukha niya at ngumiwi.
“We're not. We're lovers.” Saad niya. Naghagalpakan naman sa tawa sina Tyson na animong nasusuka.
“I can't believe na ganito ka cheesy si Zacchaeus!” Saad niya.
“Tsk. Mind your own business.” Saad naman ni Zacchaeus.
“Nagkaroon ka lang ng Celestia—” Naputol ang sasabihin ni Soren ng takluban ni Sean ang bibig niya.
“Hayaan mo na. Mamaya sunugin ka niyan. Ikaw din lalo kang iitim.” Nagtawanan naman ang mga nasa table namin.
“Tsk. Got a problem with my bronze skin?” Nakataas na kilay na tanong ni Soren.
“Bronze? Pinasosyal pa ha!” Tumawa si Tyson.
“Don't mind them. Kumain ka na.” Bulong ni Zacchaeus sa tenga ko. Tumango naman ako sa kaniya. Susubo na dapat ako ng hapitin ako ni Zacchaeus papalapit sa kaniya at ihilig ang ulo sa balikat ko. “I'll just rest.”
Tumango naman ako kahit na namumula. He's so adorable! I can't stop smiling habang kumakain.
Kahapon lang ng umamin or more like umamin kami ni Zacchaeus sa isa't isa. Hindi ko alam pero sobrang weird dahil ng pumasok kami ni Zacchaeus sa cafeteria ay sobrang tahimik. Everyone's glaring on us. I find it awkward though Zacchaeus's very oblivious with it.
Pagdating namin sa table ay agad kaming nginisian nina Tyson. They're looking at us while giggling.
Hindi kaya alam nila? Pero paano naman nila yun malalaman? Ang gulo! Baka may nakarinig tapos ipinagkalat?
“Don't over think.” Bulong sa akin ni Zacchaeus. Tumango ako at namumulang tumingin sa mga pagkain.
Nang matapos ang lunch namin ay dumiretso na kami sa may room. Kahit na lagi kong katabi si Zacchaeus ay hindi pa rin nakakatakas ang mga irap at parinig ng ibang estudyante sa akin.
“What a user!”
“Ginayuma siguro.”
“Weak naman.”
“Tsk. Bulag yata si Zacchaeus.”
“Hoy! Manahimik nga kayo. Inggitera.” Bulyaw ni Beau.
Pagadating namin sa room ay agad akong binulungan ni Geordi.
“Ang clingy ni Zacchaeus ah?” Humagikhik siya. Umismid ako sa kaniya at tumawa. Pero agad din iyong nawala ng makita ko ang bracelet ni Mia.
Kumunot ang noo ko. Iyon ba ang braceclet na binili ni Zacchaeus? Pero ang sabi niya...arghhh! Ang gulo na.
Is he two timing me? Baka nachachallenge lang siya saken? No. He won't do that.
Hindi ako mapakali sa kaiisip. I should trust Zacchaeus right? He said he love me. Pero bakit naman sobrang bilis? Mabilis din naman ang akin?
Napabuntong hininga ako at tumingin sa may pintuan. Saktong pumasok doon si Sir Cad.
“I've now graded all of you. You all did an amazing job lalo na ang grupo ni Zacchaeus. Pinuri ng Royal Families ang pagkakaayos ng event. And also the foods are amazing!” Nagpatuloy sa pagsasalita si Sir hanggang sa mapunta ito sa battle.
“Starting tomorrow ay pwede nang magtrain ang dalawang teams. Celestia doon kayo sa may field. Zacchaeus sa may training room kayo.” Saad ni Sir. Napatango ako at bumuntong hininga.
Eh anong itetrain ko? Kainis! Ni hindi pa nga ako makapag cast ng spell. Siguro stamina muna ang aayusin ko.
“Yes Zacchaeus?” Napatingin ako sa likod ng biglang tumayo si Zacchaeus.
“Can't we just train together?” Seryosong tanong nito. Bahagya akong natawa ng umiling si Sir.
“No. Besides bakit pa? Magkalaban nga kayo diba?” Takang tanong ni Sor. Umigting ang bagang ni Zacchaeus bago umupo.
We're lovers.
Nang umawas na kami ay agad akong nilapitan ni Zacchaeus.
“C'mmon. May pupuntahan tayo.” Saad niya. Hinigit niya ako palabas ng room at dinala sa may field.
“Akala ko ba may pupuntahan tayo?” Tanong ko. Umupo siya kaya umupo din ako.
“Kaya nga. Come here.” Hinigit niya ako palapit sa kaniya at inakbayan.
“I can't train with you.” Panimula niya. “Make sure to keep distance with Noe.”
“Ha? Eh kaibigan ko lang naman si Noe.”
“I'm jealous. Naiinis ako dahil hindi kita naging kagrupo.” He pouted. I pinched his cheeks. Sobrang cute!
“Ano ka ba! Ikaw nga ka group si Mia eh.” Natampal ko ang bibig ko dahil sa sinabi.
Damn! Masyadong madaldal.
“Are you jealous?” Nakangising tanong niya. Umiling ako sa kaniya.
“Bakit naman ako magseselos?” Tanong ko habang nakataas ang kilay.
“Cause she's my group mate?” Umirap ako sa kaniya.
“Tsk. Yabang...” Bulong ko. Tumawa siya at marahang pinitik ang ulo ko.
“Akala mo hindi ko alam ang mga iniisp mo? Moving on, huh?” Namula ako at hinampas ang braso niya.
“Y-You...sinasabi sayo ni Branwen?!” Tumango siya habang tumatawa. “That hello kitty...”
“Naka-move on ka ba?” Inirapan ko si Zacchaeus na ngayon ay nakahawak sa tiyan niya habang tumatawa.
“Shut up, Zacchaeus.” Namumula ko siyang hinampas.
“Awww. Ang payat mo pero ang lakas mo manghampas.” Reklamo niya.
“Edi ikaw na ang mataba.” Ngumis ako sa kanoya. “Bakla ka naman.”
“Me? Bakla...wanna taste my lips hmmm?” Umirap ako at lumayo sa kaniya.
“Yuck! Wag na lang.” Umarte pa akong nasusuka. Pero sa loob loob ko... Damn! Maharot.
“Tsaka anong mataba? Baby i have abs.” Akma niyang itataas ang uniform niya ng tumayo ako.
“Ang pervert mo!” Sigaw ko. Ngumisi siya at hinigit ako paupo. Namula ako ng hindi ako sa damuhan napaupo.
Nakaupo ako ngayon sa hita niya! Damn. Halos magtayuan ang lahat ng balahibo ko.
“I'm not pervert.” Bulong niya at niyakap ako. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko at bumuntong hininga.
“Z-Zacchaeus ang daming n-nakatingin.” Pilit kong tinatanggal ang yakap niya pero agad siyang umangal at mas lalong hinigpitan ang yakap.
“Let them. I'm now marking you as mine, Celestia.” Serysosong saad niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
“I can't believe na ganyan ka kasweet.” Bulong ko sa kaniya habang nakatingin sa malawak na field.
Naramdam ko ang titig niya sa akin kaya naman lumingon ako sa kaniya. Sobrang lapit!
“What?”
“I mean, the first time i met you. You're so cold tapos para kang galit sa mundo.” Natawa ako sa sinabi ko.
“Hmmmm. That's because i love you.” Ididukdok niya ang ulo sa leeg ko. His nose touching my neck.
Natahimik ako sa sinabi niya. Naghalo-halo ang nararamdaman ko. Masyadong matamis si Zacchaeus. But something's making me confused.
“Y-Yung binili mong braceclet sa mall. K-Kanino mo yun binigay?” Tanong ko. Inangat niya naman ang ulo niya at tiningnan ako ng may ngisi.
“I gave it to Suran.” Maikling saad niya. Kumunot ang noo ko. “Are you jealous?” Ngumisi siya at tinusok ang gilid ko.
“E-Eh Hindi yun! Kung binigay mo yun kay Suran how come na meron ding ganoong braceclet si M-Mia?” Utal kong tanong. Namula ang pisngi ko sa hiya.
“I don't know diba ikaw ang pumili no'n?” Inosenteng tanong niya. Ngumuso ako at tumayo.
“Tara na nga.” Hinila ko siya patayo at naglakad na kami papunta sa dorm.
Nang makarating kami sa may dorm ay kinawayan ko na si Zacchaeus. Ngumiti siya sa akin.
“Bye payat!” He waved and run nang akmang hahampasin ko siya.
Natatawa akong pumasok sa may dorm.
I swear sobrang saya ng araw ko. That boy... I really love him.
“Talon!”
“Yuko!”
“Upo!”
“Roll over. Play dead—Aray!” Hinimas ni Tyson ang ulo niya na binatukan ni Zac.
“Hindi kami aso.” Masungit na saad nito. Ngumiti naman ng nakakaloko si Tyson saka tumakbo.
Hingal akong naupo sa may damuhan. Pahapon na at kanina lang umaga nagsimula ang official training namin para sa battle day. Sina Zac na may mga major enchant ay nagt-training habang ang ibang wizards naman ay ganoon din. Ako lang yata ang halos mamatay na dito dahil buong katawan ang ginagamit ko
Takbo dito. Talon doon. It was like a mix martial arts session. Well, i'm glad to know na mayroon akong alam pagdating diyan.
Pero anong silbi ng lakas ko kung isang pilantik lang ng daliri ng kalaban ay baka tumalsik na agad ako?
Delikado din ako lalo na at kalaban ko si Mia. Nakakainis! Paniguradong lalapitan na naman niya si Zacchaeus.
“Tubig 'oh.” Ngumiti ako at tinanggap ang water bottle na ibinigay ni Noe. Umupo siya sa tabi ko at ngumisi.
“Anong ngingisi-ngisi mo?” Tanong ko.
“May naalala lang ako.” Tumawa siya at muling nagsalita. “May inilagay na ipis si Tyson sa bag ni Sage noong isang araw.”
Kumunot ang noo ko. That happened four days ago. Halos mamatay nga sa takot si Sage at agad niyang nasunog ang bag. Pero....
“Ngayon mo lang naalala?” Tanong ko. Tumango-tango siya habang tumatawa. Napailing ako. Grabe malala na si Noe!
“Now!” Sigaw ni Soren at agad siyang nawala. Lumitaw siya sa pinakagitnang bahagi ng field at bigla na lang may tumubong maraming vines sa paligid niya. Isa-isang napilipit ang mga ito hanggang sa makabuo ng isang barrier. Di nagtagal ay agad itong nagyelo kaya agad na nawala ai Soren sa gitna nito.
Humagalpak naman sa tawa si Beau dahil pagkatapak na pagkatapak pa lamang ni Soren sa lupa ay agad din itong nagyelo kaya nadulas siya.
“Motherfucker Sean!” Sigaw ni Soren at nagdirty finger kay Sean na ngayon ay tumatawa.
“Yaaaaaah!” Sumigaw si Tyson ng sobrang lakas at agad na pinatamaan ng kidlat ang tabihan ni Beau.
“Pakyu!” Sigaw ni Beau at agad na pinatamaan ng liwanag ang tabihan ni Tyson.
Pinatigil naman sila ni Zac sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig.
“Para akong naihi!” Sigaw ni Tyson. Humagalpak si Sean at agad na pinaulanan ng yelo si Tyson. Sumigaw si Tyson sa lamig kaya natawa kaming lahat ng nandoon.
“Hindi ba yun delikado?” Tanong ko kay Noe. Umiling siya habang pinaglalaruan ang mga damo.
“Nope. Laro lang para sa kanila 'yan at isa pa ay nandito naman ako kung sakaling magkasakitan ang mga 'yan.” Saad niya. Napatingin ako sa damong nakapalibot sa amin ng bigla itong maging brown at malanta.
Napatingin ako kay Noe nang magsalita siya.
“Hindi ka ba natatakot sa amin? I mean, alam mo kung ano ang kaya naming gawin sa iyo. Lalo na si Zacchaeus.”
Napaisip ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa field at sinagot siya.
“Hindi. Never in my life akong natakot sa inyo alam ko naman na mababait kayo eh' tsaka i trust you guys.” Saad ko napangiti naman si Noe at agad muling nabuhay ang mga damo na kanina ay nalanta.
“Ang bait mo talaga pero kahit na mabuti ang pinapakita ng iba sa iyo ay wag ka pa rin masyadong magtitiwala. Masasaktan ka kapag binali ng isang tao ang tiwala mo sa kaniya.” Saad niya. Nagtaka naman ako.
“Bakit mo sinasabi yan?” Tanong ko. Tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin. Agad ko naman itong inabot at tumayo.
“May masabi lang. Nabasa ko kasi yan sa libro nung isang araw eh.” Nagkamot siya ng ulo at tumakbo kina Beau.
Ngumiti ako pero hindi mo maipagkakaila na may punto si Noe. You never know who you can truly trust. But that won't change the fact that i still trust them.
Muli akong nagpractice at ganoon din naman sila. Rotation lang ang magkakapartner para sa practice.
Kapartner ko ngayon si Beau na nakangiti sa akin ng nakakaloko.
“Hello Celestia!” Saad niya. Umismid ako sa kaniya at ngumisi. Kinausap sila ni Zac na wag masyadong itodo ang enchant kapag ako na ang kalaban nila.
Tumakbo ako papalapit sa kaniya. Agad naman siyang umatras at naglabas ng ball of light at ibinato sa akin. Tumalon ako at sumugod sa kaniya. Pumaikot ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya bago ito ipilipit.
Kumawala siya sa akin at tumawa bago magbato ng sunod-sunod na light ball.
“Y-Yah!” Sigaw ko dahil napadami ang bato niya. Imposibleng makatakas ako agad-agad.
“Abnormal ka Beau!” Sigaw nina Tyson na papalapit sa akin. Patuloy ako sa pagtalon at lumingon sa kanila.
Wrong moved! May tumamang light ball sa braso ko at agad akong natumba.
“Celestia!” Alalang sigaw ni Beau. Umupo ako at tiningnan ang braso. Lumapit sila sa akin at tiningnan ang braso ko.
“Bakit punit lang?” Tanong ni Tyson. Binatukan siya ni Beau.
“Anong gusto mo? Labas laman?” Sakristikong tanong ni Beau at itinayo ako.
Pinagpagan ko ang pwet ko at tiningnan ang paligid.
“B-Bakit ukab ukab ang lupa?” Tanong ko. Napatingin sila sa lupa bago tumingin sa akin ng nanlalaki ang mata.
“Kinikilabutan ako takte!” Saad ni Soren.
“Tinamaan ka ba talaga?” Nagaalangan na tanong ni Zac. Tumango ako. Sigurado akong tinamaan ako. Kaya nga ako tumalksik eh!
“Pero...bakit hindi ka man lang nasugatan?” Tanong ni Sean.
Maging ako ay nalito sa sinabi nila.
“Impossible to! Lahat ng pinakawalan kong light ball ay kapag dumampi sa balat mo ay agad kang masusugatan. Bakit hindi ka man lang tinablan?” Napayakap si Beau sa sarili niya at umaktong kinikilabutan.
“E-Ewan.” Iyon lang ang nasabi ko. Naguguluhan nila akong tiningnan.
“Hindi kaya...light enchanter ka din?” Tanong ni Tyson. Umiling ako at umirap.
“Light enchanter? Tao kaya ako!” Sigaw ko sa kanila. Umiling sila at hindi makapaniwalang tiningnan ang ukab-ukab na lupa bago muling tumingin sa braso ko.
“Unbelievable.” Saad ni Zac.
Nagpatuloy ang practice at naiinis na ako dahil masyadong desperada sina Janet na galusan ako. Kung ano-anong klase nang kahoy ang hinahagis nila sa akin.
Natapos ang practice na parang lutang ang mga lalake. Well, except kay Noe. Lagi namam kasi siyang lutang.
“Paano mo yun nagawa?” Tanong ulit ni Beau at Tyson sa akin. Binatukan naman sila ni Sean.
“Wag yan ang alalahanin mo. Mag-alala ka sa sarili mo kapag nalaman ito ni Zacchaeus.” Nakangising saad ni Zac. Umirap naman si Beau.
“Di ko kaya yun sinasadya. Masyado lang akong nadala!” Saad nito. Inakbayan siya ni Noe at Soren.
“Still...patay ka pa din.” Bulong nila. Nagreklamo si Beau.
We laughed at him bago dumiretso sa room.
“You're here...” I smiled when i saw Zacchaeus sitting on my table while holding my pink bag.
He looked manly even though he's holding that pink cute bag. I smiled and walked to him.
“Kanina ka pa?” Tanong ko. He shooked his head and hold my hand. His other hand still holding my pink bag. “Gimme my bag.”
Umiling siya at ngumiti agad namang nagsigawan ang iba naming kasama.
“Sweetness is really not my style.” Saad ni Vito.
“Akin ka na lang po.” Saad ni Branwen. We all laughed habang sina Tyson at Tyrio naman ay umarteng nasusuka.
“Ang landi niyo!” Sigaw ni Soren. Napatingin kaming lahat sa kaniya.
“Coming from you.” Saad ni Vito. Umirap sila at lumabas na ng room. Hinahanap ko si Geordi pero hindi ko ito makita tinanong ko si Branwen ang sabi niya ay baka daw nagdedate sila ni Aramis.
Nahuhuli kami ni Zacchaeus kina Zac. He's holding my waist, marking it's territory.
“How's your day?” He asked.
“Ayos lang naman pagod lang ng kaunti.” Gusto kong mapamura sa kasinungalingan ko.
Damn! My tiredness is far from 'kaunti'. I felt like lying the whole day!
“Little liar, who would believe you? Your uniform says it all.” Napahalakhak ako sa sinabi niya.
He's a damn observer. Not my fault kung malalaman niya ang nangyari kanina sa akin.
Hinatid nila ako sa girls dorm. Zacchaeus kissed my cheeks sa harapan nila Soren kaya naman namumula akong pumasok sa loob.
That guy! Nakukuha pa akong asarin. Nauntog ko ang sarili ko sa pintuan. Damn! Hindi ko natanong kung anong nangyari sa trainibg niya.
Baka inaligiran na naman siya ni Mia. Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong binagsak ang katawan sa kama.
What a tiring day. Two weeks na lang at battle day na. Can i survive?