Kabanata 3

2420 Words
Kabanata 3 : Enchantress Celestia's Point of View “Uhh...O-order l-lang ako.” pinanlakihan ko ng mata si Geordi ng iwan niya ako sa table. Traydor! Hindi man lang maging thoughtful. Heck. Hindi niya dapat akong iwan dito kasama ang- “So, Celestia is your name right?” napangiwi ako sa mga tanong nila. Obviously, naiwan ako sa table ng canteen mag-isa...no scratch that kasama ko ngayon ang sinasabi nilang si Tyrio, Sage at Beau. Fantastic isn't it? “Yeah.” sagot ko. Nagpout naman sa akin si Tyrio. Oh! How I want to pinch his cheeks, he's so cute like a panda. “Tipid mong magsalita.” nakasimangot na saad ni Sage. Hindi ba halata na ayaw ko silang kausap? Umiling ang mga ito na parang dismayado saka umalis sa table namin ni Geordi. Thank God! Umalis din. I don't think I can handle them lalo na at maraming mata ang nakatingin sa akin ngayon ng matalim. Tiningnan ko ang tatlo na bumalik sa table nila sa gitna. Special treatment huh? Inintay ko lang si Geordi na bumalik galing sa pila hanggang sa may kumpol ng babae ang dumaan sa table namin at di sinasadyang matapunan ng juice ang skirt at blazer ko. Mabilis akong napatayo. “s**t!” I cussed. I looked at the girls face and she's looking at me with an apologetic face. Napakamot ako sa batok. “I'm sorry I didn't mean it.” tumango ako dito at sumalampak ng upo. What a nice start? Ngayon ay mukha ako ditong sugatang tao na parang binuhusan ng dugo. Bakit kasi red juice pa? Pwede namang blue mas gusto ko pa yun! Sumimangot ako at inintay na lang si Geordi na dumating. Nang dumating siya ay agad kumunot ang noo nito. “Let me guess, natapunan ka ng regla no?” biro niya. Inirapan ko siya at kinuha ang in-order na pagkain. “Masyado kaseng mabait eh'.” “Tsk. Hindi naman kase niya sinasadya eh.” I explained and bit on the burger. Inilingan niya ako habang tinitingnan. “Sinadya nila di mo lang napansin. Binubully ka na nila, ito na yung sinasabi kong ganti nila sayo.” inabutan niya ako ng tissue at agad ko naman itong ipinunas sa nabasang parte ng uniform. “Bakit nga pala umalis sina Tyrio?” she asked me. Nagkibit balikat ako at tumingin sa table nila. Nahagip ng mata ko ang paghalakhak ni Zacchaeus kaya naman nagtagal ang titig ko dito. Marunong naman palang tumawa. Mas gwapo siya kapag nakatawa. Nang mapansin niya ang titig ko ay tumalim ang tingin nito at binalingan ako saka inismidan. “Bakla.” bulong ko. Masyadong maarte. “Sinong kausap mo?” Geordi asked me. Inilingan ko lang siya at nagtuloy sa pagkain. Nagkwentuhan lang kami ni Geordi habang kumakain. Sabi niya ay sadya daw na ganun ang trato ng mga enchanter sa mga mortal kaya wag nang magtaka. Sinabi din niya na ang dalawa pang tao na nandito sa Magthonous Academy ay kaibigan niya at wala daw ito ngayon dahil masakit ang ulo. “Diba sabi mo bully sila?” sabi ko sabay nguso sa table nila Zacchaeus. “Bakit para namang hindi?” Tumawa siya at tiningnan rin ang table nila. “Akala mo lang. Mabait pa yang mga yan dahil nandito ang isa sa mga Royal Family. Pero kapag wala na...tiyak gugulo na naman.” “Sinong Royal Family?” tanong ko naman. Linunok muna niya ang kinakain bago sumagot. “Yung taga-Nendrosian. Tingin ko ay yung mag-asawang nawalan ng anak.” napa-ahh naman ako at muling kumain. Nang matapos ang lunch ay nagdire-diretso ang klase. Nandoon pa rin yung mga masasamang tingin nila sa akin pero binalewala ko na lang. Nang mag-uwian ay dumiretso na agad kami sa dorm dahil may presentation pa bukas si Geordi at kailangan niya yung ma-isubmit bukas din. “Grabe naman yan!” I shouted. Hating-gabi na at di pa rin natutulog si Geordi. Sabi niya ay tatapusin niya muna ang ginagawa bago matulog. Pinauna na niya na akong matulog pero hindi din ako makatulog! “Ayaw mo talaga ng tulong ko?” I asked her for the nth time. Tiningnan niya ako ng masama at ibinalik din ang mata sa ginagawa. “I'm so damn bored!” reklamo ko. Dahil hindi pa din ako inaantok at hindi ko din alam kung bakit! Binuksan ko ang bintana at sumilip doon. Maliwanag sa ibaba dahil nanatiling bukas ang mga lamppost doon. Napatingin ako sa tapat na building nito. Malayo din ng kaunti ito sa building namin. Siguro ay mga 10 meters. Tuumunganga ako doon at tiningnan ang mga bituin. They simultaneously tosses their heads. Nang ibaba ko ang tingin sa tapat na building ay ngayon ko lang din napagtanto na boys dorm ang katapat na building namin. Karamihan ay patay na ang ilaw. Bukod tanging sa tapat na palapag lang ng room namin ang may pinakamaliwanag na ilaw. Gising pa siguro ang mga tao sa 11th floor ng boys dorm. Anong ginagawa nila? Party? Maya-maya ay may naaninaw ako sa tapat nang bintana ng boys dorm na isang lalake. Binuksan nito ang katapat na bintana ng dorm namin at saka humilig doon. Hindi ko masyadong kita kung sino pero pamilyar ang likod nito. Tumingin ito sa kalangitan kaya napatingin din ako. Bumalik ang tingin ko sa lalaki at nakitang nakatingin na ito sa akin. Shit! Nataranta ako at agad isinara ang binatana pero bago yon' magawa ay nahuli ko na ang irap sa akin ni Zacchaeus. Maarteng lalake! Tch. Simangot akong humiga sa kama at hindi din nagtagal ay inantok na. “Please present your work Ms. Lopez,” tumango si Geordi kay Ma'am Helen at dumiretso sa unahan. Inayos niya sa unahan ang Powerpoint na ginawa niya kagabi. Akala ko ay hindi alam ng mga enchanters dito ang gadgets yun naman pala...nevermind. Marunong at mayroon sila ditong mga technology kaya naman hindi na ako nanibago. Tumikhim si Geordi saka nagsimula. “Goodmorning! I am about to discuss the history of Enchanted World, it's kingdom and the Royal Families.” umayos ako ng upo at nakinig sa kaniya. “Enchanted World is believed to be created by the twelve Goddesses and Gods. Each element of the Goddess and Gods is being given to an enchanter every 100 years. There are 12 major enchant that is considered to be the powerful one in this world. The Nature, Earth, Fire, Water, Wind, Ice, Time, Light, Lightning, Heal, Shadow and Telekinesis. These are the major enchant that were used during a battle.” “Enchanted World is divided into five kingdoms which is Nendrosian, Incotien, Coarsien, Odarsien and Linensian. Each kingdom is ruled by a King or Queen.” Ipli-nay niya ang isang slide at lumabas doon ang limang imahe ng mga matatanda. “They are the first ruler of the five kingdoms. King Westley of Nendrosian, King Bilep of Incotien, King David of Coarsien, Queen Keisha of Odarsien and King Miller of Linensian.” “Each Kingdom have Royal Families. They are the one who helps the King or Queen in ruling their Kingdoms. A Family is considered as Royal if one of it's member is a possessor of the major element or enchant. Or they are Royal Family if they are related to the King or Queen.” the discussion went on at pinatigil na siya ni Ma'am sa pagpepresent at pinaupo. “Bakit daw?” tanong ko. Inilingan niya ako nagkibit balikat. “Siya na daw ang magtutuloy tsaka patapos na din naman.” sagot niya saka inilabas ang notebook. “Fortunately natapos ni Ms. Lopez ang topic. Kaya dadagdagan ko na lang ito.” she looked at everyone in the room. “Sa bawat Kingdom ay may mga pinipili ang Goddesses and Gods na siyang karapat-dapat na magtaglay ng major enchants. Sa panahon ngayon ay hindi lamang labing-isa ang napili. Si Vito at Sean na isang Shadow and Ice enchanter ay nagmula sa Kingdom Odarsien. Ang Earth at Heal enchanters naman na si Aramis at Noe ay nagmula sa Linensien.” napatingin ako sa likod ng wala sa oras. Nakita ko ang kaseryosohan ng mukha ng mga lalaking nasa likuran. “Sina Sage, Beau at Tyson na nagmula sa Coarsien ay enchanters ng Fire, Light at Lightning. Ang napunta naman sa Incotien ay ang mga enchanters ng Time at Telekinesis na sina Tyrio at Branwen.” ngumiti si Ma'am. “Sa Nendrosian naman nagmula ang Water at Nature enchanter na sina Soren at Zac.” ngumiti siya ng mas malawak. “We are very lucky dahil hindi lang labing-isa ang binigyan ng major enchants. Si Zacchaeus na nagmula sa Kingdom Incotien ay tinawag na F.E.W enchanter ng mga Royal Families dahil siya ang enchanter na kayang magmanipula ng Fire, Earth at Wind.” nagtilian ang mga kaklase kong babae at ang mga lalake naman sa likod ay nagsigawan. Napatingin ako dito at naabutan kong kinakantyawan nila Beau si Zacchaeus. Sus! Kaya pala laging mahangin. “Class silence.” ibinalik ko ang titig kay Ma'am Helen. “At mas lalo tayong mapalad dahil hindi lang isang F.E.W ang ibinigay ng mga Goddesses and Gods. They also gave us an Enchantress.” Nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa room matapos sabihin iyon ni Ma'am. May nagtaas ng kamay at nagtanong. “Ma'am diba po ang sabi ay nawawala ang Enchantress at mayroon ding nagsabi na matagal na itong patay?” Umiling si Ma'am at iginala ang tingin sa buong klase. “Hindi pa yan masasabi. Sanggol pa lang ang enchantress ng kunin ito ng mga Dark Enchanters at itakas. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap nila.” natahimik ang buong classroom. Kumunot ang noo ko at nagtaas ng kamay. Masyado na akong nacucurios! Tumingin sakin si Ma'am at ngumiti. “Ma'am ano po yung Enchantress?” tanong ko. Nakita ko ang pag-irap ng ilan dahil sa tanong ko. Masisisi niyo ba ako eh' ngayon ko pa lang narinig ang tungkol sa Enchantress na iyan. At isa pa ay 'di rin naman yan nakukwento ni Geordi sa akin. “Good question. Ang Enchantress ay siyang nagtataglay ng halos lahat ng ng major enchant. Siya at sina Zacchaeus sana ang magiging dahilan para mabalanse ang mundo ng Enchanted World pero agad itong itinakas ng mga Dark enchanters.” napatango naman ako. So meaning, kung malakas si Zacchaeus mas malakas pa din yung Enchantress na nawala? Sayang! Kawawa siya dahil baka ngayon at patay o kaya ay naghihirap siya. “Hoy babae!” napalingon ako sa likuran ko nang may tumawag sa akin. “Bakit?” tanong ko. Nandito kami ngayon sa field dahil P.E at lahat kami ay nakaputing panjama at tee-shirt. Well, ako lang ata yung puting puti dahil wala pa akong kahit isang spell na ikina-cast. Lahat ng mga nandito ay may kulay ang linings ng P.E. “Wanna play a game?” kumunot ang noo ko sa tanong ng isang lalake. Kung bakit pa kase sumakit ang ulo ni Geordi eh! Dapat ay hindi ako ngayon mag-isa. “No thanks.” sagot ko sabay nguso. Tumawa ang lalake at sumigaw. “Eto oh!” tumama sakin ang isang nakakadiring...ano to? Slime wtf? “Yan pa.” naghagis pa siya sa akin ng berdeng bilog hanggang sa maging kulay berde na din ang puti kong P.E uniform. “Problema mo?” asik ko sa kaniya nang may matalim na titig. “Ikaw! Bakit kase kayo nandito!” sigaw niya at hinagisan ulit ako ng malaking bilog na slime. Tumama ito sa mukha ko at nagtawanan ang mga nakakita. Umirap na lang ako at pinahidan ang mukha. Ang lagkit naman nito! “Isip bata.” bulong ko saka tumalikod sa kanila. Pero di pa ako nakakalakad ay agad akong natapilok. f**k! Flat na flat sa damuhan ang mukha ko. At halos magdugo ang ilong ko dahil sa impact! Tumayo agad ako at hinarap ang may gawa. Nakita ko si Leah, isang thread manipulator. Kaya niyang pagalawin ang kahit anong sinulid. “Ano bang ginawa ko sa inyo?” Tanong ko. Seriously? Buti na lang at hindi ako nangongo kundi ay makakatikim sila. Imbes na pakinggan ang sagot ay tinalikuran ko na sila at nagpunta sa benches. Kumuha ako ng isang roll ng tissue sa bag at pinunasan ang dumi sa katawan pati mukha. "Mga isip bata." Bulong ko habang nagpupunas. Pasalamat sila at mahaba ang pasensya ko. Napadaan ang tingin ko sa kabilang gilid ng field kung saan naglalaro ang grupo nina Zacchaeus. Nakatingin sila sa direksyon ko at tumatawa. Napairap ako, napaka talaga ng mga lintek na enchanters! Tumayo ako at kinuha ang wand. Nagcast ako ng isang spell pero ayaw gumana. Ano bang problema? Tinry kong pumikit at magconcentrate bago i-cast ang spell pero ayaw gumana. “Arg! Ano bang problema?” nakailang ulit na ako ng cast ng spell pero ayaw talagang gumana! Napatingin ako sa ibang wizards at nakitang madali lang nilang nagagawa ang pagca-cast ng spell. May nakita pa akong nagpalutang ng towel na dapat ay gagawin ko din pero ayaw gumana! Frustrated akong nagpapadyak at umupo sa damuhan. I tried really damn hard to concentrate. Pinikit ko ang mata ko at tinanggal lahat ng isipin at nagcast ng spell. Pagmulat ko ay wala pa ring nangyayari sa towel na gusto kong palipadin gamit at spell. Idinuro ko ito ng wand at inulit muli ang cast pero wala pa din! Pagharap ko ay isang sigaw naman ang narinig ko. “Tabi!” my eyes widened at wala na akong nagawa ng tumama sakin ang isang bola ng tubig. Napahiga ako sa lakas ng pagtama nito sa dibdib ko at panandalian akong nawalan ng lakas. “Tangina! Kasalanan mo to'eh!” I heard them arguing at may isang lalaki ang lumapit sa akin. “Are you okay?” tanong sakin ni Zac. Inirapan ko siya at agad akong tumayo kahit na basang-basa at masakit pa din ang katawan ko. Tinungo ko ang girls dorm. Wala na rin namang klase kaya walang masamang umuwi na. Pinagtitinginan at pinagtatawanan ako ng mga nadadaanan ko. Narinig ko pa ang mga bulung-bulungan nila! “Tinamaan daw ni Zac ng water ball.” bulong ng isa sabay hagikhik. “Hindi, ang rinig ko ay bigla na lang daw pinahangin ni Zacchaeus kaya ayun nadala yung water ball na ginawa ni Zac.” nagtawanan sila. “Mukha siyang basang sisiw!” “Kadiri naman itsura niya.” Peste! Kapag ako natutong gumamit ng spells patay kayo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD