Kabanata 25: Hot Celestia's Point of View Umikot akong muli at sinubukang matulog. Pero damn! Kanina pa ako paikot-ikot dito sa higaan pero hindi pa din ako makatulog. Lintek na konsensya! Padabog akong tumayo at lumapit sa pintuan. Inilagay ko ang tenga ko sa pinto at sinubukang pakinggan ang labas nito. Kung bakit pa kase ako dinadalaw ng konsensya? Eh siya naman talaga yung may kasalanan. Tch. Naman! Kanina ay napagkasunduan nila Tyson at Soren na mag-inom dahil matagal na daw silang hindi nakakatikim ng alak lalo na at hindi ito allowed sa loob ng Academy. But Zacchaeus refused. Sabi niya ay matutulog na siya. Eh' hindi ko naman alam na ang tulog pa lang sinasabi niya ay yung katabi ako sa kama. Kaya ayun! Nasigawan ko tapos pinatulog ko sa may sala. Kainis kase...tama siya. Ma

